"Kamusta ka? Dalawang linggo ka ring hindi pumasok ah. Marami kang namissed sa lectures at quizzes. Buti at nakapasok ka na." wika ni Hance.
"Eto, okay lang. Still recovering, emotionally. Parang ang daming nangyari. Nakakadepress." tugon ko naman at umupo tapat sa upuan na kinauupuan niya. Kararating ko lang kasi at nang pinaalam ko sa kanyang papasok na ako ay agad siyang nag-imbita sa aking kumain ng agahan bago magsimula ang unang klase namin.
"Kuya Jerry, told me everything. Pati na rin ang pagstay mo doon sa kanya. I tried to reach you out thru phone no'n pero patay ang cellphone mo."
"Oo. Nalowbat kasi 'yon. Hindi ko na nacharge pang muli." sabi ko at saka sinimulang kumain. Nakaorder na rin siya at pinasabay ko na ang aking kakainin.
"That's why. Rafie is on the way na rin daw. We missed you. Akala namin, di ka na papasok eh."
"Kinailangan ko lang talaga ng pahinga. Kung tutuusin nga, di pa rin ako papasok sa ngayon. Mas lalo atang umigting ang issue lalo pa at nakita nila akong buhat-buhat ni Jeremy."
Pagdaan ko kasi sa hallway pagkapasok ko, alam kong pinagtitinginan na ako. Hindi ko lamang pinansin at nagpatuloy lamang ako magtungo sa canteen. Iyong iba naman ay nagbubulungan kahit na rinig mo naman ang sinasabi. Ang iba nagulat dahil mukhang inaakala nilang hindi na nila ako makikita. Kinakabahan pa rin ako sa mga pwedeng mangyari.
And dalawang linggo na nakaraan ay naging tahimik ang buhay ko. Kasama ang mga kapatid ko ay inilipat at kinuha kami ni Jeremy at dinala sa kanyang dating tinutuluyan noong bata pa siya. Hindi iyon kalayuan sa aming bahay at eskwelahan ng kapatid ko. Hindi ako nakatanggi at hindi na rin niya ako hinayaang kumontra.
Sa bahay na iyon nakatira ang lolo at lola niya ng nagsisimula pa lamang silang bumuo ng pamilya na ngayon sila ay pumanaw na. Tama lamang ang laki ng bahay. Sinaunang disenyo pero matibay pa rin. Parang nakatira kami sa isang sinaunang bahay na may modernong kagamitan sa loob.
May tagabantay na rin sa mga kapatid ko. Ang sabi ni Jeremy ay si Nay Rita ang kanyang tagapag-alaga noon kapag pumupunta sa kanyang lolo at lola. Pinabalik niya ito dahil sa amin. Mula kasi ng mawala ang kanyang Lolo at Lola sa side ng kanyang Ina ay nagdesisyong magretiro na ito sa paglilingkod sa kanila. Pero sustentado pa rin ito ni Jeremy dahil ang mga anak nito ay malayo sa kanya. Kita na rin na may edad na siya ngunit malakas pa rin at masigla.
Nang masiguro ni Jeremy na okay na ang mga kapatid ko ay nanatili naman ako sa kanya. Nakakahiya sa kanya pero nagpupumilit siya. Pagkatapos kasi ng confession, 'yong pag-amin niya sa akin at pag-amin ko sa kanya ay naging masaya siya. I mean, iba na ang kanyang galaw. It's like he was ready for that moment. Wala naman ako nakikitang pagkakampante sa kanya, pero iba ang pakiramdam at ipinararamdaman niya sa akin.
He's not vocal about how much he loves me. Pero pinararamdam niya. By respecting me, taking care of me and how he treat me. Masaya at lalo lamang akong nahuhulog sa kanya. Alam kong minsan ay hindi niya maiwasan na hingin sa aking ang bagay na iyon pero nagpipigil siya. Tuwing magkakaroon kami ng kiss ay alam ko ang gusto niya na mangyari. Pero siya rin nag bumibitaw. Ayaw niyang takutin ako o biglain ako dahil nga sa mga nangyari.
