"DAMN s**t! Ginawa niya talaga sa 'yo 'yon?" halos hysterical na reaksyon ni Rafie ng sabihin ko kung ano ang nangyari. Nandito kasi kami ngayon sa canteen at kumakain. Hindi pa naman mag-uumpisa ang mga subject na papasukan namin kaya inimbita ko sila pumasok ng maaga. Ayoko kasi na magkimkim ng nararamdaman. Lalo na at ganoong sitwasyon ang nangyari at dahil kalat na rin kasi sa buong school na na-guidance si Victor at hindi ito maglalaro sa nalalapit nilang laban sa basketball.
"Rafie, your mouth! Agaw pansin ka sa mga nakain." suway ni Hance. Oo, magkakilala rin sila. Dahil sa akin. Sila lang naman ang laging kasama ko sa school kaya dapat magkaibigan din sila.
"I'm sorry. Nashookt lang ako. Pero ang usapan ay aalis daw ng bansa Victor at doon na mag-aaral. So, I'm sorry to hear happened, Arsyn. Sana pala pinilit na lang kitang huwag makipagkita. Akala ko mga jerks lang sa pelikula ang gagawa ng mga gano'n. Ginagaya na rin pala at ginagawang true to life ha? Nakakapanggigil." ramdam kong ang galit ni Rafie.
"Siyempre, ang sagwa bakla kung malaman ng school na rapist pala ang isa sa mga campus crushes. Reputasyon din niya nag nakasalalay. Pasalamat na lang tayo kay Sir Tamayo dahil ligtas ang kaibigan natin. Saka na rin hindi naexpose ang nangyari at si Arsyn. And it's also for Arsyn's reputation. Kung nalaman ng school malamang headline na siya sa bawat classroom na madadaanan natin."
Napatigil saglit si Rafie at sumang-ayon sa sinabi ni Hance sa kanya.
"That's why I really don't like his presence kapag lumalapit siya sa 'yo. May masamang ugaling tinatago pala talaga ang lalaking iyon." gigil pa na sabi ni Rafie.
"Stop it na, guys. Ang importante ay pinaalam na sa akin ni Sir Tamayo na nakapag-usap sila ng Tito ni Victor na tumatayong magulang nito sa ngayon. And they agreed sa decision ng guidance, dean and chairman ng school. I will be at peace. Pati malaki talaga ang pasasalamat ko kay Sir Tamayo." pagsabad ko sa dalawa. Ayoko na rin kasi na pag-usapan pa. Tatlong araw na rin ang nakalipas. Kahit di ganoon kadali malimutan, mas okay na ngayon ang nararamdaman ko dahil alam kong wala na nag kinatatakutan kong tao.
"Yeah. You should give him a presensce or something. A gift. Kahit bago pa lang siya, may nagawa na agad siyang maganda. All infairness ha, gwapo na, matalino at mabait pa. And I heard, magkakilala pala sila ng bago mong professor sa Visual Arts. Sino nga ba ulit yon?" tanong ni Hance.
"Mr. Zamora?"
"Yeah. Oh di ba? Chismosa ko no? May iba pa kaya silang friends? I'm sure na hot at may package ang mga iyon! Besides sa looks, halata naman sa katawan nila ang yumminess nila. My gad! Sumosobra na ata ang pag-iimagine ko!" sabay tawa niya dahil sa kanyang mga sinabi. Natawa naman kami bahagya at saka nagbigay ng komento si Rafie.
"For sure talaga na may mga hottie pa silang kaibigan. And I hope teachers din sila at maging teachers natin sila! baka ulit-ulitin ko pang itake ang subject nila!"
"Yeah, laging bagsak sa subject para lang sa kanila." sabi naman ni Hance. At nagpatuloy sila sa mga imahinasyon nilang dalawa. Nakikitawa na lamang ako dahil hindi naman pumasok sa isipan ko ang mga bagay na iyon.
Alas-kwatro ng hapon, natapos ang klase ko. At dating gawi, uuwi ako sa bahay, asikasuhin ang mga kapatid ko ng saglit at dahil sa Biyernes ngayon, kailangan kong pumunta ng bar para magtrabaho. Subalit, hindi ko ramdam na magagampanan ko ng maayos ang aking trabaho. Siguro ay pakiusapan ko na lamang ang mga mamang namin doon na kung pwede ay on-the-table-princess muna ako. Meaning, I would just entertain guess while they are choosing the one who they want to take home. Kami yung magmamarket ng kasama namin sa kanila. May tip din iyon at hindi naman na masama kumpara kung magpapatake-home.
