Chapter 12

1564 Words
"Grabe no, ganito pala ang trabaho niya?" narinig ko pang sabi ng isang babae. "For sure, hindi na siya healthy. Alam ko yang bar na yan eh. Marami ding call boys don." wika naman ng isang bakla na sa tono ay kala mo nandidiri. "Oo nga. Ba't pa kaya nakapasok 'yan dito?" Napansin ko na lamang ang pagtulo ng aking luha sa papel na hawak ko. Papel na may litrato ko na nakauniporme na pang eskwela na hindi ko alam na may ganitong picture pala ako at kailan nakuhanan at katabi no'n ay litrato ko sa bar na may kasamang lalaki. Kung di ako nagkakamali ay ito yung unang pagsabak ko sa trabahong iyon dahil hindi pa ako kagaya ng kasamahan kong nagbibihis ng pambabae. Kumbaga ay testing. Hindi ko kilala yung lalaki dahil blurred ang mukha at mukha ko lang ang kitang-kita. "Sino kaya nagpakalat nito? Hindi na lang buhay niya pakialamanan." "Wala akong alam kung sino. Pagpasok ko may nagbigay na lang sa akin nito eh. Tapos mayron pang ibang litrato sa bulletin board." sabi ng isa pa. Nanlaki ang mata at hindi nag-atubiling puntahan ang kinaroroonan ng bulletin board. Sa pagkakaalala ko wala akong kaaway! Imposibleng may kaaway ako dahil hindi naman ako palaimik sa campus at hindi ako masyadong nakikipagkapwa tao. Pagkarating ko sa bulletin board ay bumungad sa akin ang kumpol na mga estudyante. Hinawi ko sila upang makita ko pa ang mga litrato. "Paraanin niyo ko! Ipakita niyo sa akin "yan!" aking sabi habang nagsusumiksik sa mga taong nakapulong. "Oy. Siya yun oh. Paraanin niyo!" sabi ng isang lalaki. At nagbulungan ang lahat. Nakalagpas ako sa mga estudyante at nakarating sa harap ng bulletin board. Napatakip ako ng bibig sa mga nakita ko! Seriously? Nakaprint ang mga pictures ko habang sumasayaw, habang may kausap na lalaki at mayroon pang kuha na mayroon akong kahalikan! Hinanap ko kung mayroon kuha ng kaming dalawa ni Sir Zamora pero buti ay wala. Kung magkataon man ay lalo akong mapapahiya. Hindi lamang ako pati na rin si Sir Zamora. Maraming litrato iyon. Agad kong pinagtatanggal ang mga nakadikit na pictures at pinunit iyon. Kasabay no'n ay ang pag-agos ng luha ko. "Arsyn!" boses yun ni Hance pero hindi ko siya pinansin. Kailangan kong tanggalin 'to! Sino ba kasi ang may gawa nito? Naramadaman kong pinipigilan ako ni Hance. Patuloy lamang ako sa pag-iyak at pagtatanggal ng mga litrato. "Hey, Arsyn. It's useless!" suway ni Hance. Hindi ko pa rin siya hinarap. "Walang magagawa yan Arsyn! Hindi lang yan ang pictures na nakakalat! Kahit sa'n ka magpunta dito sa loob ng campus may kopya sila at yang ga tinatanggal mo ay mayroon sa bawat floor ng campus! Bawat bulletin ng courses ng ay mayroon niyan. Napatigil ako sa sinabi niya. Ano bang kaibigan 'to? Hahayaan niya lang na makita ng mga estudyante at teachers ang mga litrato kong ito?" Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga saka siya hinarap. "Anong gusto mong gawin ko, Hance? Manahimik? Walang gawin at hayaang pagpiyestahan nila ang mga litrato ko? Kung ayaw mo akong tulungan at pababayaan mo lang ako, huwag mo na akong pigilan! Pangalan at reputasyon ko ang nakasalalay dito!" angil ko sa kanya at nagpatulog magpunit ng mga litrato. "Hindi sa ganun! Tutulungan kita pero..." "Pero ano? Hayaan ko munang makita nila? Hayaan ko munang makarinig ng mga kung anu-ano at pagtsimisan ako sa buong campus? Siguro ikaw ang may gawa nito?" "What? Bestfriend kita! Why would I do that?" "Kaysa magngangawa ka at pigilan mo ko, tumulong ka na lang! Wala akong balak makinig kung ano man ang balak mo! Gusto ko matanggal ang mga 'to dito!" Hindi na siya nagsalita at tinulungan ako. Naririnig kong nagbubulungan ang mga estudyante sa likuran namin at patuloy ko lang silang binabaliwala. Masakit man ngunit ang nasa isip ko ngayon ay kung bakit mayroong ganito? Sino ang may pakana nito? So, kung ganoon may nagmamasid na sa akin at stalker? Kung ano man ang nagawa ko sa kanya, gusto kong humingi ng patawad tigilan niya 'to. Hindi ko talaga alam na may atraso na pala ako! Natapos kaming magtanggal sa bulletin ng 1st floor. Susunod namin nag ibang bulletin ng bigla naming nakita si Rafie. May dala-dala itong mga papel at yung iba ay yung mga litratong kagaya ng tinanggal namin ni Hance. "I already did my part. Ayokong nahihirapan mga bestfriends ko." Tinanggal na niya yung mga nasa itaas at nagkalat na pictures. Napangiti ako. "Oh! Ano pang tinutunga-tunganga niyo d'yan ha? Umalis kayo dito kung ayaw niyong tampalin ko kayo isa-isa ng mga pictures na 'to! Mag aral kayo! Di magtsimis!" sabi niya habang nagtuturo sa mga estudyanteng nanood sa amin. Naglakad siya palapit sa amin. "Let's go. It's too exhausting here." ---- "So wala ka talagang ideya kung sino ang maaring gumawa nito sa 'yo?" tanong ni Rafie. Umiling ako. "Wala. Kilala niyo ko. At isa pa, naiisip ko kung si Victor hindi naman niya magagawa ito. Alam kong hindi siya mag-aaksaya ng ganito para paghigantihan ako." sagot ko naman. "Isipin mo Arsyn. May nakaaway ka ba?" Narito kami ngayon sa isang coffee shop. Napagdesisyonan naming huwag muna pumasok dahil sa nangyari. "I swear! Wala. Pati isa pa never akong nakipag-away at kung mayroon man malalaman niyo 'yon. Wala akong itinatago sa inyo at alam niyo 'yon." sabi ko at napasapo sa aking noo. Ano bang nagawa ko sa taong nagpakalat nito? Pwede naman niya akong kausapin at harapin. Hindi sa ganitong paraan. "I am sure, masusundan pa ito. Kung kaya niyang sundan ka simula ng una, kaya pa rin niya hanggang ngayon. I think malaki ang kasalanan mo kung mayroon kang nagawa sa taong ito, Arsyn. Hindi tayo nakakasigurado na titigil niya ito hangga't hindi ka biya nasisira." ani Hance. Kahit saan kong sulok hanapin ang sagot, wala akong makukuha. Maaring malapit lang sa akin ang gumagawa nito. Malakas ko nag kutob kong may dapat akong hindi pagkatiwalaan. Sa eskwelahan man o sa aking mga katrabaho. "Tama ka, Hance. Iyan din ang aking naiisip. Kailangan kong maging maingat at maging mapagmasid. I should never trust anyone from now on." sabi ko. "Yeah, right. Narito lang kami. Tutulungan ka namin, Arsyn." ani Rafie. "Oo, Arsyn. Hindi lang basta-basta ang pagsampal ko sa taong nagpakalat nito. Sisiguraduhin kong mahihimatay." banta ni Hance. "Okay lang ano ba kayo. Kung ano man ang problema sa akin ng taong yan, maari niya akong lapitan at kausapin. Mukhang malaki nga ang kasalanan kong hindi ko malaman kung mayroon ba dahil nag-aksaya siya ng oras at lakas para ganito. To humiliate me at ipahiya at ibulgar ang buhay ko sa labas. Shet! Ano bang nagawa ko? Sa pagkakaalam ko, mabait naman ako? At isa pa... never akong nakipag-away. Pero kailangan matigil to." I said angrily habang patago kong kinukuyom ang aking kanang kamay. "Kalma. We are here to help you Arsyn. Kahit magkasuguran pa. Handa ako." ani Rafie. "That's right. Pero saan tayo magsisimula para malaman kung sino ang puno't dulo nito?" tanong ni Hance. Oo nga. Di ko rin alam kung saan kami magsisimula? "Alam ko na." sabi ko at biglang napatayo sa kinauupuan ko. --- "Sigurado po ba kayo? Wala pong pumunta dito kahapon?" pangungulit kong tanong sa guard. "Wala nga. Ako rin ang bantay kahapon dito hanggang ala-sais ng gabi. Sinisigurado kong walang pumunta rito dahil Linggo kahapon at walang pasok." sabi sa akin ng guard. Eto lang naisip kong paraan. Dahil kung ilalagay ng taong iyon ang mga pictures, kailangan niya munang pumasok dito. Kinulit ko na rin ang gwardiya sa back gate ng school at wala rin daw ritong pumunta. Sabi pa ay hindi sila nagpapadaan doon ng kung sinu-sino lamang. Pwera na lang kung kasabwat niya ang taong nagpakalat nito. "Tara na Arsyn. Mukhang totoo naman ang sinasabi ni Manong guard eh." suway sa akin ni Hance. "Kaninang madaling araw o kahit mga 5am wala bang pumasok mg maaga?" "Wala bata. Alam mo naman siguro ang patakaran ng eskwelahan. 6 A.M. ang bukas nito." I sighed in defeat. "Sige po. Salamat." Umalis kami sa guard house at naglakad palabas ng eskwelahan. Shet! Kainis. Para akong mababaliw sa kakaisip. "Malalaman din natin 'yon, Arsyn. Tiwala lang. Inabot na tayo ng hapon sa kakaisip kanina ng possible way para maikalat ang mga pictures mo. Matalino siguro ang gumawa nito. At kung ganoon man, baka isa sa mga malapit sa 'yo ang gumawa nito." sabi ni Rafie. Napatingin ako sa kanya. "What? I mean, it is possible. Yung mga pictures is almost months or years pa nakuhanan. At maaaring matagal na niyang balak lahat ng ito Arsyn. Don't you get my point? Maybe, someone is betraying you. Baka nasa paligid mo lang siya." Tama siya. Maaaring ganoon na nga... I can't trust no one from now. "Rafie has a point. Maaaring kaibigan mo, relatives mo or kaklase natin di ba? Di natin masasabi." dagdag ni Hance. "Y-yeah. Tama kayo. Sa ngayon kailangan niyo akong tulungan. Maasahan ko ba kayo?" "Of course!" "Naman!" Sabay nilang sabi. Napangiti ako at niyakap ko sila. Nagpasalamat ako at nagdesisyong umuwi... On my way home, habang nagpalakad ay nakatanggap ako ng message mula kay Sir Zamora. "I've heard what happened. Where are you?" Magrereply sana ako ng bumangga ako sa isang tao. Napatingala ako sa tangkad niya. "Sir Tamayo?" "Nalaman ko ang nangyari kanina. Can I talk to you?" ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD