"HANCE?" bulaslas ko dahilan para mapalingon sila sa aking dalawa.
"Arsyn! What are you... Wait..." nagpabalingbaling ang kanyang tingin sa aming dalawa ni Jeremy.
"Oh my! You and Kuya Jerry ay magkasintahan?" gulat at pabulaslas na tanong ni Hance.
"Stop calling me, Jerry!" angas na sabi ni Jeremy. Inirapan lamang siya ni Hance.
"Whatever." lumapit si Hance sa kinaroroonan ko.
"Magkakilala kayo?" tanong ko.
"Yes. Actually, halfbrother niya 'lang' naman ako. I'm sorry. Nagsinungaling ako sa'yo. Remember the day na sinabi kong may bago kang professor? Nagpanggap lang ako na hindi ko siya kilala. Kasi naman napakalungkot mo ata nung araw na 'yon kaya 'di ko na nasabi sa'yo ang totoo. Well. That's him. Naconvinced ko siyang magpatuloy ng pagtuturo dito at bago ko siya napilit, dahil yun sa 'yo. Kasi about 3 months ago he saw the picture of us and ayon nagtan..."
"Stop it! Or you will see satan after a minute!" bakas na sa boses ni Jeremy na naiinis na siya. Magkasalubong na ang kilay nito at iba na rin ang kanyang mga titig.
"Chill, brother! Nagkekwentuhan lang kami." ani ni Hance.
"And it's not your stuff to tell a story involving mine!" seryosong tugon ni Jeremy. I feel his anger.
Hindi nakasagot agad si Hance. Nagmuwestro siya na parang nahold-up at itinaas ang mga kamay.
"Okay. I'm sorry! Akala ko kasi alam niya. Nag-assume lang akong nabanggit mo kasi magkasama kayo. Like you know... kind of..."
"Just drop it. What do you want?" lumapit na rin sa kinaroroonan namin si Jeremy.
"My monthly allowance! Kailangan ko pa ba yun ipaalala lagi sa 'yo?"
"Hindi pa ba binibigay sa 'yo ni dad yung card mo?"
"Hindi pa and as long as wala pa sa akin ibinibigay, sa 'yo ko yun kukunin remember?"
"Fvck. Fine. I'll send it later I don't have any cash here." at napakamot ito ng ulo.
"Okay. Thank you." bumaling naman sa akin si Hance.
"Oh siya, Arsyn iwan ko muna kayong dalawa ha? Kita na lang tayo sa bar later. At kung tatanungin mo ako why I'm still working at Holy Ground bar ay dahil kailangan ko pa rin 'yon. Nito lang kasing mga nakaraan ko nalaman na anak pala ko sa labas at ngayon pa lang pinoproseso ang pagiging legal na papeles para maging bahagi na talaga ako ng pamilya nila. But it doesn't mean na titigil na ko after ng lahat. Hindi ko kaagad masabi sa inyo ni Rafie dahil di pa ako handa. Well, narito na lang din naman, ikwento ko na lamang sa inyo sa school bukas pagpasok."
Napatango na lamang ako. Hindi ko alam kung may pumoproseso sa utak ko o mabilis lamang talaga siya magkwento. Bakit parang kaswal lang kay Hance na ganito ang sitwasyon namin? Isang guro at estudyante? Pero may sasabihin pa siya hindi lamang naituloy dahil pinigilan siya ni Sir Zamora.
Tuluyang nagpaalam si Hance. Naiwan naman kami ni Jeremy na tahimik ngayon at ako naman ay maraming tumatakbong katanungan sa aking isipan. Gustuhin ko mang magtanong ay nawawalan ng lakas ang aking bibig para itanong ang mga bagay na iyon.
"Do you want me to cook some breakfast?" pagbasag ni Sir Zamora sa katahimikan naming dalawa. Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko. Dumako naman ang mata ko sa kanyang katawan. Shet! May mga pinagpala talagang lalaki at isa siya sa mga iyon. Adonis na Adonis siyang tignan na kahit halatang bagong gising ay talaga namang nakakabighani ang taglay niyang kakisigan. Ngayon ko lang naintindihan ang nababasa ko sa f*******:. Yung caption na "Gumising akong makisig, ikaw gumising lamang." nakakatawa man sa kabilang banda ay iba talaga itong si Jeremy.
"Titigan mo na lang ba ako o gusto mong kumain?" napangisi siya sa kanyang tanong. Napabalikwas naman ako at tumango ng mabilis at mabilis na nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Ano ba ang gusto mong kainin?" bumalik ulit ang tingin ko sa kanya at this time ay mas malapit na siya sa akin. Iba ang tono ng kanyang pagtatanong may halong panunukso dahilan para hindi agad ako makasagot sa tanong niya.
Humakbang pa siya palapit ngunit nagkaroon ng sariling isip ang aking paa upang umurong. Bawat hakbang niya ay kasabay ang aking pag-urong. Nakatitig siya sa akin, ganoon rin naman ako sa kanya.
"Tell me, what do you want to eat?"
Kasabay noon ay ang pagbunggo ko sa pader at ang pagtaas ng kanyang dalawang kamay. Yung pwesto niya ay parang ikinulong niya ako.
Napapikit ako ng ng biglang lumapit ang kanyang mukha. Kala ko ay hahalikan niya ako pero walang lumapat na labi sa aking bibig.
"I'm tempted to the taste your lips again but, I have to control myself. Help me, Arsyn."
Nagmulat ako ng dahan dahan at nakita ko na naman ang kanyang napakagwapong mukha. Makinis, walang bahid ng kahit anong acne or pimples as in sobrang lapit niya. Maging pores ay wala siya. And his eyes. Nakakatunaw. Nakakapanlamig at nakakapanglambot ng kalamnan.
Napakagat labi naman ako at napalunok. Bago pa naman ako makabalik sa wisyo ay lumapat na ang kanyang labi sa labi ko. Nagulat ako at hindi siya napigilan. Ngunit hindi siya naging mapusok ngayon. Isang matagal na smack kiss lamang iyon at bago siya humiwalay ng halik ay kinagat at hinila pa niya ang aking ibabang labi.
"Fvck!" bigla siya ng umatras at tumalikod.
"I cooked for our breakfast. C'mon. Let's eat."
"Hmm." at tumango tango ako kahit di niya kita.
"Arsyn..." pagtawag niya sa atensyon ko.
"Y-yes?" napatingin naman ako sa kanya.
"You look good at my shirt." at ngumiti siya! Sa unang pagkakataon, ningitian niya ako. Mabilis lang dahil bigla siyang naglakad na palayo. Naiwan akong nawawala ang kabog ng aking dibdib.
Masasabi kong talagang tunay ang ngiti niya. Hindi yung may angis ng kung ano pa man. Napakaganda at lalo nagdagdag ng kanyang appeal. Ningitian niya ko. Nakakagalak ng kalooban. Nakakatunaw ng puso...
----
"So how was it?" tanong ni Jeremy sa akin pagkatapos kong tikman ang niluto niyang itlog. Ewan ko ba. Pagkaahin na pagkaahin nitñya ng pagkain ay itlog agad ang una niyang gusto kong tikman. Wala rin akong ideya kung bakit gusto niyang malaman ang panglasa ko sa niluto niyabg iyon. May inihain din siyang corned beef at sinangag na kanin. May pritong hotdog at mga prutas din.
Bago man magkomento ay nilunok ko muna ang nasa bibig ko at nagsimulang magsalita.
"Masarap yung itlog. Parang perfect yung pagkakaluto." sabi ko na lamang. Kasi sa totoo lang para lang naman itong simple na pritong itlog pero aaminin kong iba yung lasa. Masarap naman talaga. Siguro naiibahan lamang ako sa lasa dahil for sure na iba ang gamit na mantika at asin na nilagay dito. Fresh naman siguro itong itlog. Hindi tulad ng nakasanayan ko, yung tig pipisong asin at nasa ordinaryong bote na mantika ang gamit at hindi ko alam kung fresh pa ba ung itlog na binibili ko sa tindahan.
"Really? Totoo ba yang sinasabi mo?"
Tumango ako ng dahan-dahan. Tipong hindi ko alam kung sasang-ayon na lang ba ako o magsasabi ng totoo na masarap talaga yung itlog na niluto niya.
