"Does it hurt?"
Kasalukuyang ginagamot ako ni Jeremy. Yung sugat ko sa aking labi dahil sa pagkakasuntok nung lalaki at ilang gasgas na nakuha ko dahil sa marahas kong pagkakapalag sa kanila.
"Medyo. Dahan-dahan lang." sabi ko. Nagpatuloy lang siya ng pagdampi ng bulak na may alcohol sa aking sugat.
Dinala niya ako rito sa kanyang mansion. May kalayuan ito sa eskwelahan. Pagkarating namin dito ay inutusan dinala niya ako sa isang kwarto. Dumiretso sa banyo at kanya akong nilinisan. Nahihiya man ako ay hindi iyon naging hadlang para tuluyan niya akong malinisan.
Maingat ang kanyang mga kamay. Pakiramdam ko ay ingat na ingat ako sa kanyang mga haplos at bawat dampi ng kanyang kamay sa aking katawan. Mayroong ilang sa akin ngunit wala iyon sa kanya. Sinabi pa niyang nahawakan at nakita na niya lahat sa akin at wala na raw akong dapat ikailang sa kanya.
Patuloy niyang ginamot ang aking mga sugat. Nakatitig lamang ako sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Kaba pero hindi iyon takot at kasiyahan pero ibang dulot na saya sa puso ko.
Seryoso siyang ginagamot ang mga sugat ko at kahit na may nararamdaman akong hapdi ay hindi ko na ininda. Mabilis ang t***k ng puso ko sa pagtingin lamang sa lalaking nasa harapan ko. Hindi makapaniwalang mahuhulog ang loob ko sa kanya. Una pa lamang ay aminado na ako ngunit dahil sa pangamba na hindi matanggap ang aking puso, ay ikukubli ko na lamang sa kaing sarili ang pagmamahal sa kanya.
Hindi ko akalaing ang isang gabing pinagsaluhan ay mamumutawi at magbubunga ng ganitong samahan. I can't imagine it at first. But I still looking for reason why. Pero di ba kapag nagmahal ka wala na dapat rason kung bakit? Kung ganoon, maaring mahal ko na talaga siya kahit wala na akong irason at hindi sagutin ang kanilang tanong kung bakit.
Nasasaisip ko pa rin ang pangyayari kanina ng marinig ko na poprotektahan niya ako at walang makakapanakit sa taong mahal niya. Lalong nagwala ang puso ko ng maalala ko 'yon. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib and I wonder kung naririnig niya ito.
Walang kumpirmasyon sa sinabi niya pero natutuwa ako. Nagagalak ang puso ko. Ayokong masyadong maging masaya. Alam kong may kapalit yon. Agad-agad.
Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha kahit hindi siya nakaharap sa akin. Maswerte ako sa taong ito. Pero tanggap niya kaya ang nakaraan ko? I mean, alam naman niyang nagtatrabaho ako sa isang bar at ilang lalaki na ang gumamit sa akin. Kaya niya kayang isawalang bahala iyon?
Maraming naglalaro sa isipan ko. Hindi naman ako ganoon kasigurado pa sabihin kong mahal niya talaga ako, ngunit tatanggapin niya kaya lahat-lahat sa akin? Sa kanyang taglay na kagwapuhan, kakisigan at kayamanan sa tingin ay hindi ako ang nararapat sa kanya. Isa lang naman akong 'prosti' kung tawagin ng karamihan. Lalo pa at nangyari ang pagpapakalat ng mga litrato ko sa eskwelahan. I am judged by them.
Ayaw kong pangunahan ngunit estudyante niya ako at professor ko siya. May nakaraan kami at hindi namin akalaing sobrang liit ng mundo para ilagay kami sa ganitong sitwasyon. Nababahala ako sa mga mangyayari. Pangunahan man o hindi ay mangyayari ang nakatakdang mangyayari.
Totoo ba itong mga nararanasan ko ngayon? Kung isnag mahabang panaginip lamang ang lahat ng ito ay sana magising na ako. Dahil hindi lamang isang paniginip ang aking nararamdaman ngayon, totoo ito at mahal ko na talaga ang taong nasa harapan ko ngayon.
"Why are you crying?" basag ni Jeremy sa katahimikang dulot ng aking pagtitig sa kanya.
Hindi ko namalayan iyon. Napapaiyak ako sa mga naiisip ko.
Umiling ako at sinabing naalala ko lang ang mga nangyari kanina. Isang kasinungalingan pero ang totoo ay hindi ko siya madiretso dahil natatakot ako.
"I'm here. Nobody gonna hurt you now. Believe me."
Bigla siyang umupo sa tabi ko at niyakap ako. Naramdaman ko ang kanyang katawan na dumukit sa kaing katawan. It's warm and I'm feeling comfortable with it. Wala siyang damit dahil pagkatapos niya akong linisan ay nagshower siya. Ako naman ay nakabathrobe at siya ay tanging boxer na lamang ang suot.
"Stop crying. I hate to see you crying and can't do anything with that. I hope my hugs make you feel better. Alam kong masakit ang nangyari at hindi ko na maiwawaglit sa 'yo 'yon. Kasalanan kong hindi agad ako nagmadali at nasaktan ka pa nila."
"I'm just happy. I mean, naiiyak ako dahil halo ang saya't lungkot na nadarama ko. Saya dahil alam kong poprotektahan mo ko at lungkot dahil alam kong hindi pa tapos ang mga pagsubok na ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan at hanggang saan tayo dadalhin nito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ka mananatili at lalaban na kasama ako. Kaya't natatakot ako." tugon ko sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita agad ng marinig ang tinig ko. Mas lalo ko lamang maramdamang humigpit ang yakap niya. Dahil sa malapit ang aking tenga sa kanyang dibdib ay rinig ko ang pagtibok nito. Kalmado at nakakapagbigay ng ginhawa.
"Don't be afraid. I will never leave you. I won't. Trust me."
Naglayo kami sa pagkakayakap at hinawakan niya ako sa sq aking pisngi. Pinahiran ang luhang umaagos at isang masuyong halik ang iginawad dito. Saglit lamang ang itinagal no'n at muli siyang lumayo.
"Hindi ko na pahahabain pa. Confessing is not about explaining your feelings. It's letting a person to feel your love. And yes, it's crazy . Oh damn! I... I love you."
At doon ay nagulantang ang aking buong pagkatao. He's not making a repeat but those three words still echoing inside my head. Nakatitig lamang ako sa kayang malasilver na mga mata. Kung noon ay hindi ko matukoy kung anong mayroon sa kanyang mga mata, ngaton ay naiintindihan ko na. Nakikita ko ang repleksyon ko doon. Repleksyon kung saan parang dinala ako mula sa araw ng aming pagtatagpo na malaya kong napapanood sa kanyang mga mata. Ang mga gabing pinagsaluhan namin at sa lugar na dinala niya ako hanggang sa pagligtas niya sa akin kanina. Weird, but it convinced me to believe he loves me.
Ganun ba talaga? If you look to someone's eyes and it play like a recap of the memories between you and that person, is that real love? Is it true?
Iba ang t***k ng puso ko ngayon. Mas lalong dumoble sa kanina ko pang nararamdaman.
"Is that a question? Why am I waiting for your answer?" iritable niyang tanong ng hindi pa rin ako makakuha ng mga salitang sasabihin ko.
"Well, anyways. It doesn't matter. I can see that you can't believe on what's happening between you and me right now. I love you. I mean it." at isang smack kiss ang ibinigay niya sa aking nakaawang na mga labi.
Niyakap niya ako.
"What's important right now is this moment. Ikaw at ako. I don't really care about you are my student and I am your teacher. All I care is the mutual feelings we have. Assuming but I know you feel what I feel, Arsyn. I love you."
At lalong humigpit ang yakap niya. Ni wala akong masabi. Tinakasan na ako ata ng mga salita. Napipi ako sa mga naririnig ko ngayon mula sa kanya. Mahal ko siya ngunit hindi ko masabi. Sinisigaw ng puso ko pero nawalan ako ng boses para marinig niya 'yon.
"Ma-..."
Pilit kong bibigkasin upang malinaw din sa kanyang gusto ko siya. Mahal ko siya.
"Mahal... Mahal ...din k-kita."
-----
[ Third Person ]
"Boss Ian, mukhang hindi talaga kakanta ang mga ito eh."
Napakunot ng noo ni Boss Ian sa narinig. Lumapit ito sa bihag na apat na nagtangkang mangrape kay Arsyn. Makikita sa mukha nito ang inis at galit dahil dalawang oras na silang nagtitiis at pinaaamin ang apat na estudyante ito.
"Sinabi ng sabihin niyo kung sino nag-utos nito sa n'yo eh!"
Isang suntok ang pinakawalan ni Ian kay Froilan, ang lider 'di umano ng planomg gang r**e. Sa halip na makakuha ng matinong sagot ay binaliwala pa rin nila ang pananakit. Hindi nila maaring sabihin kung sino dahil nangako sila at may naghihintay sa kanilang kapalit.
Napag-utusan sila at dahil sa inalok na kapalit ay tinanggap nila itong walang pag-aalinlangan. Sa kasawiang palad ay hindi nila akalaing ganito ang magiging sapit ng kanilang plano. Nakatanggap na nga ng suntok mula kay Jeremy, ay nasa loob pa ngayon sila ng abandonadong building at ngayon ay pinahihirapan upang makakuha ng impormasyon.
"Matigas talaga kayo ha. Sige, ewan ko lang kung hindi kayo maihi at sabihin kung sino ang nag-utos nito sa inyo!"
Inilabas niya ang nakatagong baril sa kanyang tagiliran at pinaputok ito paitaas ng walang humpay. Makailang putok ay itinutok ni Ian ang baril kay Froilan.
"Sasagot ka o hindi?" hindi natinag si Froilan at muling pinaputok ang baril paibaba sa tapat nito.
"Sino ang gumawa!" sabay tutok kay Justine, katabing-kanan ni Froilan. Kagaya ng kay Froilan ay walang sagot.
"Sagot!" sigaw ni Ian at itinutok sa noo ni Kyle ang baril. Si Kyle ang katabing-kaliwa ni Froilan.
Mangiyak-ngiyak itong sumagot. Takot ito sa baril kaya naman hidni na niya mapigilan ang sarili at nagsalita na.
"RL! RL ang pangalan niya! 'Yon lang ang alam namin kaya pakawalan niyo na kami!"
"Totoo ba itong sinasabi mo? Baka naman pinaglololoko mo kami?" paninigurado ni Ian.
"Maniwala kayo. RL lang ang pagpapakilala niya. Hindi nga niya nagpakita ng buong mukha dahil noong inutusan niya kami ay nakamask ito. Kay please! Ilayo mo na sa akin yang baril!"
Sinunod naman ni Ian at mukhang nakumbinsi siya.
"Siguraduhin mo lang talaga, bata. Dahil babalikan namin kayo kapag nalaman naming nagsisinungaling kayo!" banta ni Ian.
Kinuha niya ang kanyang telepono at tumawag kay Jeremy.
"Sir! RL ang ngalan. Sabi ng mga batang ito. Ano na ang susunod naming gagawin sa kanila?"
Nagbigay ng instruksyon si Jeremy at nakinig si Ian. Maya-maya pa ay inutusan niya ang dalawa niyang kasamahan na dalhin ito sa kanilang sasakyan at itapon na lamang kung saan. Iyon ang utos ni Jeremy.
Sa kabilang banda ay walang ideya ai Jeremy sa tinatawag nilang RL. Hindi siya titigil hangga't hindi niya natatagpuan ang taong nanakit kay Arsyn. Pangako niya ang bagay na iyon at dail nakaganti na siya sa apat na estidyante ay sunod niyang hahanapin ang taong nagngangalang RL. Hidni niya maaring hindi makita ang taong ito.
Para sa katarungan at pagmamahal kay Arsyn, kailangan niyang pagbayarin ang taong ito. Patay man o buhay, hindi niya titigilan ang paghahanap sa taong ito.
------