"A-ano pong g-ginagawa niyo dito, S-sir?" medyo utal kong tanong.
"I should be the one asking you. What the hell are you doing here? At yung suot mo..." napatigil siya. Alam kong tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakita ko naman na napalunok siya at hindi nagtagal ay tila nadismaya siya sa akin. Napatungo na lamang ako. Ewan ko ba. Kung sabagay, sino ba naman kasi ang mag-aakala na may estudyante siyang makikita sa ganitong klase ng lugar. Wearing a daring and flirty dress, make up and heels which is not really appropriate to a boy. Pero sigurado naman na alam niyang bakla ako.
Kaya ayokong malaman ng kahit sino ang trabaho ko. Ibig kong sabihin, ayokong ipaalam sa kahit sino lamang ang gawain kong ito kung hindi nila alam ang tunay na dahilan kung bakit ako naririto. Sa panahon ngayon, sa mata pa lang ng tao makikita mo na ang panghuhusga. Wala pang salitang lumalabas sa kanilang bibig, pero husgado ka na. At nakakalungkot 'yon.
"I mean, I, I never thought..."
"Sir, sorry kung makakasagabal ako sa inyo." biglang sumingit sa pagitan namin si Mama Chaser.
"May nakakuha na po kasi sa kanyang customer. Maari po kayong pumili sa iba. Marami pang available, Sir." nakangiting sabi ni Mama Chaser.
"No, it's not what you think. I know him, I mean, her. Oh, damn." at napakamot siya ng bahagya sa kanyang batok.
"Ganoon po ba, Sir. Pero nagmamadali kasi kami. Hindi po kasi pwedeng pinaghihintay yung customer namin. Maari niyo po siyang kausapin kung tapos na po siya dito sa trabaho. Sa ngayon po, hayaan niyo muna si Arsyn."
Hindi naman na nakapagsalita si Sir Tamayo. Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip niya pero isang lang nakikita ko. Disappointed. Ngumiti ako at yumuko bilang pagpapaalam.
Bago pa man kami makaalis ni Mama Chaser ay biglang sunalubong sa harapan namin si Sir Zamora.
"Sir!" bulaslas ni Mama Chaser.
"Sorry Sir, medyo natagalan. Eto na po pala si Arsyn."
Napatingin sa akin si Sir Zamora. Napaiwas ako ng tingin dahil nakakaintimidate ang kanyang pagtitig. Yung titig na mapapaiwas ka na lang.
"Jeremy?" napalingon kami lahat kay Sir Tamayo ng tawagin niya sa pangalan si Sir Zamora. Nabigla naman si Sir Zamora
"Oh! Gilbert! What the heck?"
"Don't tell me you are ga..."
"Hey! Stop it. I'm not!" biglang pagsuway nito. "I mean, no. Hindi 'yon katulad ng iniisip mo."
"Defensive bro? Maiintindihan ko naman. But..." napatigil sa pagsasalita si Sir Tamayo at tumingin sa akin. Salitsinan kaming pinadaanan ng mga mata ni Sir Tamayo.
"Don't tell me, siya ang kinuha mo? Estudyante mo 'yan, Jeremy!"
Bahagya kaming nagulat sa pagtataas ng boses ni Sir Tamayo. Ramdam ko na may halong pagkainis sa kanyang sinabi.
"I can explain. And I think... it's out of your damn business!"
"But a teacher and a student? In this place? Ha! No wonder you're doing 'that thing' in school!" pagsisigurado niya at bahagyang napangisi.
Hindi naman agad nakasagot si Sir Zamora. Alam naming dalawa na totoo ang akusasyon ni Sir Tamayo. Alam kong sariwa pa rin ang bagay na 'yon dahil halos isang linggo lang naman ang lumipas.
May matatalim na titig ang binigay ni Sir Zamora kay Sir Tamayo. Mukhang hindi ata nagustuhan ang pahayag ni Sir Tamayo sa kanya.
"Nag-aaway ba sila dahil sa'yo? Ganda naman talaga ng anak-anakan ko!" bulong sa akin ni Mama Chaser at tumawa ng bahagya.
"H-hindi siguro, Mama Chase." pagtanggi ko. Imposible naman iyon. Malinaw naman na ang pinag-uusapan nila ay ang isyu ukol sa teacher-student affair. Pero wala naman kaming affair. Shet! Kailangan mong tanggihan talaga ngayon Arsyn si Sir Zamora.
Biglang tumunog ang cellphone ni Mama Chaser.
"Nako, nak. Iwan muna kita dito ah! Alam mo na naman siguro ang gagawin. Importante lang itong natawag sa akin. Balitaan mo na lang ako."
Gusto ko pa sanang pigilan si Mama Chaser pero wala na akong nagawa. Kaya napatingin na lamang ako sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Nakita kong naglakad palapit si Sir Tamayo kay Sir Zamora. Kaunti lamang ang tinangkad ni Sir Zamora kay Sir Tamayo.
"Am I right, Sir Zamora?" may halong pang-iinis ang tanong ni Sir Tamayo. Ngumiti pa ito matapos itanong iyon. Alam kong guilty si Sir Zamora dahil alam naman naming dalawa na ginawa namin ang makamundong kasalanan na iyon at alam naming pinagbabawal iyon lalo na at sa loob pa ng paaralan namin ginawa iyon.
Nagyukom ng kamay si Sir Zamora at napakagat labi dahil siguro sa inis ni Si Tamayo.
"At ano? You will let school officers know about it?"
"Uh! Uh! Nah! Unless, may nakakaalam pa nito or both of you will be caught in action. I have consideration not because you are my friend. But because..." biglang ibinaling sa akin ni Sir Tamayo ang kanyang mga mata. Bigla naman akong napaiwas at lumingon sa ibang direksyon.
"...you saw in him what you didn't saw to all the girls you've run dry?" hindi ko masyadong nadinig ang sinabi ni Sir Tamayo. Nawala rin kasi ang focus ko dahil hindi naman dapat ako nakikinig sa usapan nila.
Gusto nang umalis pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Nang ibalik ko ang aking paningin sa kanila ay nakatingin na sa akin si Sir Zamora at kabilaan kaming tinitignan ni Sir Tamayo. May ibinulong pa si Sir Tamayo kay Sir Zamora bago ibaling ulit pabalik ni Sir Zamora ang matalim paningin kay Sir Tamayo. Itinulak ni Sir Zamora si Sir Tamayo. Nabigla naman ako sa ginawa ni Sir Zamora. Mukhang mapapaiskandalo pa ata sila.
"Don't you ever dare, Gilbert. Or else, I will be the one to kill you!"
"Hindi mo magagawa 'yon."
"I can. Wag na wag mo lang talagang susubukan."
Hindi na binigyang pagkakataon pang sumagot ni Sir Zamora si Sir Tamayo at mabilis pa sa hangin na tumalikod ito at kinuha ang aking braso. Nagulat ako at hindi na nakapagsalita. He literally dragged me hanggang makalabas kami ng bar at makarating sa kanyang nakaparked na sasakyan.
"Wait Sir, nasasaktan na po ako!" suway ko at siya namang nagpatigil sa kaniya. Bukod sa mabilis niyang paglalakad at nakaheels ako ay lalong huihigpit ang paghawak niya maliit kong braso. Ramdam ko magkakapasa ko nito. Saka ko naman inalis ang kanyang kamay sa braso ko.
"I'm sorry. We need to get away from here. Get in." sabi niya at pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat.
"Saan po tayo pupunta?" tanong ko at hindi pa rin ako pumapasok ng kotse.
"Just get in! Malalaman mo na lamg mamaya."
Wala na akong nagawa at pumasok ng kotse. Isinarado niya ang pinto at pinanood siyang pumasok ng kotse. Pero nang makaupo at maihanda ang sarili ay agad akong umiwas ng tingin. Ramdam ko rin namang napatingin siya sa akin.
"Where do you want to go?" biglang tanong niya.
"K-kayo na pong bahala, Sir." hindi ko naman alam kung saan. Wala din naman akong alam na magandang puntahan at gustong punatahan. Alam kong matapos lang ang gabing ito, wala na naman ulit akong madadatnan paggising ko. Kumbaga, immune na ko sa mga scenario na nangyayari sa trabaho kong ito.
Napabuntong-hininga siya.
"Well, to be honest... I don't want you to be my server tonight. I mean..." napatigil siya na waring naghahanap ng tamang salita para sa sasabihin niya.
"It's just... I... I want to see you."
Shet!
Ramdam kong namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Bumilis din ang t***k ng puso ko. Gusto kong lingunin siya pero hindi ko magawa. Napalunok na lamang ako at muling ibinaling ang paningin sa labas ng kotse.
"Damn! I don't know what to say. And well, how about what happened earlier, don't worry. He can't voice out between us two. He can't prove it."
Tumango ako. May konting kaba pa din kahit na ganoon. Hindi ko naman din alam kung paano magtrabaho si Sir Tamayo. Isa pa, nagawa niyang patalsikin ng school si Victor. Maaaring may kakayahan din siya para mapatanggal kaming dalawa ni Sir Zamora.
It's not really appropriate for the both of us. What if mayroong makaalam at habang ginagawa namin iyon sa kanyang faculty ay may mata palang nakamasid sa amin? May hidden camera o kung ano pa mana. Hindi rin namin hawak ang sitwasyon. Nakakaparanoid kung iisipin kong mabuti. Pero kung mayroon man, sana ay kumalat na iyon ngayong linggo pa lamang.
"Arsyn..." tawag niya sa pangalan ko. Lumingon ako at hindi ko namalayang magkalapit na ang aming mga mukha.
Shet! Bakit ba ang bango niya? Iba yung amoy niya kaysa sa ibang lalaking nakasama ko. I mean, seductive. Yung tipong unang amoy mo pa lanv iba na ang epekto sa'yo. Yung amoy na nakakabuhay ng dugo. Maging amg kanyang bibig na malapit na saking bibig ngayon ay iba. Mouthwash na may halong amoy ng whiskey. Hindi masama sa pang-amoy. Parang natutukso na naman akong halikan iyon. Mapula kasi at may medyo basa.
Pero huli na nang mapagtanto kong magkalapat na ang aming mga labi. Shet! Bakit ba ganito 'tong lalaking ito. Laging akong sinusurpresa pagdating sa mga ganito. Hindi ko mabasa ang kanyang mga susunod na gagawin.
Igagalaw ko na sana ang aking bibig nang bigla niya akong pigilan.
"Don't." humiwalay ako at pakiramdam ko ay parang napahiya ako.
"I'm sorry. I can't resist but I know I have to. At first, I thought it was just a simple exploration with you. And the second time we did it, I know you feel it... I know you heard it."
I remembered it. Matapos namin magtalik sa sarili niyang faculty, hiyang-hiya ako sa sarili ko. Bumaba lalo ang tingin ko sa sarili ko. Marupok lang naman ako. Natutukso kagaya ng iba pero hindi ko akalaing sa mismong sarili kong teacher.
Pero matapos akong magbihis noon, habang nag-aayos ay sinabi niyang...
"I like you." napatigil ako nang sinabi niya iyon.
Yun naman ang gusto ko di ba? Ang magustuhan ako ng isang lalaki. Pinili kong isawalang bahala ang sinabi niya. Dahil mali kung sasabihin kong hindi ko siya gusto. At mali rin kung sasabihin kong gusto ko siya habang nasa loob kami ng isang paaralan. Lalaki rin ako. I mean, bakla ako pero may instinct din ako na panglalaki. Kapag ginusto ng lalaki, gugustuhin niya talaga.
Parang pride na nila ang matatamaan kapag hindi nila nakuha ang gusto nila. Parang ngayon, he opened that topic. Pero kagaya noon ay matagal akong nakasagot.
"You felt it, I knew it." sabi pa niya. Ang kanyang tinutukoy ay alam niyang ramdam ko na sersyoso siya at he meant it. Niyakap niya pa ako mula sa likuran ng oras na 'yon pero...
"Hindi ako tamang tao para sa'yo, Sir." at pinabitaw ko siya mula sa pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga katagang iyon pero nasabi ko pa rin.
Tama naman siguro ako. Kahit gusto ko, kailangan niyang intindihin ang kalagayan na mayroon kami. Isa pa, maraming mas better at deserve ang katulad niya. Mas malaki ang mawawala sa kanya kung malamang babagsak lamang siya sa isang baklang bayaran na katulad ko. I mean, lalaki siya. He deserves an elegant and classy woman na makakasama habambuhay at makakapagbigay sa kanya ng masayang pamilya. At reputasyon din niya ang matatamaan kung sakaling pumayag ako sa kanya. Mas pipiliin ko namang maisalba siya dahil mas malaking pangalan ang dinadala niya. Hindi katulad ko, oo takot akong mahusgahan pero sanay na ako kung matamaan ang reputasyon ko.
"Pero, Sir... kasi..." inilibot ko ang aking paningin habang nag-iisip at naghahanap ng kasagutan. Pero wala... hindi ko masabi ang dahilan ko. Baka isipin pa niya na gusto ko rin siya at nagdedeny lang ako o kaya tumatanggi dahil sa estudyante ako.
"Well, sorry. Did I put pressure on you? Don't mind it now. We have to go." sabi niya at ramdam ko ang pagkadismaya sa kanyang boses. Sinimulan niyang paandarin ang kanyang kotse.
"S-saan naman po?"
"Just trust me..." ngumiti siya ng bahagya at muling nagsalia.
"I know places."
-----------------