"EastSide Baywalk Resort"
Pangalan ng lugar na pinuntahan namin. Mukhang sarado naman ang lugar na ito, sa isip-isip ko. Itinigil niya ang kotse at sa tapat ng malaking gate at maya-maya pa ay unti unti itong bumukas. Nagpatuloy na umandar ang kotse niya at nakapasok kami sa loob.
Isang maikling daan pa ang tinahak namin at bawat dadaanan namin na poste sa kaliwa't kanan namin at nagbubukas ang ilaw nito. Unti-unti ko namang nasilayan ang daan at nang tumigil ay ang kotse ay biglang bumukas ang lahat ng ilaw na nagbigay liwanag sa naturang lugar.
"Wow." sambit ko ng mahina.
"Liking the view?"
Hindi ako sumagot at napatango lamang ako. Dahil sobrang ganda talaga ng aking nakikita. May swimming pool at sa may likuran pa noon ay matatanaw ang isang dagat.
"Sigurado ka na pwede tayo dito? Mukha namang mamahalin dito pati gabing-gabi na."
"This is my resort. Maaari tayo dito kahit ano mang oras at araw nating gustuhin."
Tinanong ko siya kung may tao dito o mga trabahador ngunit sabi niya ay wala. Kumbaga, Vacation Resort niya lang daw ito. May mga tauhan lang daw siyang pinapupunta sa para magpanatili ng kaayusan nito. Dati daw ay business niya ito. Pero nagdesisyon siyang ipasara at ginawa niyang bakasyunan dahil marami na naman siyang naitayong resort kasama ang kanyang mga kapatid.
Mayroon lang siyang remote control ng lahat at nakaaccess ito. Security access ay meron din. Maging pangloloob sa resort kung sakaling wala siya at ang mga trabahador ay madedetect niya kung may magtangka na manghimasok dito. Technology. Maraming nagagawa talaga ang teknolohiya.
Wala na akong nasabi pa at niyaya niya akong bumaba ng kotse. Tinahak namin ang daan paloob ng resort at hindi magkandamayaw ang aking paningin sa paglilibot. Maging ang mga puno dito at may makukulay na ilaw na nakasalansan ng ayos para maging kaaya-aya sa paningin.
Sobrang liwanag at kita ko ang mga bulaklak na nakatanim sa palibit ng resort, ang mga upuan at pangsosyal na mga lamesa at cottage ay kita ko rin. Parang bahay kubo ngunit nilagyan ng ibang twist ang pagkakagawa na naging mukhang moderno ito.
May mga duyan, mga statue at ibang disenyo pa na nagbigay ng magandang komplimetaryo sa kabuuan ng resort. Dalawa ang pool. Isang pambata at isang pang matanda. At kung sisipatin ang malaking pool sa kabila noon at tanawin ng dagat. Bilog ang buwan ngayon at sobrang liwanag. Nagsisilbi din itong ilaw upang makita ang kinang ng tubig ibang madidilim na parte. Sapat na liwanag lamang pero maganda sa paningin. Malamig ang paghampas ng hangin at maririnig ang alon ng dagat.
"Mesmerizing right? I never regret to build a resort here. Well, vacation place ko na siya." bigla na lang akong nagbalik sa katinuan ng magsalita si Sir Zamora.
"Ang ganda nga po. Nakakarelax." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Yeah. Nagiging takbuhan ko ito kapag gusto ko magtanggal ng stress. Being a teacher and businessman at the same time is not easy. It brought a bunch of stress to me. That's why I brought you here. Isa pa, may gusto talaga akong takasan. I want to escape from the reality that you are my student and I am your teacher."
Bumaling ang aking katawan at napatingin sa kanya. Nakita kong humakbang siya palapit sa akin at para akong tuod na hindi makagalaw. Nagtagpo ang aming mga mata at nakita ko na naman ang kagandahan ng kakaibang kulay ng kanyang mga mata. He can hypnotize anyone.
"Can we forget about the real world for a while? Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero gusto ko lang na makasama ka. It's been said and done. Pero ngayon ko lang nasabi 'yon at... sa 'yo pa. Kahit anong gawin ko na kalimutan ka at ang nangyari sa ating dalawa, di ko magawa. It haunts me."
Hinawakan niya ang balikat ko at lalo siyang lumapit sa akin.
"Sir..."
"Just call me by my name. Jeremy."
"Uhm. Je... Jeremy."
"Once again. Don't be afraid. Tayo lang dito. Just forget na customer mo ko o teacher mo ko. I just want this night to be just you and me. The real you and me, Arsyn."
"O-okay... Jeremy." sabi ko sa kanya ng nakatingin sa kanyang mga mata.
"But first, take off your clothes and make up. Let's go."
Sumunod naman ako. Tinahak namin ang loob ng loob. Namangha ako sa mga nakita ko sa loob. Maraming paintings mula sa mga kilalang pintor sa buong mundo. Para akong nasa loob ng isang museum. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit siya naging professor ko.
"Mukhang nagustuhan mo ang mga painting, ha?"
"Oo naman. Yung iba dito ay galing pa sa ibang magagaling na pintor. Orihinal ba ang lahat ng naririto?"
"Most of the paintings are original. Talagang nakipagbid ako para makuha ang mga paintings na gusto ko. Ang iba ay kopya lamang dahil binili ko lang sila sa mga lumang shops pa."
Napatango ako. Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako makaimik.
"D'you know how to paint?" tanong niya.
"Marunong po. Pero alam ko pong kailangan kong hasain pa ang pagpipinta ko."
"Practice makes perfect. But atleast, you know how. That's the important thing, talent."
"Oo nga po."
Nakarating kami sa isang silid. Puti ang silid na ito. Malinis at talagang pulido ang mga bagay na nakalagay dito. Wala akong ibang makita kundi puti talaga.
"Take off your clothes now."
Awtomatikong napatingin ako sa kanyang tinuran? Shet! Mangyayari na naman ba?"
"Wag ka ng mahiya. I already saw your body twice."
Napalunok ako sa sinabi niya. Shet. Nakakahiya. I mean, oo nakita na niya ng dalawang beses pero nakakahiya pa rin. Hindi ko nga alam kung anong nasa isip niya ngayon.
"Just do it and wear this." inabot niya sa akin ang isang puting shirt na mukhang malaki sa akin. "Itira mo na lang undergarments mo we will going to relax at the pool."
Tumalikod ako sa kanya. Sinunod ko na lamang siya. Hinubad ko ang aking damit na galing sa bar at itinira ang underwear at cycling shorts ko. Pagtapos ko magbihis ay lumingon ako sa kanya na aktong naghuhubad ng kanyang polo. Nakatalikod siyang nakaharap sa salaman kaya kita ko ang kanyang ginagawa.
Para bang nagslow motion ang oras at ang kanyang kilos. Nang maalis ang mga butones ng kanyang polo ay hinubad na niya iyon at unti-unting tumambad ang kanyang likuran sa akin. Shet. Muscles! Nagpeflex nag mga ito at napakabroad ng kanyang balikat. Lalaking lalaki. Minsan lamang ako pupuri ng lalaki at masasabi kong sexy si Jeremy. Pang modelo talaga ang kanyang katawan. Hindi ko namalayang naalis na niya ang kanyang polo at slow motion pa rin na humarap sa akin. Shet! Arsyn! Alam kong hindi ka tumitingin sa mga lalaki at sa katawan nila pero bakit gustong-gusto mong makita at mamemorya ang katawan nitong teacher mo?
He has a firmed six packed abs at hubog din ang kanyang dibdib. Shet. Nakita ko na naman ito pero hindi ko akalaing malapitan ko siyang makikita at detalyado pa! Napapalunok na lang ako. Totoo palang mapapalunok ka kapag nakakita ka ng ganito. Hanggang mapadako ako sa kayang bandang tiyan. Napansin ko rin nag V-line niya at shet... ayoko ng igala ang mata ko. Baka hindi ako mapakalma nito.
"Are you done memorizing my body? You can have it again." nakangising tanong niya.
Bigla naman akong napaiwas ng tingin at minabuting tumalikod. Narinig ko ang yabag ng kanyang mga paa at naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay sa aking balikat.
"Don't be shy. Mas lalo akong natutukso kapag ganyan ang ipinakikita mo. Teasing you until you give up is giving me more temptation. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Agad ko namang naramdamanang paglapit pa ng kanyang katawan sa aking likuran. Mainit. Nakakapaso pero ibang init 'yon. Kaysa naman bigla pa akong atakihin ng kung ano man sa isip ko ay dumistansya ako.
"Tara na, Sir. Doon na po tayo sa pool. Medyo mainit po ata dito. Magtatanggal pa po ako ng make up ko."
Sabi ko at sabay na naglakad palabas ng kwarto. Napasandal ako sa pinto pagkasara ko nito.
Shet. Mukhang mali ang pagsama mo ngayon Arsyn!
---
Habang nagliliwaliw si Jeremy na maglalangoy sa pool, ako naman ay tinatanaw ang magandang tanawin sa langit. Puno ng mga bituin, isama pa ang buwang nagbibigay ng buong kalinawagan.
Alas dos y media na ng madaling araw at ngayon lang ako nakapagrelax ng ganitong oras at sa pool pa. Masarap sa pakiramdam. Nakabalot ako ng bathrobe na binigay sa akin ni Jeremy kanina. Kaninang nasa pool kami pareho ay naiilang ako. Marunong naman ako lumangoy pero ibang presensya ang ibinibigay sa akin lalo na at lalapit sa akin nag teacher ko.
Kahit na sinabi niyang huwag akong mahiya at kalimutan kong anong kalagayan na ako ay estudyante at siya ay professor ko, ay nandun pa rin ang balakid na 'yon. Alam nabaklas na namin iyon ngunit kahit saan ko tignan ay mali pa rin talaga.
Nag-usap kami tungkol sa buhay ko. Siya ang palaging nagtatanong sa aming dalawa. Minsan lamang ako nakakaisip ng tanong kung may kinalaman sa tinanong niya. Wala naman akong itinigo o isinikreto sa kanya. Siguro naman ay wala naman makakaalam ng mga sasabihin kong kwento sa kanya dahil sa tingin ko ay hindi naman niya masasabi sa iba iyon.
Buhay ko, kung paano ako napunta sa sitwasyong ayoko ng gawin pero kailangan, mga kaaptid at magulang ko, iskul at kung ano-ano pa. Minsan din ay magkukwento rin siya ng side niya. Pero hindi naman ganoon kahaba, sapat lang para magkaroon din ako ng ideya tungkol sa kanya.
Kahit di ako nakatingin ay alam kong mataman at mukhang kada galaw ng bibig ko ay tinititigan niya. Napakalapit namin habang nag-uusap kami sa gilid ng pool habang nakababad ang aming katawan sa tubig. I can't look directly into his eyes, it's a distraction and at the same time... seduction.
"Hey. Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Come here. Come ang join me." biglang pagyaya niya.
Hindi naman nagdalawang isip na sumunod sa kanyang utos. Tumayo ako at humarap sa kanya. Nakaprente siyang nakasandal sa gilid ng pool at ang mga kamay ay nakataas. Nakatingin siya sa akin. Kaya tumitig din ako sa kanya.
Tinanggal ko ang aking bathrobe na hindi pa rin natitinag ang aking paningin sa kanya. Alam kong may mangyayari at mangyayari ngayong gabi. Kahit pigilan ko pa ang sarili ko ay alam kong hindi sasang-ayon ang katawan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Napahipokrito ko naman kung sasabihin kong ayaw ko at iba nag sinasabi ng katawan ko. Lalo na kung itatanggi kong ayaw ko. Alibi niya na gusto niya akong makilala ng totoo. Marami na ring lalaking sumubok pero, wala. Wala pa rin tumanggap sa akin kung ano ako.
Wala rin akong masabing bagay kung ano ang iniisip niya ng magkwento ako sa kanya. Wala naman siyang reaksyon o kung ano mang komento kaya hindi rin ako pwede umasa sa ideya na maaring siya ang magligtas na parang prinsipe. Fairytale is just an imagination. I should stop imagining things that will never going to happen. This is not a disneyland.
Matapos man ang gabing ito, ipinauubaya ko na sa itaas ang mga mangyayari.
Unti-unti akong bumaba sa tubig. Suot ko lamang ang maikling cycling shorts at exposed ang katawan ko. Kung sa iba nahihiya ako at may pagkakataong ikinahihiya ko ang katawan ko ay para bang nawala ito kapag siya ang kaharap ko. Wala pa ring kurap ang kanyang pagtitig sa akin at ganoon din ako. Hindi sa nang-aakit pero bigla na lang siyang lumangoy palapit sa akin.
Kinabig niya ang aking beywang at ipinalapit ako sa kanyang katawan. Naramdaman ko naman ang katigasan ng kanyang katawan at ng kanyang inaalagaan sa aking bandang tiyan. Shet!
"You're creating a fire inside me, Arsyn."
Husky ang boses niya at lalo niya akong idinikit sa kanyang katawan.
"I am so sorry but I can't help it. I wanna taste you again. Can you please let me?"
Tumingin ako sa mukha niya. Hindi ako nagkamali at nagsusumamo ang kanyang mga mata. Ipinagdikita niya ang aming noo at doon ay mas humigpit pa lalo ang paghawak niya sa aking beywang at minsan ay ibinababa niya it sa aking likuran. Naamoy ko rin nag kanyang hininga. Shet. Alam kong bibigay naman ako, kaya bahala na.
Sa halip na magsalita ay inilagay ko na lamang ang kaing mga kamay sa kanyang leeg at inilapat ang aming mga bibig. Nagulat siya ng bahagya ngunit alam kong nabawi agad siya ng katotohanan na parang ang halik ko sa kanya ang sagot na oo, pwede niya ulit akong angkinin.
Nagtagal ang aming halik at ang mga kamay niya ay lalong naging marahas. Nakakabaliw talaga ang halik niya. Isinaklang ko ang aking dalawang paa sa kanyang beywang at sinapo naman niya ang aking puwitan para maabot ko ang kanyang taas.
Kung dito man namin gagawin ay bahala na. Iyon din naman ang kagustuhan niya. I never expect I will be like this. Hindi ko alam kung pwede kong maramdaman. Subalit alam kong hindi pwede ang bagay na gusto ko. Bahala na. Kung ano man ang nararamdaman niya sa ngayon, bahala na rin. Alam kong mawawala rin ito.
Natagapuan ko na lamang ang sarili kong napapailing sa sakit habang nakayakap sa kanya. Pero alam kong maya-maya ay mawawal na rin ang sakit. Hindi ako makapaniwalang dito talaga namin ginawa ang bagay na ito.
Mahigpit akong nakayakap sa kanya habang dinadama ang kanyang kabuuan at mag-adjust sa kanyang sukat.
"I will move now." sabi niya.
"O-okay." sagot ko at doon ay naramdaman kong umindayog na siya.
Napapakalmot ako minsan sa kanyang likuran. Alam kong masakit iyon pero hindi papantay 'yon ng sakit na nararamdaman ko.
Sa pangatlong pagkakataon, binigay ko na naman ang sarili ko sa kanya. Maari akong tumanggi pero, yung puso ko... nilalason ang utak ko. Subalit hindi pa ngayon ang panahon para maramdaman ko 'yon. Hindi pa hangga't babalik at babalik kami sa reyalidad. Katotohan na hindi maaring takbuhan, reyalidad na hindi namin matatakasan..
----
Nagising na lamang ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Umaga na pala. Naramdaman ko namang may tshirt ako na at underwear. Oo nga pala, bibihisan niya ako ng matapos namin at matapos naming maligo. Masakit ang buong katawan ko. Unti-unti akong bumangon. Hinanap ko si Jeremy ngunit wala ito sa aking tabi. Baka nauna naman siyang nagising at lumabas.
Nagpasaya akong lumabas ng kwarto at hanapin siya. Baka nasa pool lamang siya at tinitignan ang tanawin.
Ngunit nang makarating doon ay bigla akong nakarinig ng dalawang taong nag-uusap.
"I got it! Sabi ko na nga ba dito kita mapupuntahan eh. Bakit ang hilig mo laging magtago ano?"
Teka, parang pamilyar ang boses na iyon. Agad naman akong naglakad ng mabilis para tignan kung sino ang kausap ni Jeremy.
"To relax? And it's none of your business. Ano pa lang ginagawa mo dito?" boses 'yon ni Jeremy. Nakarating naman ako agad kung saan sila naroon pero nasa distansya pa rin ako sapat lamang para makita sila. Tama nga. Hindi ako nagkamali.
"Well, alam mo naman kung bakit a-..."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagsalita.
"HANCE?"
------------