Chapter 13

1217 Words
I ignored Sir Zamora's message. Pinili kong sumama kay Sir Tamayo. Kutob ko na baka may alam siya sa nangyari. Sana nga ay mayroon. Sana... At saka, kailangan ko rin talaga ng kausap. Napunta kami sa isang restaurant. He insisted naman kaya sumama ako. "I don't know where to start, but I know hindi ka okay. But do you have speculations who did this to you and why." tanong ni Sir Tamayo. Umiling ako. "Wala po. I mean, hindi ko alam. Wala akong natatandaang may nakaaway ako o may stalker na pala ako. Hindi ko rin alam ang iisipin ko ngayon. Hindi pa siya tapos panigurado at..." napatigil ako ng sumagi sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Sir Zamora. Ayaw ko mang isipin ngunit posible na may nakakita sa amin. Kung nagawa niyang sundan at litratuhan lahat ng ginawa ko, maari rin ipakalat ng taong iyon ang nangyari sa amin ni Sir Zamora kung mayroon man. "At?" "Wala. What I'm pointing out is, all I know is that I've been good. Sigurado akong wala akong natapakan o nasaktang tao para gawin sa 'kin ang nakakahiyang bagay na ito. Hindi ko alam kung mayroon pa akong mukhang ihaharap." Napahilamos ako ng mukha. Ayokong umiyak. Nababaliw akong mag-isip at naiinis ako sa sarili ko. "I know something..." Napatitig ako sa kanya... "...someone." Umayos ako ng upo at matamang tumingin sa kanya. "A-alam mo kung sinong nagpakulo nito?" tanong ko sa mahinang boses pero alam ko sapat lang 'yon para marinig niya. "I can't assure you. All I can say is you have to be careful." "Sino? Sabihin mo sa 'kin!" medyo tumaas ng kaunti ang aking boses. Lumalabas na ang eagerness kong malaman. "I don't know if you're gonna believe in me because this person has been in your life the whole time. And if I'm not mistaken, he is your bestfriend for years." sabi niya at nakipagtitigan sa akin. Bestfriend? Si Rafie? Si Hance? Sila ang matagal ko ng kaibigan. I don't think na magagawa nila sa akin ito! "Are you sure, Sir? Pero bakit? Wait... kilala ko sila at hindi nila ma...." "Calm down. I'm not forcing you to believe in me Arsyn. Gonna watch out from now on. I mean, careful and trust nobody. Enemies are not always wearing one face, Arsyn. And just because they are smiling at you, they are true. Sometimes, they laughing at your back." Napaisip ako do'n. "Walang magagawa yan Arsyn! Hindi lang yan ang pictures na nakakalat! Kahit sa'n ka magpunta dito sa loob ng campus may kopya sila at yang mga tinatanggal mo ay mayroon sa bawat floor ng campus! Bawat bulletin ng courses ng ay mayroon niyan." - Hance Imposibleng si Hance. I don't remember something na nagawa kong kasalanan sa kanya. And if there is, just minor cases. I always ended up saying sorry. "Maybe, someone is betraying you. Baka nasa paligid mo lang siya." - Rafie Si Rafie? He's been so cheerful. Suporta lagi siya sa akin. At parang kapatid na ang turingan namin. Kaming tatlo. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Tama naman anf sinabi ni Sir Tamayo. Pero... "Sino? Si Rafie? Si Hance? O inaakusahan mo lang sila?" "Hey. Calm down, Arsyn. I told you, I'm not forcing you to believe me. Just an advice, trust nobody from now on. You can't tell who is true and not." "Even you?" A moment of silence aired between us. Sakto namang nagserved ng pagkain ang waiter at naging dahilan upang hindi na makasagot si Sir Tamayo. Ialang sandali pa ay humugot ng lakas ng loob si Sir Tamayo para magsalita. "It's up to you." pagbasag niya sa katahimikan namin. "You said it. Trust. Nobody." "Yeah. But whatever it takes, you can reach out to me. I can help you." ---- Natapos kaming kumain at hinatid niya ako. Pero napansin kong may pamilyar na kotse na nakaparada malapit sa amin. Jeremy. Agad akong bumaba ng kotse ni Sir Tamayo at nakita kong bumaba rin si Jeremy ng kanyang sasakyan. "Where have you been?" bungad niya ng makita niya ako. "I'm trying to call you pero nakapatay ata cellphone mo." sunod niya pang wika. "I'm sorry. Dead battery ako. Ano palang ginagawa mo dito?" pero ang totoo. Pinatay ko talaga ang cellphone ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay nakatanggap ako ng isang mahigpit na yakap mula sa kanya. "I just wanna hug you. I'm sorry, wala ako kanina dahil sa nangyari. I feel so bad about what happened. Are you okay, baby?" malambing ang boses niya. Iyong tipong concern na concern. I feel so safe in his arms. I can hear his heart beating. It's relaxing. Tumango ako at napayakap na rin. Naramdaman ko namang hinalik-halikan niya ang ulo ko. Patting my back like telling everything's gonna be alright. "We will find the person behind this. I promise, I will help you. If we caught that person, I will make him pay for it." Hindi na ako nagsalita pa. I know he mean every words he say. I feel it. Ramdam kong gusto niyang humiwalay sa yakap kaya kumalas din ako. He's looking at Sir Tamayo, furiously. "I'm not going to argue with you right now, Jeremy. Kinausap ko lang si Arsyn." "Tama siya. Pati tutulungan niya rin akong hanapin ang gumawa nito sakin. Mayroon siyang pinopoint out kung sino pero wala siyang ebidensiya. I can't agree with him sa ngayon, pero alam ko matutulungan niya tayo." tumingin sa akin si Jeremy. Eye to eye contact para maassure ko sa kanyang walang intensyong masama ang kaibigan niya. "Okay. I'll listen to you. Besides, I know he will never betray me." "Thank you. Alam niyo. Gusto ko muna magahinga pati gabi na. Masyado nang nakakapagod sa akin ang araw na ito. Umuwi na kayo. Okay na naman ako." sabi ko. "Let's call it a day. I should go now." Paalam ni Sir Tamayo. Nagpaalam din kami at tuluyan ng umalis si Sir Tamayo. Hindi na rin naman nagtagal si Jeremy at pagkatapos ng kaunting pag-uusap ay nagdesisyong umuwi na rin. Nang makapasok ako sa bahay ay patulog na ang mga kapatid ko. Binigyan ko sila ng goodnight kiss sa kanilang mga noo at pinatulog na sila. I spend my night thinking of what happened. Naiiyak ako. Bakit parang lagi na lang sa akin ang kamalasan? Hindi ba nila ko tatantanan. Gusto ko lang ng normal na buhay! Masama ba ako? Maraming naglalaro sa isipan ko. Maraming posibilidad at lamang iyon kaysa sa mga imposibleng naiisip ko. Binalikan ko lahat ng pwede kong balikan sa aking memorya pero bukod kay Victor na wala na ngayon dito ay wala na. Imposible namang gawin niya pa iyon sa akin dahil kasalanan naman niya 'yon. Kung pag-aaway namin ni Hance o Rafie, wala akong maalalang nagkaroon kami ng malaking alitan. Si Bevery na nagpasok sa akin sa Bar ay hindi rin siya. Imposible 'yon dahil mabait siya sa akin. Kung ang mga kasamahan ko naman sa bar, ewan ko. Hindi ko alam. Nakakabaliw ng mag-isip. Nagpagulong-gulong na ako sa aking higaan kakaisip hanggang sa nakatulog na lamang ako. Bahala na. Malalaman ko rin iyon, di man bukas alam kong may oras din ang taong nagpakalat ng mga litrato. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya. Hindi ko siya mapapatawad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD