Chapter 10

2087 Words
Hindi ako magkandamayaw sa paglingon sa kung saan-saang sulok ng aming pinuntahan ni Sir Zamora. Halos lahat ng nakikita ko ay maganda at bago sa aking paningin. At ang isa pang ikinatuwa ko ay ang mga magagara at talagang orihinal na mga paintings ng mga kilalang pintor sa buong mundo. Sabi niya ay nasa isang mansyon kami na ang mga nakakapasok lamang ay piling mga miyembro ng kanilang samahan. Hindi na niya sinagot pa nang tanungin ko siyang anong samahan iyon. Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi ko mawari kung minsan ba ay talagang suplado siya o pribado lang ang bagay na iyon. Dahil sa sobrang laki ng mansyon ay hindi ko na nasaulo pa ang dinaanan namin sapagkat marami na rin kaming nalikuan na daan ni Sir Zamora. Ewan ko ba kung bakit niya ako dinala rito. Wala rin naman akong ideya at wala rin siyang nababanggit. Siguro trip niya lang o gusto lang niyang may makasama. May nakakasalubong akong ilang mga babae na sa tingin ko ay mga katulong rito dahil sa mga kasuotan nila. May ilan ding mga lalaki na nakauniporme at waring mga tagabantay rin ng lugar na ito. Maya-maya pa at pumasok kami sa isang silid. Bumungad sa aking harapan ang liwanag dahilan para magpaningkit ang aking mga mata at unti-unting tumambad ang loob ng silid na iyon. Mukhang isang silid ito para sa mga pagpupulong dahil sa ayos ng lamesa. Nakita ko rin ang ilang mga tao sa loob nito na hindi makakailang katulad ni Sir Zamora dahil sa mga taglay nitong hitsura at pangangatawan. Para tuloy akong nakakita ng iba't-ibang lahi sa isang silid. At isa pa, naririto rin si Sir Tamayo! "Jerry! Long time no see!" sabi ng isang lalaki na animo'y modelo sa isang sikat na magazine. "Alfred, stop calling me Jerry." sabi ni Jeremy at nagchuckle iyong tinawag niyang Alfred. Una ay si Hance ang tumawag sa kanya ng ganoong palayaw ngayon naman ay ang kaibigan niya at parehong naiinis siya kapag tinatawag siyang Jerry. "Ano bang mayroon sa palayaw na Jerry, Sir at naiinis po kayo? Bagay nga po eh." wala sa sarili kong tanong at komento. Awtomatikong napatingin ang lahat sa akin. Huli ko na lamang napagtantong hindi ko nga pala sila kilala at hindi lamang kami ni Jeremy ang magkasama. Isang malakas na tawanan ang naging reaksyon nilang lahat. Napakunot naman ako ng noo at nagtataka dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nakatutuwang sinabi. O siguro ako lang ang hindi nakakuha kung bakit sila tumawa sa palayaw na Jerry.. "Can't stop laughing bro! Siya na rin nagsabi." sabi nang lalaking nakaupo mukhang lahi rin at tumawa pa iti. Grabe. Taga ibang bansa ba sila? May katabi rin ito na parang kagaya ko. I mean, kagaya ko na isang gay. Para siyang babae. "Oo nga. Your partner agreed!" sabi naman ng mukhang driver dahil sa suot niya. Pero hot na driver. Talaga atang pinagpala ang mga naririto ngayon. Sila halos lahat. May katabi rin siya na tulad ko at nakaakbay siya dito. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Mukhang mabait naman siya. Ngunit bago ko pa makalimutan ang komento niya ay bigla na akong nagsalita. "H-hindi ko po siya partner. I mean, estudyante niya po ako. Sinamahan ko lang siya." sabi ko. "Oh! I thought you're the one he's been looking for months. I thought Jeremy was finally switched in same relationship." "Yes. He is. It's not official but soon. And please, stop talking about us. We're here for a meeting right? Let's start." biglang sabi ni Jeremy. "Easy bro. Okay, okay." "Let's start." sabi naman ng isang lalaki na biglang sumulpot sa likuran namin ni Jeremy. Napalingon kaming lahat. Nakapangrider attire ang lalaki at kasama rin siya. Katulad ng isang mukhang modelo ay ganoon rin itong nasa harapan ko. Mas matangkad pa sa akin ng kaunti at makinis kahit mukha pa lamang niya ang nakikita ko. "Oops. Don't forget me!" at lumitaw naman ang isa pang hunky na kamiyembro rin siguro nila. Shet! Nasa langit na ba ako? Bakit ang gagwapo ng mga ito? Hindi lang mukha ang pinagpala pati na rin ang mga katawan. Kasama naman