"Keep going. Don't mind him." sabi sa akin ni Jeremy.
Nagsimula kaming maglakad at napatango na lamang ako ng matamang tinitignan ako ni Sir Tamayo.
"Bakit si Arsyn, Jeremy?" banggit ni Sir Tamayo nang lalagpasan ni Jeremy ito. Napatigil naman si Jeremy.
"I'm fit for him. That's why." walang emosyong tono ni Jeremy at napalingon ako sa kanya. Tuwid pa rin ang kanyang tingin at nakaramdam ako ng waring mag-aaway sila sa harapan ko.
"Alam ba niya?" tanong ulit ni Sir Tamayo.
"There's a time for 'that', Gilbert."
"If you won't tell him, I'll be the one to tell him that his be..."
"STOP IT, Gilbert!" nilingon na ni Jeremy si Sir Tamayo at waring hahambaan niya ito.
"May I ask you the same question? Bakit si Arsyn, Gilbert? You know me. I can choose love over friendship. Kung nasa katinuan ka pa, huwag na huwag mo na kaming pakialaman. Lalong wag na wag mong pakialaman ang mga ginagawa ko. We're already in five years of friendship. Kung ayaw mong masayang 'yon wag si Arsyn, Gilbert. Naiintindihan mo ba?" ramdam ko ang galit ni Jeremy sa kanyang mga binitiwang salita.
Wala man akong maintindihan kung ano ang rason kung bakit sila nagkakaganito, alam kong ako ang dahilan. Nag-aaway sila dahil sa akin. Gusto kong pigilan pero mukhang sa titig pa lamang nila ay hindi ko ito maaawat ng basta-basta lamang.
Matalim ang kanilang palitan ng tingin at sa palagay ko ay tila nag-uusap na sila na tanging sa pagitan lamang nila ito naiintindihan.
Gusto kong magsalita ngunit parang tinakasan na ako ng aking dila. Hindi rin naman ako tanga para hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila.
Bakit nga ba ako?
Wala naman akong balak pasukin ang ganitong sitwasyon. Malayo sa pangarap kong maging simple at tiwasay lamang ang buhay. Wala akong alam kung bakit ako ipinasok sa ganitong sitwasyon ng nasa itaas. Susubukan niya ba ako? I mean, my temptation.
Sa tagal kong nagtatrabaho sa bar, hipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako tempted sa mga lalaking natitipuan ko. I'm a gay at natural na matipuan at humanga sa mga lalaki. Lalo na kung ganito katipuno at parang nanalo ka sa jackpot. Pero lagi kong pinipigilan ang sarili ko. Nangako ako na sa taong mahal ko lamang ako bibigay. Nasira iyon ni Jeremy.
Itong nararamdaman ko ay maaaring nasabik lamang ako dahil sa pinakita niya at dahil na rin sa umasa akong baka pwede na ang lahat. Kahit walang kasiguraduhan ay puso ko na ang nagdikta. Kung kay Sir Zamora, iba ang naramdaman ko. Hindi ako sigurado sa kanyang nararamdaman para sa akin o mayroon ba talaga siyang nararamdaman sa akin?
Maging sarili ko ay aking pinipigilan.
Kay Sir Tamayo naman ay malaki ang pasasalamat ko sa pagligtas niya sa akin dahil sa ginawa sa akin ni Victor. Mabait din siya at marunong makisama. Maging mga kapatid ko ay nagustuhan siya. Ngunit hindi katulad ng naramdaman ko kay Sir Zamora ang naramdaman ko kay Sir Tamayo. Hindi ko binibigyang kahulugan ang mga pinakita ni Sir Tamayo. Malaki ang respeto ko sa kanya hindi lamang dahil sa head siya ng dean ng paaralan kung hindi dahil sa kanyang pinakita. At isa pa ay mataas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko rin inaasahan na kaibigan pala siya ni Sir Zamora. Hindi katulad ng unang pagkikita namin ni Sir Zamora na sa bar at hindi ko akalaing magiging professor ko pa.
Naguguluhan na ako.
Bakit ba ganito? Para akong magkakasakit sa napasok kong sitwasyon. Kahit hindi ko gustuhin ay kailangang harapin. Hindi ako handa sa ganito. At ngayon ay nakikita ko pang nagmamatigasan silang dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong kailan kong pumagitna sa kanilang dalawa.
"Wag na po kayong mag-away. Madadaan naman yam sa usapan. Sir Zamora, kailangan kong umuwi ng maaga. Tara na ho." ang nasabi ko na lang. Ayoko silang awatin dahil alam kong hindi ko naman kakayanin.
Lumingon sa akin si Jeremy at hinawakan ang kamay ko.
"Let's go."
Nagpaalam ako kay Sir Tamayo at ako ay humingi ng patawad. Pakiramdam ko kasi ay kailangan kong humingi ng tawad kaya ginawa ko.
Tahimik naman naming tinahak palabas ang mansion. Habang nasa biyahe ay nakaramdam ako ng pagbigat ng mata ko. Hanggang sa namalayan kong ginigising na lamang ako ni Jeremy ng nasa tapat na kami ng Holy Ground Bar.
"I don't mean to disturb your deep sleep but I need to. Saan ang daan mo pauwi?"
Napabalikwas ako. Kinusot ang mga mata at inayos ang sarili.
"Dito na lang ako, Sir. Kaya ko na po."
"No. I want to know. I want to see your family."
Nanlaki ang mata ko. Seriously? Shet.
"Nakakahiya po maliit lang bahay namin tapos..."
"Listen..." hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanyang mga magagandang mata na ngayon ay natatamaan ng sinag ng palubog na araw. Kumikinang itong parang diyamante at kita ko pa ang mga mahahaba at makapal na pilikmata. Hinalikan niya ang ibabaw ng aking kamay bago muling magsalita.
"You don't have to be shy. I don't care what it looks like or what kind of environment at anong klase ng tao ang mga nakapaligid sa'yo, in the near future I can take you away from there and live with me."
Nakatitig lamang ako sa kanya at kita ko sa kanya na maganda ang intenaton niya. Bahagya akong nahiya at kinilig dahil sa sinabi niya. Pakiramdma ko ay kung anong kumikiliti sa tiyan ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Living with him? I can't imagine sa ngayon pero parang ang sarap isipin kung ganoon man.
Walang lumabas sa aking bibig at tanging tango lamang ang aking naisagot. Hinalikan niya ako ng mabilis sa aking pisngi at sinabing ituro na sa kant ang daan pauwi sa 'min.
Itinuro ko naman at wala pang sampung minuto ay narating namin ang bahay namin.
Alam kong naninibago siya sa lugar. Kita ko iyon sa kanyang kilos at pagmamasid sa aming dinaraanan. Nahihiya ako kaya't humingi agad ako ng paumanhin sa kanyang nakikita at nadadaanan. Sinabi naman niyang okay lang. Baliwala naman sa kanya iyon.
Narating namin ang bahay at agad na bumungad sa akin si Akiro.
"Kuya!" at agad akong niyakap.
Pumantay ako sa laki ni Akiro at yumakap pabalik. Nakita ko namang maghahanda na ng hapunan si Alliro at Allina.
"Tama lang dating mo Kuya! Kakain na tayo." sabi ni Allina
Kumalas si Akiro sa aking yakap at napansin niya siguro ang kasama kong si Jeremy.
"Kuya, sino po siya?"
Lumingon ako at nakangiti si Jeremy kay Akiro. Muli ko na namang nasilayan ang kanyang ngiti.
"Nako. Di ka nagsabi na may bisita ka pala. Maghahanda pa ko ng isang plato." wika naman ni Alliro.
Tumayo ako at ipinakilala ko sa mga kapatid ko si Jeremy. Agad namang lumapit si Akiro kay Jeremy.
"Alam mo kuya, mas matangkad ito kay Kuya Gilbert at mas gwapo pa. Ang ganda ng mata niya oh. Parang silber po." komento ni Akiro."
Napatingim sa akin si Jeremy. Alam kong gusto niyang itnaong kung bakit kilala ni Gilbert kaya agad akong nagpaliwanag.
"Dumalaw kasi dito sa Sir Tamayo nung araw matapos yung insidenteng nangyari sa akin. Pero wala naman iyon. Concern lang siguro si Sir Tamayo."
Napatango si Jeremy at kinausap si Akiro. Nakita ko pangginulo bahagya ni Jeremy ang buhok ni Akiro at nagtanong ng nagtanong si Akiro sa kanya. Sa mata niya, kung bakit raw ganoon ang kulay at tangakad niya at marami pang iba. Madaldal talaga si Akiro. Nangingiti naman si Jeremy sa kapatid ko at sinasagot ang mga tanong niya.
Niyaya ko nng kumain si Jeremy sa bahay dahil nakapaghanda na naman ang mga kapatid ko. Bago pa man makatanggi ay sinabi kong hindi siya aalis hangga't di siya nakakakain.
Sinaluhan naman niya kami at nakipagkwentuhan. Hinanap niya ang mga magulang ko at naikwento ko sa kanya ang mga dahilan kung bakit wala sila dito. He felt sorry but I said he don't have too.
Natapos ang pagkain at ako ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Katulad ng gaan ng loob ng mga kapatid ko kay Sir Tamayo ay ganoon din ang kanilang ipinakita kay Sir Zamora. Akala ko ay maiilang ang mga kapatid ko sa kanya dahil sa bnag titig at kanyang mga mata. Magaan din ang loob niya sa mamga kapatid ko. 'Di ko akalaing gusto niya pala sa mga bata lalo na kay Akiro.
Natapos akong magligpit at nasa sala sila. Naupo pa si Akiro Sa hita ni Jeremy at sila Alliro at Allina ay nasa tabi niya habang may binabasang libro.
Wala sa sa sariling napangito ako at para bang pumasok aa imahinasyon ko ang kanilang pwesto ngayon bilang isang masayang pamilya at ponagmamasdan ko sila. Iyong tipo na naiisip kong pamilya naming dalawa ni Jeremy.
Ang sarap isipin at pangarapin. Pero imposible.
"Kuya! Tawag ka! Halika raw dito. Maganda yung kwento ni Kuya Jerry!" nagbalik ako sa wisyo sa boses ni Akiro. Napatingin ako sa kanila at nakangiti sa akin si Jeremy.
Sinaluhan ko na lang sila at inalis ko na lamang nang mga isipin ko. Minsan lang naman ito mangyayari.
Lumalim ang gabi at napagdesisyonan ng umuwi ni Jeremy. Hinatid ko siya palabas papunta sa nakaparada niyang kotse. Nakarating kami doon habang sinasabi niya kung gaano siya nagsaya kasama ang mga kapatid ko lalo na si Akiro.
"I enjoyed this night. I think it would be more fun kung lalabas tayo minsan kasama ang mga kapatid mo." sambit niya ng marating namin ang kanyang kotse.
"I think so. Pero..."
"Sshhh. Here you are again. Nahihiya. Kagustuhan ko naman iyon. You know, I'm planning to take another condo unit and so you, your sister and brothers will have a new environment and safe living. I mean, I'm not saying this is not a safe place but they deserved better."
Sino ba naman ang hindi mahihiya sa ganyang akto?
"Ikaw talaga. Saka ka na magplano. Okay naman kami dito."
"I made up my mind. Kapag nandiyan na naman wala ka ng magagawa."
Napailing naman ako. Ayoko ng makipagtalo pa. Hindi siya makikinig panigurado.
"O siya, sige na. Ingat ka sa daan."
"Thank you."
Kasabay ng pagpapaalam niya ay ang isang mabilos na halik sa aking labi.
"See you tomorrow. Don't be late in my class." sabi niya.
Oo nga pala, panibagong linggo na naman sa eskwelahan.
"Yes, Sir."
Sumakay siya sa kotse at di nagtagal ay tumakbo na na ito. Naiwan akong pinanonood ang kotse hanggang sa mawala ito.
Another day tomorrow. I wonder hanggang saan tatagal ang ganito. Bahala na.
----
Nagring ang aking selpon habang tinatahak ang daan papuntang eskwelahan. Malapit na ko. Maging ang mga papasok na mga estudyante ay nakakasabay ko na rin.
Si Hance. Natawag.
"Arsyn! Nasa'n ka na ngayon?"
"Ah. Eto ilang hakbang na lang nasa school na. Bakit?"
"Wag ka muna pumasok ngayon! Puntahan kita diyan! Bababa lang ako."
"Ha? Bakit? Kansel ba ang pasok ngayon?"
"Hindi naman! Basta mamaya ko ipaliwanag sa 'yo. Basta wag kang papasok!"
"Bakit ba? Ngayon mo na sabihin. Narito na ko sa may gate."
"Fvck!" yun lamang at binabaan ako ng phone ni Hance.
Napatanong na lamang ako sa sarili ko kung bakit ganoon siya umasta. Ano bang problema ngayon sa eskwelahan. Parang wala naman akong nakikita kaya pumasok pa rin ako.
Nang makapasok ay parang normal pa rin naman ngunit pagdating ko sa may hallway ay ramdma kong tinitignan na ako ng mga estudyante.
Ano bang nangyayari?
"Uy di ba siya yun?" rinig kong bulong ng iba.
"Ay siya pala iyon. Kapal ng apog niya para pumasok pa rin no." sabi ng isang babae.
Hindi ko maintindihan kung bakit. Nakatungo akong naglakad at sa aking paglalakad ay may nahulog ng isang typewriting. Pero hindi lang basta typewriting. Pinulot ko iyon.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Shet!
Bakit? Anong ibig sabihin nito? Sinong gagawa nito?
Paano?
---
,