Nang makapagdesisyon ako ng gagawin ko ay lumabas ako sa room na kung saan ako lamang ang natira. Lagi ko ng pinipiling humuli ng labas room. Ayoko lang makipagsiksikan at saka hindi naman ako nagmamadali.
Pagkuwa'y lumabas ako at agad na tinahak ang palabas ng eskwelahan. Nang makalabas ay bigla na lamang akong nakarinig na may tumatawag sa aking pangalan.
"Arsyn! Arsyn!" agad kong hinanap kung saan nagmumula ang pagtawag na iyon.
Paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko na lamang si Bevery, kumakaway sa aking gawi. Nagulat naman ako dahil nandito siya. Ang alam ko ay sa ibang eskwelahan siya nag-aaral.
"Bevery! Ikaw pala! Ano, kamusta?" pagbati ko nang makalapit siya.
Ngumiti naman ito at saka sumagot.
"Eto, okay lang naman. Ikaw? Parang namamayat ka ah? Stress ka ba girl?"
"Nako, medyo alam mo naman na ako ang naging breadwinner di ba. Teka, maiba ako, doon ka pa rin ba sa fastfood?"
"Hindi na no, at saka matagal na akong wala doon."
"So, saan ka na ngayon nagwowork?"
Lumapad ang kanyang ngiti sa labi.
"Hulaan mo?" sabi niya at nakangiti na parang alam ko kung saan ang tinutukoy niya.
"Alam ko ba yan?" nakangiti kong tanong.
"Yes, alam na alam mo!"
"Teka... wait wag mong sabihing...."
"Sa ayaw at sa gusto mo, sa inyo na ako magtatrabaho!" at tumawa siya at inakbayan ako.
"Akala ko ba ayaw mo dun? Pati alam mo na pinangangalagaan mo yung iyong bataan." biro ko sa kanya.
"Personal reason just like yours, Arsyn. Alam mo na. Kasi sa panahon ngayon, pera na lang ang nagpapatakbo ng buhay ng tao. Kapag kakain ka, siyempre, kailangan mo ng pera. Kapag aalis ka, kailangan mo ng pamasahe, pagkailangan mo ng gamot at ibang mga needs mo, pera ang una mong iisipin mo. Praktikal lang. Tama nga ka nung sinabi mo noon na hindi kakayanin ng sahod ko ang mga gastusin namin. Pati nagkasakit kasi si Papa. Kaya kailangan ko ng pansustento sa mga medical needs niya. Ako na lamg din kasi inaasahan sa amin katulad mo." medyo malungkot na sabi niya at bumitaw sa pagkakaakbay sa akin.
"Kaya ayun, I decided na magtrabaho at subukan ang trabahong inalok ko sa 'yo nun. Nando'n ka pa rin ba? Kasi hindi kita nakikita doon eh. Nung Monday pa kasi ako nagsimula." dugtong pa niya.
"Hindi naman ako araw-araw doon. Dati Friday and weekends lang ako. Pero later, naroon ako and maybe bukas din."
"Wow. See you later doon okay? Naroon din ako sa bar."
Tumango ako at saka tuluyang nagpaalam. Amy pagkakahambing naman din kami ng buhay ni Bevery. Siya na lang din kasi ang inaasahan sa bahay dahil may sakit nag Tatay niya. Ang nanay naman niya ay isang mananahi at hindi naman ganoon kalaki ang kita para sustentuhan ang lima pa niyang kapatid. Berlin Veron Santiago talaga siya pero dahil isa ring sirena at lantad naman siya sa pamilya, Bevery ang naging palayaw sa kanya ng mga kaibigan niya.
Parang babae nga ang hitsura niya. Sifuro dahil sa mga kolerete na lagi niyang suot sa anyang suot at katawan na hindi nalalayo sa akin. Maputi rin siya at siguro ay maraming makikipag-agawan na kukuha sa kanya mamayang gabi dahil bago pa lamang siya.
At kagaya ko, kinakailangan niyang ng malaking kita para masuportahan ang pamilya. Iba talaga kapag pamilya mo na ang napag-uusapan. Kahit ano, papasukin mo mabigyan lamang ito ng magandang buhay at supporta para sa kanilang pangangailangan. Kahit makalimutan mo na sarili mo, basta sa pamilya hinding-hindi mo matatalikuran.
----
Nakauwi ako ng bahay. Nakipag-usap ako sa mga kapatid ko. Kumbaga, kamustahan. Kamusta sa school, may problema ba at kung ano pang mga gusto nila. Dahil malaki naman na sila Allina at Alliro, alam kong alam na nila ang mga gusto nila. Nasa highschool na naman sila. May dalawang taon pa bago sila makagraduate ng senior high para mapag-ipunan ang pagkokolehiyo nila.
Si Akiro naman tutunyong na ng elementarysa sa susunod na taon kaya dagdag ang aking mga gastusin. Pambaon pa nila at kakainin sa araw-araw. Hindi ko naman sila ini-spoiled. Pero gusto ko mabigay yung gusto nila kahit papaano. Ayoko rin na dadaing silang gutom at di mabili ang mga gusto nila. Sa kabila ng mga iyon, lagi ko silang pinaaalalahanan na magtipid at kung kakayanin ay mag-ipon para sa kanilang mga gustong bilhin.
Gabi na at malapit na rin ang oras para pumasok sa trabaho ko. Naiayos ko na naman ang susuutin ko at mga gamit ko para mamaya. Kaya naligo na ako at siniguradong malinis at presentable ako. Para mamaya.
Nang matapos akong magbihis at ayos ay bigla na lamang may kumatok aming pintuan. Tumingin ako sa oras at alas-nuebe na ng gabi. Wala naman akong naaalalang may bibisita o may kailangan sa akin. Pinabukas ko ang pinto kay Alliro. Laking gulat na lamang nang makita ko kung sino ang nasa pintuan ngayon.
"Sir Tamayo? Ano pong ginagawa niyo dito?" sabi ko sa kanya at inayos ang gamit ko.
"Pasok po kayo."
Pumasok naman siya at ginulo ang buhok ng kapatid kong si Alliro.
"Napadalaw lang?" hindi siguradong sagot niya.
"At para kamustahin ka. Alam mo na... about what happened."
"Nag-abala pa po kayo Sir. Okay na naman po ako. Pati nabawasan na yung aking kaba dahil wala na naman si Victor sa eskwelahan."
"That's nice to hear. Hindi na rin naman siya pinagbigyan ng guidance. And hindi lang pala ikaw ang kanyang biktima. Pangatlo ka na and luckily, hindi na siya nagtagumpay. Well, let's move about it. Where's Allina and Akiro? Namiss ko rin makipaglaro sa kanila. Here may mga binili ako para sa kanila." sabi niya at inabot ang bitbit niyang paper bag. Pinaabot ko yun kay Alliro at nagpasalamat bago pinapunta ko muna siya sa loob ng kwarto kung saan kami natutulog lahat.
"Actually Sir, maaga po sila natulog. Si Alliro nagawa ng assignments niya, kaya siya lang ang gising ngayon." nakita kong lumungkot ang kanyang ekspresiyon.
"Okay. Sayang naman. I like to visit here early but I have no time. Maybe next time. Kapag weekends."
"Pwede naman po Sir, kaso di niyo naman kailangan gawin yong laging pagdalaw."
"I just want. Just like what I have said, I like to have brothers and sisters. Nakakalungkot kasi na ikaw lang ang anak. But anyway, bihis na bihis ka ah. Saan ang punta mo?"
"S-sa trabaho po Sir."
"Ihatid na kita. Para hindi masayang ang pagpunta ko. Atleast, I did something."
Bigla naman akong nataranta.
"Nako po, Sir. Wag na nakakahiya at baka may pupuntahan kayo o gusto niyo na po magpahinga. Gabi na rin po kasi." sabi ko ng kinakabahan. Hindi ko alam pero ayoko lang malaman niya kung anong klaseng trabaho mayroon ako at saan. Lalo na at isa siyang guro at Dean Head pa ng paaralan nainapasukan ko.
"Why? Okay lang naman sa akin. No problem."
"Pero Sir. Wag na po. Nakakahiya po kasi talaga. Malaki na po ang utang na loob ko sa inyo. Kaya ko naman po magcommute kaya di niyo na po kailangang ihatid ako malapit lang naman din po eh."
Sabi ko at nakita ko sa kanya ang pagsuko ng magbuntong-hininga siya ng malalim.
"Okay. So maybe, uuwi na lamang ako. Kinamusta lang talaga kita at gusto ko lang makabonding ulit mga kapatid mo."
"Sorry, Sir. Next time na lang po ha."
"Okay. So, ingat ha."
"Opo. Salamat po."
Iyon lang at saka siya lumabas ng bahay. Nakahinga naman ako ng maluwag. Kinabahan naman ako. Buti na lang talaga at hindi nagpumilit si Sir na ihatid ako at baka hindi niya maatim kung saan ako nagtatrabaho.
Nang makaayos ng tuluyan ay umalis na ako ng bahay. Sumakay ako ng tricycle para makarating sa Holy Ground Bar ung saan ako nagtatrabaho. Pumasok ako agad sa backdoor at nakita ang mga kasamahan ko dito. Nangamusta sila at ganoon din ako. Nakita ko rin ai Bevery na ngayon ay nag-aayos na rin.
Agad naman akong hinila ni Mama Chaser at boluntaryong inayusan. Nag-uusap kami ni Mama Chaser at kinamusta niya ako at maging mga kapatid ko. Simula ng maulila na kami, dumadalaw din siya sa amin at gusto niya kami gabayan. Supporta naman ang nakuha ko sa kanya sa pagpapalakas ng loob at minsan ay kapag nangangailangan ako.
Nang matapoa maglagay ng make-up ay pinasuot sa akin ang damit ko ngayong gabi. Kulay purple naman ito at mas daring sa nakaraan naming suot. Pero sanay na naman ako kaya sinuot ko na ito at sakto na magsisimula ang gabing ito para sa akin, para kumita ulit ng pera. May naiipon naman ako at natitira pero kailangan pa rin na tuloy pa rin ang trabaho ko.
Narinig ko naman ang emcee na si Miranda na bumati sa mga tao sa bar at ang kanyang spill para masimulan ang gabi sa loob ng bar. Mga dagdag na paalala at rules ng aming bar. Pati na rin sa mga magkakaibigang nag-iinuman lamang at hindi kasama sa mga customer namin na gustong magkaroon ng service namin.
Matapos ang isang production number ng mga call boys ay nagsimula na kaming tawagin isa-isa. Rampa rito rampa roon.. Nasa kinse kami at tatawagin kami isa-isa. Nasa pangalawa sa huli ako at kasunod ko si Bevery.
Nakakaindak ang tugtog. Maingay at dahil ang nga kasama namin rumampa ay may extra pang pasabog sa kanilang pagrampa ay tumatagal ang aming rampage phase at naririnig kong naghihiyawan ang mga tao.
Isa isang nang nakapagmodel sa mga guests at customers ang iba at di malaunan ay ako na ang susunod. Huminga ako ng malalim para matanggal ang aking kaba. Nang tinawag ang aking pangalan ay lumapad ang aking ngiti, isinuot ng ayos ang maskara at sinimulang maglakad sa entablado. Tinignan ang mga customers at nahagip ng aking paningin si Sir Zamora.
Shet! Sabi ko sa isipan ko. Bakit nandirito na naman siya?
Bigla akong kinabahan ngunit hindi iyon naging hadlang upang mawala ang aking ngiti habang rumarampa sa entablado.
Paniguradong siya na naman. Bakit ba hindi na niya ako tantanan at kalimutan na lang ang nangyari. Naging customer ko na siya at teacher ko pa ssiya sa eskwelahan. Maling mali na naman tadhana.
Natapos ang pagrampa namin at katulad ng inaasahan ko ay tinawag ako Mama Chaser. Exepected ko nang sasabihin niyang bumalik ang dating customer at hahanapin ako. Sinabi niya baka pwede akong umulit ng customer dahil nagpupumilit ito na ako kunin. Alam niya kasing ayoko ng umuulit ng customer. Nang makita niyang may pag-aalinlangan pa rin ako ay pinilit niya ako dahil doble naman daw ang ibibigay sa akin at sinabing para rin sa akin ang kikitain ko at sa mga kapatid ko. Grab lang daw ng grab dahil minsan na lang ako nagtatrabaho dito ng ganoon ang ganap ko.
Wala na rin akong nagawa. Pumayag ako pero hindi ko alam kung magkakaroon ako ng lakas na gawin ang dating ginawa ko. Nakakahiya at hindi ko maatim pa lalo na at teacher ko siya. Kahit sabihing nasa labas ng paaralan ay hindi ko maisip na ganito nag mangyayari na ang isa sa mga magiging customer ko ay magiging teacher ko rin pala.
Ang sakit sa ulo. Kaya bago pa ako kaladkarin ni Mama Chaser ay tumayo na ako at sumunod sa kanya. Binagtas namin ang palabas ng backstage at pumunta sa table kung saan naghihintay si Sir Zamora.
Nasa kalagitnaan na kami ng pupuntahan, ng bigla na lang may humila sa aking braso at tinawag ang pangalan ko.
"Arsyn..."
Lumingon ako at napatingin sa lalaking nakahawak sa aking braso. Kahit sa dilim na may kaunting liwanag lamang ay nakilala ko ang lalaking ito.
Bakit siya narito? Sinundan ba niya ako o ano? Pero bakit parang kilala niya ako kahit sa suot kong maskara? Wag niya sabihing nasimulan niya ang show namin? Akala ko umuwi na siya. Shet! Gusto ko na lang magpalamon sa lupa!
Si Sir Tamayo!
Bakit siya naririto?
-----