nito ang isang singkit at maputing halos di nalalayo sa tangkad ng isa. Wag nilang sabihin magkakasintahan sila? ---- "Yes. Lahat kami, partners ng mga lalaki sa loob. I bet, Jeremy found his.." sabi ni Devin. Siya yung may singkit na mga mata at sa tingin ko ay tahimik sa lima na kaharap ko ngayon. Pinalabas muna kami ng mga lalaki dahil pribado ang kanilang pag-uusap. Kaya narito kami ngayon sa veranda ng malaking mansiyon na ito. Nagpakilala sila sa akin isa-isa at natandaan ko naman agad ang mga pangalan nila at mukha. Talagang kutis mayaman sila. Isa pa, hindi na nakakapagtaka kung magustuhan sila ng mga nakita kong makikisig at gwapong mga nilalang sa loob. "Tama ka jan Devin. He's also cute, right?" ang sabi naman ni Keith. Siya talaga yung mukhang babae sa kanila. Kaya pala pala pamilyar siya ay siya yung nasa viral photos sa sss dati. Model pala siya. "Right. What's your name again?" tanong naman ni Lyndon. Medyo intimidating ang dating niya pero pak ang kanyang style. Simple pero kayang dalhin ng kanyang katawan at awra. "Arsyn. Arsyn po." sagot ko naman. "No need to use po or opo okay? Halos magkakaedad lang naman tayo dito. Are you sure hindi ka kasintahan ni Jeremy?" Nanlaki ng bahagya ang aking mga mata sa tanong niya. "Nako, hindi talaga. Estudyante niya po ako. Imposible po yung iniisip niyo." "Are you really sure?" paninigurado ni Lyndon. Sa pagkakataong iyon, nakita ko sa mga mata ni Lyndon na hindi ako maaring magsinungaling sa kanya. I feel something towards Mr. Zamora pero hindi ako sigurado kung ano ba talaga ako sa kanya. "You are scaring him, Lyndon. Nasagot naman niya tanong mo. And I think he's telling the truth." panunuway ni Auster. "No, I'm nit scaring him. Yes, he's telling a truth but I know and I can feel that there is something going between him and Jeremy. Am I right, Arsyn?".. Mukhang kahit sabihin ko ulit na mali ang iniisip nila ay siguradong hindi sila makukumbinsi. Ramdam ko talaga na gusto niyang malaman ang totoo. At kung yun nag gusto niya, hindi ko na kailangan pang magsinungaling pa. Wala na kong pakialam, kahit ano pa isipin nila. "Honestly, I don't know. Months ago, I met him in the bar where I work. Naging customer ko siya." "What bar is it?" tanong ni Devin. "Holy Ground Bar. Bar kung saan maraming offer for chilling and also for pleasure. Mostly, kabilang sa third s*x ang mga nagpupunta doon. Medyo may sapat kasing tauhan ang bar like callboy and gays like me to give them a service." "You mean..." "Prostitution?" sinabatan ko na agad si Lyndon. Alam kong iyon ang papasok sa isip nila. At hindi yun maiiwasan. "Yun ang lagi nilang sinasabi. Pero para sa akin, hindi naman talaga kami mga prostitute. Hindi naman namin talaga binebenta ang aliw namin. Kami ang pinagpipilian at hindi kami ang pumupili ng customer. Mayroong options depende sa gusto mong mangyari sa inyo ng customer at doon kami binabayaran. 15% ng tip ng customer sa bar ay sa amin mapupunta at iba pang porsyento ay sa bar at hahatiin pa iyon para sa mga staff at hindi nakakuha ng customer sa gabi. Additional tip or babayaran ka ng customer depende sa serbisyon ibinigay mo." "I see... So pumunta si Jeremy doon?" "Yes. Sabi niya, susubukan daw niyang makipagtalik sa katulad niya or sa mga tulad ng mga kaibigan niya dahil sabi niya, most of his friends are getting into same s*x relationship. He wanted to try it and explore. He found me and do that 'thing'. But tragic came, namatay ang aking Inay and it took so long for me to move on. Hindi ako nakapagtrabaho no'n. Nawala ako ng ilang buwan sa trabaho. Nagpasukan sa eskwelahan, at nabigla akong magiging teacher ko pala siya. Nakausap ko na siya tungkol sa estado naming dalawa and I know he is confused. That was just a night stand for me... for him. 'Di naman namin expected na magkikita pala kami ulit. And as of now, hindi ko rin talaga alam ang estado namin. No one has to know about it lalo na sa school." mahabang kwento ko sa kanila. "If that's the case then, I think you love Jeremy." konklusyon ni Auster. "No, I mean, hindi kasi... bawal. Pati wlaang kasiguraduhan. Pati sinubukan niya lang naman yung ano... and I think wala naman yun." "At sa tingin mo, hahanapin ka niya at babalik-balikan kung sinubukan lang niya? Arsyn it's more than what you think. If you are thinking he might not like you, then I bet he's trying to make things work. At hindi ka niya dadalhin dito kung hindi ka niya talaga seseryosohin or partner. This is a secret place Arsyn at yung mga lalaki sa loob lang ang may access dito sa napakalaking lugar na 'to." paliwanag ni Auster. "Even their girlfriends hindi nila pinapupunta dito because only 'the chosen' person na maging bahagi ng buhay nila ang nakakatapak dito." ani ni Mark. "Talaga ba? Pero imposible. Hindi ako babae, I mean..." "We are gays, too." sabi ni Lyndon. "I know. Pero ayoko muna pangunahan. Ibig kong sabihin, di ako nakakasigurado at isa pa di naman namin napag-uusapan ang tungkol doon. Gusto ko siya pero sa t'wing mararamdaman ko yun, parang salungat yung sagot ng mga mata niya, ng kilos niya. Gusto niya ko, sabi niya pero hindi ko alam kung bakit. Dahil ba nasiyahan siya sa ginawa namin o dahil ba gusto niya lang ulit makaranas ng ganoon. Hindi ako aasa, unless it is stated by him, by his eyes and heart." Totoo naman ang sinabi ko. Alam kong may porsyento na umaasa ako pero hindi ganoon kataas tulad ng inaasahan nila. Isa pa, he is straight and exploring just because his friends have these beautiful and gorgeous gay boyfriends. Wala akong panama sa kanila. Mukhang galing din sa mayayamang pamilya at alagang alaga ang mga kutis. Inawat naman ni Lyndon ang mga kasamahan niya nang magsimulang magtanong ulit ang mga ito sa akin. Ang sabi pa ay, tama ako. Wag munang pangunahan ang mga bagay-bagay kung hindi man ito sinasabi pa ni Jeremy. Siguro ay mali lang sila na sila lang ang nakakapasok dito bukod sa mga partners nila. Hindi ko alam kung ilang oras na ako naririto sa lugar na ito. Hanggang ngayon kasi, naroon pa sa loob ang mga kalalakihan at kung ano ano nang ginagawa namin dito sa labas kasama ang mga partners nila. Natapos na rin kami kumain ng pananghalian at ngayon ay patuloy ang kwentuhan nila ukol sa mga boyfriends nila. Hindi naman ako makaimik dahil nasisiyahan akong makinig sa mga kwento nila. Mainam lang akong nakikinig. Masasabi kong swerte ang mga ito. Biruin mo, mayayaman at talagang may hitsura ang kanilang naging kasintahan. No wonder din naman kubg bakit sila nagustuhan ng mga ito. Bukod sa makikinis at sila at 'cuties', may nakikita akong katangian sa bawat isa sa kanila na maaring naging dahilan kung bakit nabihag nila ang mga boyfriends nila. Masaya silang kasama at hindi naman ako out of place dahil nakikitawa naman ako at nakikisagot minsan kung may mga katanungan. Hindi naman ako nahiya dahil baka sabihin pa nilang 'kill joy' ako. Wala rin silang naitanong tungkol sa akin o siguro ay bago pa lamang nila akong kilala kaya iniiwasan nilang magtanong sa akin. Di naman nagtagal at biglang bumukas ang pinto bg kwarto at lahat kami ay napalingon. Isa isa namang pumasok ang mga lalaki na kanina pa namin hinihintay. Nang makalapit sila ay nangamusta sila sa nga partners nila at masusuyong halik ang iginawad bg mga lalaki. Lumapit naman sa akin si Sir Zamora at nagulat ako ng halikan ako nito sa aking noo. Bahagyang namula ako sa kanyang ginawa. I never expect it. Pinatayo niya ako at sinabing ihahatid na ako pauwi. Hindi naman siya nagmamadali at nagpaalam pa ito sa mga kasamahan niya. Nakaakbay ito sa akin habang binabagtas ang kahabaan ng hallway papuntang labasan ng mansyon. Nakatungo lamang ako dahil ramdam ko ay pinagtitingingan ako ng mga maid na nakakasalubong namin at mga guards dito. Naramdaman kong tumigil si Jeremy sa paglalakad. Napatingin naman ako sa kanya at nakatingin siya sa tuwid na direksyon. Tinignan ko kung ano ang nasa harapan namin para mapatigil siya. Hindi pala ano, kung di sino... Si Sir Tamayo... ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD