Halos hindi magkandamayaw ang mga tao sa pakikiusyoso sa kanilang mga nakita. Mga litrato naming dalawa ni Jeremy kahapon bago namin lisanin paaralan. Nag-uusap at ang hindi nakaligtas sa mga mata nila ay ang pag-expose ng litratong hinalikan ako ni Jeremy.
Doon ko na nakita ang galit sa mukha ni Jeremy at walang sabi-sabi na tinadyakan niya ang projector ba nakapatong lamang sa lamesita. Narinig ko ang kanyang sigaw at itinatanong kung sino ang may pakana ng lahat ng ito at saan nakuha ang mga litrato.
Ako naman ay halos hindi na makalingon kahit saan at nakatitig lamang kay Jeremy. Alam kong ako ang sentro ng kanilang mga mata. Bulungan at mga salitang hindi ko akalaing maririnig ko ngayon. Gusto ko na lamang na may isang blackhole na bumuka kung nasaan ako at wag ng bumalik pa dahil sa kahihiyan.
Si Hance na kaninang nangungulit sa aking umalis na rito ay biglang nawala sa aking tabi. Kung saan man siya pumunta ay hindi ko alam. Naiiyak na ko. Gusto kong tumakbo at magtago sa kung saan pero parang nawalan ng lakas ang utak ko na utusan ang mga paa ko para kumilos at alisin ako sa pangyayari na ito.
Sana panaginip na lang ang lahat. Sana magising na ako sa bangungot na ito. Hindi ko na makayanan. Ano bang nangyayari sa buhay ko. Kung ano man ang galit sa akin ng taong ito, sana ideretso niya sa akin nag problemang ito. Sobra na siya. Wala sa personalidad ko ang magalit dahil hindi ko alam kung anong kaya kong gawin. Lalo na at sobra na ang ginawa niyang pagpapahiya at pag-eexpose sa akin sa ganitong sitwasyon.
Heto na ang kinatatakutan ko. Ang malaman nila ang tungkol sa aming dalawa ni Jeremy at kumalat ito ng hindi ko man lang inaasahan o napaghandaan man lamang. Pero sabi sa akin ni Jeremy ipagtatanggol niya ako. Hindi niya ako iiwan sa laban na ito. Hindi niya ako pababayaan. Sana. Sana.
Nakita ko na nagwawala si Jeremy sa stage at kahit di ko masyadong marinig ang sinasabi niya ay alam kong tinatanong niya kung saan nanggaling ang mga litrato sa mga estudyanteng nag-asikaso para sa event ngayong araw na ito. Bakas sa kanya ang galit at parang kahit ano ay kaya niyang gawin.
Nabigla ang aking diwa ng biglang may humablot sa aking braso. Si Hance.
"Sumama ka sa akin ngayon. Sabi ko na ba eh. May kinalaman dito si Rafie, Arsyn! Bakit hindi mo ko pinakinggan!"
Sa halip na sumagot ay naiyak ako ng tuluyan. Si Rafie? Bakit niya gagawin sa akin 'to?
"Bakit? A-anong dahilan?"
"Hindi ko alam pero siya ang naglagay sa flashdrive ng mga litrato niyo. Sinundan ko siya bago pa magkagulo sa stage. Hindi ko alam ang dahilan Arsyn pero hinihintay ka niya sa room natin. Mag-uusap tayo."
Hinila na ni Hance ang kamay ko at hindi na ako nakasagot pa. Halos kaladkarin niya ko papuntang taas at para makausap si Rafie. Pagkarating namin sa room ay prentang nakaupo si Rafie. Crossed arms at cross legs. Nakangiti at para ang handa siya sa kung anong mangyayari ngayon at handa kung mayroong laban na mangyayari.
"B-bakit?" ang naitanong ko na lamang habang nakatitig sa kaibigan kong halos ituring ko nang kapatid sa loob ng walong taon, si Rafie. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito sa akin.
Lumapit si Hance kay Rafie.
"Ano? Masaya ka na? Bakit? Ano bang nagawa sa 'yo ni Arsyn. Gosh! Kung alam ko lang at hindi ako nag-alinlangan na imbestigahan ka, una pa lamang dapat pinigilan na na kita! Baka napabugbog pa kita!" sigaw ni Hance.
Pero isang sampal ang nakuha ni Hance mula kay Rafie.
"Napakadaldal mo. Gusto mong malaman?" tumayo siya sa kinauupuan niya.
"Hindi ko naman din patatagalin pa. May isa pa akong ilalabas pero dahil alam niyo na rin naman na ako ang lahat ng gumawa nito, tapusin na natin 'to! Simulan natin mula sa umpisa, Arsyn!" nilingon niya ako.
------
8 years ago.
"Aray! Bitiwan niyo nga ako! Ano bang gagawin niyo sa akin?" nagpupumiglas ako sa mga kaklase ko dahil pinagtitripan na naman nila ako. Dahil bakla ako. Buong akala ko nga ay sa private school lang may bullies. Pati rin pala dito sa public school.
"Sandali lang naman 'to. Pumayag ka na kasi!" sabi ng babaeng hindi ko naman kaklase. Gusto nila kasi akong ipitan ng buhok ayt pagsuotin ng kung ano-ano. Plus make up pa na hindi ko naman hilig.
"Iba na lang kasi! Nasasaktan na ako! Aray! Yung buhok ko!" pumalag pa ako.
Maya maya pa ay nainis ang tatlong babae sa akin. Itinulak na lamang nila ako at pinagbabato sa akin ang mga dala nilang make up.
"Ang arte mong bakla! Kaya wala akng kaibigan eh! Dami mong arte! Bahala ka na d'yan!"
Iniwan nila ako at bago pa nila ako tuluyang lisanin ay binuhusan pa ako ng softdrink na nasa pepbottle. Bukod sa marumi na nga ang damit ko, ay lalo pang nadumihan. Paniguradong papagalitan na naman ako ng Nanay. Ilang araw na rin kaong umuuwing madumi.
Tatayo na ako ng biglang may napansin akong nakatayo sa harapan ko. Tatlo sila. Tumingala ako at nakita ko ang mga lalaki na nakangisi. May mga edad na ata ito at hindi ko sila ka schoolmate. Ibang uniform ang suot nila. Napaurong ako.
"A-anong kailangan niyo?"
"Makikipaglaro lang kami, bakla. Mukhang magugustuhan mo rin naman."
"W-wala akong oras makipaglaro." tumayo na ako at habang umuurong ako ay papalapit din sila ng papalapit.
"Dali na bakla. Lollipop lang naman ang lalaruin mo eh. Yung hindi nauubos." sabi ng kasama niya.
"Layuan niyo ko please lang."
"Eh kung ayaw namin?" sagot pa ng isa.
"Babaliin ko ang mga buto niyo gamit ang Arnis ko!" isang boses ang nanggaling sa likod nila.
Nakapuwesto siya at hawak-hawak ang pares ng Arnis. Lumingon ang tatlong lalaki sa taong nagsalita.
"Oh. Mayroon pang isa. Gusto mo, sumama ka na lang. Gusto namin yang ganyang eh. Palaban."
"Manyak!" at pagkasabi no'n ay mabilis siyang lumapit at pinaghahataw niya ng Arnis ang tatlong lalaki.
Hindi ko alam laruin ang Arnis pero sa nakikita ko sa kanya ay parang bihasa siya sa talentong iyon. Kahit magkasing-edad lamang kami ay masasabi kong magaling siya. May pagkakataong napipigilan ang atake nita pero hindi iyon naging hadlang para mapigilan siya.
Alam kong masakit matamaan ng bagay na 'yon at nang matamaan ang isa sa kanyang leeg ay napatigil siya sinunod ang kanyang tuhod at binti dahilan para mapaluhod siya.
Hindi naman nagtagal ay sumuko rin ang tatlo. Siguro ay dahil na rin sa natamo nila. Ngunit ang nagtanggol sa akin ay wala man lang kung anong natamo mula sa mga lalaki. May kaunting pawis lamang siya.
"Babalikan ka namin! Pasalamat ka!" banta ng parang lider ng mga lalaking iyon. Hinambaan niya ang mga ito ng kanyang Arnis at nagsimulang magtatakbo ang tatlo.
Lumingon siya sa akin. Itinago nag kanyang Arnis sa lalagyan na nakasukbit sa kanyang likuran. Ngumiti siya sa akin. Inilahad ang kanyang mga kamay.
"Ako si Rafael. Rafie ang palayaw ko.. Wag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan. Kaibigan ako." sambit niya.
"S-salamat. Pero madumi ang kamay ko."
"Okay lang yan. Hindi naman ako maarte eh. "
Inabot ko ang kamay ko at nakipagkamay sa kanya.
"Ariel Syron. Arsyn ang tawag nila sa akin." tugon ko.
"Kakaibang name ha. Pero bagay sa 'yo. Buti na lang pala ay napadaan ako dito bago umuwi. Kung hindi baka napagpiyestahan ka na ng tatlong iyon. Mukha silang mga manyakis. Kadiri!"
"Salamat. Hindi ko alam kung paano ko maibabalik ang iyong kabutihan."
"Ano ka ba? Wala sa akin 'yon. Isa pa, gusto ko rin tumulong."
"Pero.."
"Pagkakaibigan na lang. Yan ang isukli mo sa akin. Isa pa, mukha ka namang mabait. Magkasing edad lang tayo siguro."
"Pagkakaibigan?"
"Oo. Friends. Wala bang kaibigan?" tanong niya. Medyo nasaktan ako ng bahagya sa tanong niya. Wala akong kaibigan.
Umiling ako at nilingon ang mata ko sa ibang direksyon. Nakakahiya sa kanya.
"Totoo? Pero wag kang mag-alala!" lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
"Mula ngayon, kaibigan mo na ako. Ayoko na kasi sa mga plastik kong kaibigan eh. Nakakasura sila. Ikaw, alam kong magkakasundo tayo."
"Paano mo naman nasabi?"
"Pakiramdam ko lang. Kasi pareho tayo. At simula ngayon ako na ang magtatanggol sa 'yo kung mayroon mang mambubully sa 'yo dito sa eskwelahan. Basta ngayon magkaibigan na tayo!"
Nakangiti niyang sambit ang mga bagay na 'yon. Napangiti rin ako. At tumango bilang sang-ayon sa kanyang alok. Inilapit niya ang kayang hinliliit.
"Pinky promise?" tanong niya.
"Oo. Pinky Promise!" sagot ko at pinagtali namin ang aming hinliliit na mga daliri."
-----
"Siguro naman naalala mo 'yon, Arsyn. At simula no'n naging bestfriend ang turing ko sa 'yo. Para na ngang kapatid, eh. Kasi halos lahat alam mo at lagi ikaw ang unang sandalan ko kapag may problema ako. Masaya ko kapag kasama kita kasi isa sa mga hiling ko, matanggap ako ng mga kapatid ko kahit isa akong bakla. Pero nakita ko 'yon sa iyo, Arsyn. Tinuring kitang kapatid kaysa sa mga tunay na kapatid ko." mahabang pahayag ni Rafie. Pero alam kong may galit sa tono niya.
"Highschool. Ako pa rin ang tagapagtanggol mo kasi napakahina mo. Ewan ko ba kung nagpapaawa ka lamang o ano. Hindi ko malaman sa'yo. Pero bakit gano'n, marami pa ring nahuhumaling sa'yo? Maging ang naging first love ko no'n sa 'yo nagkagusto!"
"Ha? Hindi ko alam ang..."
"Hindi mo alam dahil tanga ka! Ang tanga mo dahil hindi ka man lang nagtatanong! At ang pinakakinaiinisan ko sa 'yo yang pagiging manhid mo! Makiramdam ay 'di mo alam! Si Terrence! Siya ang first love ko pero pinagpilitan ko siya sa 'yo pero wala siyang napala sa 'yo. Hindi ko nga alam kung anong nakita siya sa 'yo at bakit baliw na baliw sa 'yo yung tao! Mahirap ka lang naman at kala mo kung sinong kutis mayaman. Siguro nga maputi ka, baka siguro naakit sa iyong kakanisan. Pero dahil hindi ako desperado, pinabayaan ko na lang kaysa naman mamulot ng iyong pinagbasurahan. I get over it." galit niyang sambit.
Hindi ako makaimik. Napatungo ako sa mga sinabi niya. Tatanggapin ko lahat ng sasabihin niya dahil bukod sa marami naman siyang nagawa para sa akin, ayokong labanan siya.
Ayokong lumaban sa isang laban na hindi ko alam ang puno't dulo kung bakit niya ako kinamumuhian. Marami siyang nagawa sa akin. Mula sa pagtatanggol niya sa akin noon, parang nakahanap ako ng isang kapatid na 'di ko naman kadugo. Tinutulungan niya ako at ang Ina ko noon sa pagbibigay sa akin ng baon o pagbili ng mga kung anu-anong projects sa eskwelahan. Pagnararamdaman kong malungkot ako, siya mismo ang nagpapasaya sa akin. Ililibre niya ako at kahit na ayaw ko ay pinipilit niya para lang sa akin. Wag daw ako mahiya dahil 'bestfriends' kami ang sabi niya. May minsan pang nagkasakit ako noong doon ako natulog sa bahay nila dahil hindi sanay ang katawan ko sa air-conditioned na bahay at siya ang nag-alaga sa akin.
Kapalit noon ay ang laking pasasalamat ko sa kanya. Tinutulungan ko siya sa academics namin at kung mayroong events siyang sinasalihan tulad ng cheerleading dance o kaya naman ay instrument related competition o art competitions ay naroroon ang moral support ko. Hindi ko man masuklian ng material na bagay, lagi kong pinararamdam sa kanya ang isang pagkakaibigan na hindi ko mahanap sa iba.
Kaya hindi ko siya maisipan ng kung ano-ano kagaya ng sinasabi ni Hance. Maraming bagay ang hindi ko kayang gawin sa kanya dahil marami siyang nagawa para sa akin. Ayaw kong isipin na sa kabila ng lahat ng naibigay niya sa akin ay isang pagtataksil o paninira ang gagawin ko sa kanya. Mabuting tao ang pagkakakilala ko kay Rafie. Pero hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan ng lahat.
"Sabihin mo lang lahat. Makikinig ako. Tatanggapin ko, Rafie. Matapos lang 'to." sabi ko.
"Sasabihin ko talaga lahat, Arsyn. Kung bakit nangyayari lahat ng bagay na ito at bakit ako galit na galit sa 'yo. Masaya pa noon, Arsyn. Nakalimutan ko ang tungkol kay Terrence at sa 'yo. Pero biglang dumating ang Hance na 'to. Na akala mo kung sino!"
Napatingin ako sa kaniya. At sunod kay Hance.
"Noong una okay sa akin eh. Pero sinimulan niyabg guluhin ang mga bagay na gusto ko. Lagi siyang pabor sa 'yo at parang nakalimutan mong ako ang una mong naging bestfriend! Isa pa, parang lagi akong mali sa paningin niya. Bawat galaw o kibo ko, ay para bang hindi nagtitiwala sa akin."
Naglakad siya palapit sa akin. Hindi naman gano'n kalayo at di rin naman gano'n kalapit. Tama lang.
"Remember Victor?"
Tumango ako.
"Kay Hance ko sinabi na pagtingin ako doon sa tao, pero anong nangyari? Sa halip na mapalapit sa akin, ipinagtulakan niya si Victor sa 'yo! Well, kaibigan nga pala ni Hance ang ultimate crush ng campus at alam kong hindi mo alam 'yon. Ayaw niyang ipaalam sa 'yo dahil siya mismo ay may gusto doon sa Victor na 'yon! Kaibigan pala ha? May balak ka rin naman pala." Rafie smirked. Umirap ito ng tingin kay Hance.
"Well, ang hindi niyo alam may nangyari pala sa amin. Dahil sa marupok ako, binigay ko sa kanya ang lahat sa paniniwalang lalayuan ka niya, Arsyn at sa akin na mapupunta ang kanyang atensyon. Pero hindi pa rin eh. Ikaw talaga. At you know what, Arsyn? I have this little secret na siguro alam din ni Hance."
Tumawa siya ng matipid at bakas sa ngiti nito na handa siyang ipangalandakan ang sikretong alam niya.
"Tigilan mo Rafie!" suway ni Hance.
"At bakit? Natatakot ka? Ayaw mo bang ipaalam na ikaw ang nag-utos kay Victor na pilitin si Arsyn na sagutin ito at kung hindi ay pilitin niyang maangkin si Arsyn? Ikaw ang dahilan kung bakit muntik nang mapahamak si Arsyn at ikaw rin ang dahilan kung bakit napilitang lumipat ng school si Victor!"
----