"That's great. I thought I can't be a chef, someday." tumawa siya ng kaunti at nakita ko na naman ang kanyang magandang ngiti.
Teka, ano naman ang kinalaman no'n para maging chef ka?
"Chef? Matanong ko lang ha, ano bang mayroon sa itlog?"
Napatingin siya sa akin ngunit nakangiti ng bahagya at nakakunot ang noo. As if gusto niyang sabihing "Really? Hindi mo alam?" Kaya nagkibit balikat ako.
"Well, when I was a kid, my Mama told me, 'to be a chef, the first thing you have to master on cooking is to cook an egg.' Sounds ridiculous, right? But still, dala-dala ko pa rin hanggang ngayon. Tinanong ko si Mama kung 'yon ang batayan para maging chef, she said no. But that's the important thing she learned noong nag-aaral pa siya. Sabi pa daw ng cook nila, 'kung simpleng itlog lang hindi mo makuhang maluto ng ayos, hindi mo matatawag ang sarili mong chef.' Gusto ko talaga maging chef no'n pero kagaya rin ng iba, nagbabago ang isip at nahahanap talaga ang kagustuhan nila habang nagmamatured. Oh, well. Nakapagkwento na pala ako ng wala sa oras." napabungisngis siya ng kaunti at saka nagpatuloy na kumain
Ewan ko ba kung naintindihan ko ang sinabi niya. Iyong ekspresyon niya habang nagkukwento, pati how he deliver the story. I think, he really love his mother... iba ang dulot kapag napag-uusapan ang taong napakamalapit sa iyo.
"Okay lang. Ang saya mo ngang pakinggan. I think, napakaspecial na tao para sa'yo ang Mama mo."
Napatigil siya at napangiti sa kawalan.
"Yeah. And I missed her so much."
Naramdaman ko sa kanya ang lungkot. Hindi na akp muli pang nagtanong dahil inaalala ko rin na personal na bagay na iyon at hindi ko na dapat pa pakiaalaman pa.
"Thanks to her. Masarap talaga yung itlog mo."
Mabilis siyang napatingin sa akin. Nakangisi. Shet. Saka lang tumatak sa isip ko ang sinabi ko. Namula agad ako at ramdam ko iyon. Bakit ba hindi ko pumipili ng mga salita!
"Really? Anong lasa ng itlog ko?" mapanuksong tanong niya. Lalo kaong namula sa tanong niya. Sana kainin na lamang ako ng lupa.
Nakahinga na lamang ako ng biglang tumunog ang phone niya. Shet! Salamat! Saved!
Sinagot niya iyon. Tanging yes at yeah lang ang sinasagot niya at kung nasaan siya ngayon. Nagpatuloy akong kumain. 'Di naman nagtagal ay binaba niya ang phone at nagsabing pupunta daw siya.
"Arsyn?" tawag niya sa atensyon ko.
"Yes?"
"Nagmamadali ka ba na umuwi o may pupuntahan ka ngayon?"
Alinlangan man ngunit napailing ako ng marahan.
"May pupuntahan sana tayo. I want you to come with me. Promise, ihahatid kita ng maaga sa inyo."
"Ah. O-okay lang..." sagot ko. Hindi ko maitanong kung saan. Pero ramdam ko namang safe siguro.
"Good. Let's go! Mag-ayos na tayo." tumayo siya at naghakbang patalikod.
"Don't forget. You have to tell me kung anong lasa ng itlog ko... later." then he winks at tumalikod.
Shet. Pinaalala pa niya. Nakakahiya at ramdam kong pulang pula na ko sa hiya.
Pero nakakapagtaka lamang, parang iba siya ngayon. Iba ang ipinakita niya ngayon.
Mukhang kung magsasama pa kami lalo ay makikilala ko siya. Pero, hindi pwede Arsyn. Mali pa rin.
Ngunit bahala na. Kahit iba ang t***k ng puso, hindi pwedeng magtagal ito.
Uminom na lamang ako ng tubig at saka nagpasyang kumilos.
Sa'n naman kaya niya ako dadalhin?
-------