Bukod doon ay pumapasok pa rin siya at nagtuturo. Pagkagaling niya sa school, he will check me at bilang ganti sa mga kabutihan niya ay sinisigurado kong may makakain na siya at handa na ang mga bagay na kailangan niya. Kulang pa iyon kung tutuusin pero kapag nakikita kong kahit simple lamang ang mga bagay na nagagawa at naibibigay ko't nasisilayan nag kanyang napakagandang ngiti, masaya na ako. Appreciation ang pinararamdam niya.
"Arsyn! Hello!" pagbabalik ng aking katinuan dahil sa boses ni Hance.
"Natulala ka na d'yan! Hindi ka na nakinig sa akin."
"S-sorry. Ano ngang kinukwento mo?"
"Nevermind. Wala namang katuturan iyon."
"Hey! I'm sorry. Traffic eh. Kamusta?" biglang sulpot ni Rafie.
"Arsyn! Gad! How are you? Okay ka na ba? Nag-alala kami sa'yo ng malala!" at yumakap siya sa akin.
"Okay lang ako. Hindi nga lang tulad ng dati. Pero soon. Makakarecover din ako sa mga nangyari." tugon ko naman.
"Wait, order muna ko guys ha. Saglit lang ako." paalam ni Rafie at iniwan ang bag niya sa tabi namin ni Hance.
Tanging tango lamang ang naging tugon namin ni Hance at saka siay umalis.
"Arsyn, lately ba may napapansin ka kay Rafie. I mean, nung mga nakaraang magkakasama tayo."
Napakunot-noo ako sa tanong ni Hance.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
Tumingin siya sa direksyon Kung saan nabili si Rafie.
"May nagbago sa kanya eh. Di ko lang mawari kung ano 'yon. Para kasing may wall between us. At dahil kilala ko kayong dalawa dahil bestfriend ko kayo, I'm observing silently even the first day we met. Rafie is typical gay na kaibigan natin. Vocal, funny at laging masiyahin. Iba ang pakiramdam ko ngayon. He's not even simling the way he used before. I think there is something wrong about him. I guess mayroon tayong hindi nalalaman." seryosong sabi ni Hance.
Napatingin din ako kung nasaan ang direksyon ni Rafie. Medyo payat pa rin naman siya. Suot niya ang damit na binigay ko sa kanya noong nagpunta kami ng Tagaytay. Isang white shirt na may kaunting tatak bilang disenyo. Dati fit sa kanya iyon pero ngayon parang medyo lumuwag. Maayos ang kanyang buhok at medyo mahaba na. Nakita ko na naman siyang ganyan pero, hindi ko magets ang sinasabi ni Hance.
"Hance, sa tingin ko wala naman nagbago kay Rafie. May nangyari bang hindi ko alam sa pagitan niyo?"
"Wala naman. Pero di pa rin ako kumbinsido. There's something wrong."
Hinayan ko na lamang si Hance. Nagkibit-balikat na lamang ako sa inasal niya at nagpatuloy na lamang sa aking pagkain.
---
Maayos na dumaloy ang buong araw. Napagod lamang ako sa mga pinagawa sa akin ng mga professor dahil sa dalawang linggo kong pagliban. Quizzes at special exam para makahabol ako. Natapos ko agad naman iyon at naghandang umuwi.
Hindi ko na nakasabay pa si Hance dahil may mahalaga daw siyang lakad. Gustuhin man niyang sumabay sa akin ay baka hindi na siya umabot sa kanyng lakad kung sadabay pa siya sa akin pauwi. Si Rafie naman ay nagpaalam agad ng matapos nag pangalawang subject namin dahil kasapi siya sa mga mag-aayos ng event para bukas.
Tumunog ang aking cellphone habang ako ay naglalakad. May tumatawag... Si Jeremy. Wala namang alinlangan na sinagot ko 'yon.
"Hello."
"Nasa labas lang ako ng gate ng school."
"Bakit? Anong ginagawa mo dyan?"
"Sinusundo kita. Wala naman na akong ginagawa sa bahay. So I decided to pick you up. Hurry. We'll have our dinner sa labas."
Aangal pa sana ako pero hindi na ako nagtangka pa. Alam kong wala na rin akong magagawa dahil sa nariyan naman siya.
Sumang-ayon ako sa kanya gusto at binaba abg cellphone. Nagmadali akong lumabas ng school. Buti na lamang at wala ng masyadong tao ngayon. Medyo pagabi na rin kasi. Tanaw ko na siya at nang makita niya ako ay kumaway ito sa akin. Tinahak ko ang direksyon papunta sa kanya. Nakasandal siya sa kanyang kotse at nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa.
White polo ang kanyang suot at itim na pantalon. Fitted ito sa katawan niya kaya naman bumagay ang kanyang suot sa kanyang magandang pangangatawan. Nakaragdag pa sa kanyang kagwapuhan ang ayos ng kanyang buhok at ang tingin niyang nakakatunaw.
Nang ako'y mapatapat sa kanya. Ay doon lamang siya nagsalita. Alam kong pinagmamasdan niya ako habang papalapit sa kanya.
"Let's go?"
Napakagat-labi ako at tumango lamang ako ng marahan. Ngunit nabigla ako sa sunod niyang ginawa! Hinila niya ako mula sa batok papalapit sa kanya at bigla ko na lamang naramdaman ang paglapat ng kanyang labi sa aking labi. Tumagal ang smack kiss na iyon ng ilang segundo at humiwalay siya.
"You've been warned last time. Don't bite your lips. That's enticing."
Tumingin ako sa kanya at nakangiti siyang pinagmamasdan ako. Alam kong namumula ako ngayon hindi dahil sa hiya, kung hindi dahil may konting galak ang nararamdaman ko. Nakikita ko talaga sa mata niya ang desire para sa akin.
"Wala ka man lang bang sasabihin?"
Napangiti ako. Hindi dahil sa ranong niya kung di dahil sa hitsura niya ngayon. Hindi naman iritable o galit at hindi naman din malungkot. Iyong tipo na nagtatampo ang hitsura niya. I find it cute. His cute side.
Napabuntong-hininga siya sa inasal ko.
"Let's go. Baka gutom ka n..."
"I love you!" at saka ko siya hinalikan ng mabilis sa labi. Saka naman ako biglang tumakbo at nagpunta sa passenger seat.
Alam kong natulala siya at naisip na ang weird ng ginawa ko. Bahala na siya. Pero natutuwa lamang ako. Ganito pala yung pakiramdam. Kahit ako ay naninibago sa mga kinikilos ko. Basta ang alam ko. Masaya ako at si Jeremy ang dahilan.
---
Kumain kami sa isang restaurant. Napakaunsual sa akin ng nangyayari sa akin ngayon. I can crack a joke sa harap niya. Nakakatawa ako at hindi naman niya ako binigo. Kasama ko siyang magkwento ta makipagtawanan. 'Yung tipo ba na hindi ko akalaing mapag-uusapan namin ang ilang mga bagay na hindi related sa trabaho o work. Nakakamangha. Nakakatuwa. Ang saya lang ng aking nararamdaman.
Akala ko ay talagang suplado o masungit si Jeremy. Pero unti-unti kong nakikita ang mga side na hindi ko pa nakikita o itinatago niya sa ibang tao. Iba ngayon. Nakangiti siya at para bang ang sarap pakinggan ng mga kwento niya. Yung halakhak niya, nakakadala at kita kong masaya siya talaga dahil sa nakangiti rin ang kanyang mga mata.
Siguro panahon na para wala na akong itago pa sa kanya. Ramdam ko naman yung pagmamahal niya at pagtanggap niya sa akin. Mahal ko siya. Sana hindi siya magbago. Nakakatakot mang isipin pero hindi maiiwasan. Ngayon at nagsisimula pa lang akong maging masaya. Yung tunay na saya na gusto ko talagang maranasan, sa kanya ko lamang pala matatagpuan.
Kung ako ang masusunod ay sana tumigil na lamang ang oras at hindi na matapos ang saya na nararamdaman ko ngayon. Sa tanang buhay ko, parang laging pasan ko ang daigdig. Gusto ko sana maging masaya lagi pero hindi naman maaari. Alam kong may pagsubok pa rin ang Diyos. Kailangan ko lamang maniwala sa sarili ko. Alam ko ring hindi lagi masaya. Ipanuubaya ko na sa itaas lahat kung may kapalit ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon.
Sanay na ako. Para saan pa at malalagpasan ko naman din ang lahat. Sana lamang naroon pa rin si Jeremy. Aking masasandalan at lagi kong matatakbuhan. Tanggapin ang lahat lahat sa akin at mapanindigan ako.
Pagkatapos kumain ay naggala pa kami sa park. Doon namin tinuloy ang masayang kwentuhan at biruan. Naglakad-lakad sa park kasabay ng pagkain ng ice cream at cotton candy.
Paslubog na rin naman nag araw at habang hinihintay lumubog ay nanatili kami sa park.
Sumapit ang gabi at nagpasya kaming umuwi. Magkasama naman kami. Nang makaratig sa kanyang condo ay agad kaming nag-ayos para makapagpahinga. Nang handa na ang lahat at kami ay magkatabi na sa kanyang kama, ay nagpasalamat ako sa kanya. Nakadantay ang ulo ko sa kanyang braso at nakayapos ako sa kanya.
"Salamat." bigkas ko.
"Para saan?" tanong niya.
"Sa araw na ito. Nabuo ang araw ko dahil sa'yo. Naging masaya ang takbo ng maghapon ko." sagot kong nakangiti.
Nasilayan ko naman ang maganda niyang ngiti.
"I enjoyed too. Wait, let me change it. I'm happy. Happy because I'm with you. And truly happy because I made you happy too."
"Thank you. I... I love you." wala na akong madabi pa kaya nabigkas ko na ang salitang gusto ko nang sabihin kanina pa.
"I love you, Arsyn. Just like you, there's nothing else I can say. But one thing is for sure about loving you, Arsyn. Whatever it takes, I will fight for us. I will not beg for you to trust me. I will just prove you how I mean every words I say."
Hindi ako makapagsalita. Sa halip na sumagot ay sinikipan k pa ang yakap ko sa kanya..
"I'm always tempted, Arsyn. And that's because of you. Kahit pagkatapos ng unang araw nating pagkikita. The way you walk on that stage and how you look at me that night. It caught my attention and the unusual beating of my heart began. Lalo na ng tayo na lang dalawa. Until we did it. You dunno how much I adore you after that night. Napagod ka at wala akong ibang ginawa no'ng gabi na 'yon kundi pagmasdan kang matulog. Hanggang mag-umaga. It's weird. Ang sabi ko lang ay susubukan ko. Pero iba ang pinasubok sa akin ng puso ko. Maybe, that's how it startred. But I did something wrong."
Bigla na lang siya nagkwento. Wala akong makuhang dapat kong ireaksyon sa kanyang mga sinasabi. Kaya pinakinggan ko na lamang siya.
"I left the money on a table beside the bed. At nang sumapit ang umaga, I decided to freshen up. But when I get back to check on you, you're gone. Naisip ko na baka 'yon lang habol mo... the pleasure and the money. Bigla ka na lang umalis. Hahabulin sana kita kaso, huli na ko. Pwede ko bang malaman anong nasa isip mo ng araw na 'yon?"
Nanghihinuha ang aking isipan ng sagot. Sa mga nalaman ko parang sumaya nag puso ko. Hindi ko akalaing ganoon.
"Sa totoo lang, naisip kong katulad ka rin ng ibang nakasiping ko. May naramdaman na ako no'n pa lamang. Hindi ko ininda dahil baka masaktan lang ako. Binigay ko sayo lahat ng gabing 'yon dahil naniwala ako sa gut ko na baka ikaw na 'yong magliligtas sa akin. I mean, you will save me from that situation. Na sa tagal kong ginagawa ang bagay na 'yon, may isang lalaki pa ring tatanggapin ako." tumigil ako saglit.
"Pero nang magising akong wala ka na sa tabi ko, inisip kong hindi pala dapat ako nag-ilusyon. Inisip ko na baka wala naman talaga dapat akong asahan. Kinuha ko ang pera na nilagay mo sa sobre. Nang matapos magbihis at mag-ayos, umalis na ako. Ganon naman minsan nararanasan ko eh. Iyong iba nga, pagkatapos iabot ang bayad pinaaalis na lang ako agad. Kaya kusa na akong kumilos ng araw na iyon at nagdesisyong kalimutan na lamang lahat."
Dumantay si Jeremy sa akin at muling nagsalita.
"Hinanap kita no'n. I tried. Bumalik-balik ako sa bar but I failed to see you again. Pero nabigyan ako ng pag-asa ng makita ko ang larawan mo kasama si Hance. Tinanong ko siya at napag-alaman kong kaibigan ka niya. That's the time I decided to go back teaching. Just to see you. I am lucky na magiging isa pala ako sa mga guro mo."
Umays siyang umupo at napaupo na rin ako. Hinawakan niyang magkabila ang pisngi ko.
"I know, mahirap ang ating sitwasyon dahil sa isa akong guro at estudyante ka. But my mind is fully set whatever happens and whatever it takes. Everytime I see you, it's like I always wanna be with you. I don't care about what will they say. I care about us. I'm always tempted but when it comes to you, I have to be careful. Ayaw ko na isipin mong 'yon lang ang habol ko. You got my heart and I have to take care of your heart. Your heart is pure. I don't want to hurt you. Your shape and scent are my temptations. But your heart is a major attraction. Love is delicate but I'm willing to take the risk. I love you, Arsyn."
Wala na akong naging sagot pa at hinalikan na niya ako. Masaya ang puso ko ngayon. Masaya ako ngayon. Iyon ang alam ko. Hindi ko inaasahan ang mga bagay na ito. Nananaginip man o hindi, ayoko na sanang matapos 'to.
Naghiwalay ang maing labi at nagkaroon ako ng pagkakataong magsalita.
"I love you too, Jeremy. Naniniwala ako sa 'yo."
----
Dumaan ulit ang araw. Ngayon ay nasa eskwelahan na ako. May pinagkakaabalahan ang lahat dahil sa event ngayong araw. Isang recognition para sa mga lumahok ng Regional Sports Competition. Balita ko ay may mga nagtop sa kanila kaya bilang pagpapasalamat sa kanilang kagalingan at pagdala ng ngalan ng aming paaralan, ay ito ang event para sa kanila.
Nakita ko na rin si Hance at kasama ko siya ngayon. Si Rafie naman ay nasa abala sa pagtulong para sa event. Nakita ko na rin si Jeremy na kasama ang kanyang co-teachers sa taas ng stage.
Hindi naman nagtagal ay nagsimula ang mumunting event. Nagdasal ang lahat at nagbigay nang paunang palabas ang tagapagsalita.
Pagkatapos ay tinawag sa stage ang mga estudyante na kasama sa sports na naganap.
"Palakpakan naman d'yan. Sila ang mga nagwagi sa komeptisyong naganap noon nakaraang dalawang linggo. At atin namang balikan ang kanilang mga litrato at videos na nakalap ng ating mga journalists na kasama nila. Projector please!"
Utos ng MC at inilapit ng isang estudyante ang mesa ng projector. Binuksan ng MC ang projector at muling nasalita.
"So, heto ang ilang pictures at videos. Ginawa na namin siyang slide para madaling makita at inyong maenjoy ang mga ito. Okay simulan na."
Ilang saglit lamang ay napasinghap lahat ng tao at maging ako! Hindi iyon slide ng pictures ng mga nagsipaglaro. Ang nakita ng lahat ay ang litrato namin, namin ni Jeremy kahapon lang!
------