Sabay na kaming nagpunta sa pool area dahil nandoon ang barkada. Nakita ko na din yung kambal na naglalabas ng mga pagkain kaya mabilis akong pumunta sa kusina para tumulong sa kanila na magdala ng pagkain sa pool area. Si Eidrian naman ay tumabi na kay Siege.
Pagdating ko sa kusina inabutan ko si Dex na nagbubukas ng mga alak na imimix nya, sa barkada namin sya talaga ang magaling sa pagmimix mix ng mga ganitong inumin, niloloko nga naming sya palagi na magtrabaho nalang kaya sa bar pagka graduate namin.
“Oh master nagmi-mix ka na pala need help?” bati ko sa kanya bago ako kumuha ng tubig para uminom.
Bwiset kasing Eidrian nay an -.-
“No. kaya ko na dito ikaw kaya mo pa ba?” sagot nya naman sakin habang patuloy pa din na nagmimix ng ng alak.
Na pa tingin naman ako sa kanya dahil hindi ko naman naintindihan yung sinabi nya, minsan ang g**o din talagang kausap nitong si Dex eh.
“Ano?” tanong ko sa kanya.
He just smirked and then handed me a pitcher.
“Let’s head outside Cali,” nailing na sagot nya sa akin.
Hindi ko naman sya masyadong na gets kaya sumunod nalang din ako sa kanya.
Pagdating namin sa pool may mga ilan pang babae ang nadagdag bukod kanila Ellaine at Shannelle hindi na ako nagulat dahil pagtalaga yung kambal ang taya sa party asahan mo nana maraming babae. Unlike Siege na laging puro inom at arcade games lang ang ginagawa namin.
Sa totoo lang sa mga barkada ko? Si Siege lang ang matino. Dex, Eidrian, Yago and Yexel they are all and when I said all? I mean all! They are all manwhore!
At gaya ng sabi ko ayan, kanya kanya na sila ng katabi.
Including the man who just kissed me earlier.
Eidrian.
He is busy whispering things to Keyla’s ears who is now laughing irritatingly.
Dumiretso na si Dex sa table at ibinaba ang mga dala nya kaya ganun nalang din ang ginawa ko. Hinanap ng mga mata ko kaagad si Siege dahil sigurado ako na sya lang ang hindi busy sa babae ngayon.
At luckily, tama naman ako. He’s on the farthest part of the pol playing a Rubi cubes.
“Hindi kaba maliligo?” tanong ko kay Siege pag upo ko sa tabi nya.
He just shrugged and then continued playing with his toy.
Tumabi naman ako sa kanya at saka inabot ang isang baso ng punch.
He gladly accepted it and then stopped playing for a while.
“Ikaw hindi ka ba maliligo?” tanong din sa akin ni Siege.
“shempre maliligo ako ah, pero inom muna haha.” Natatawa kong sagot sa kanya.
“Inom eh sa pulutan ka malakas,” natatawa naman din na sagot nya sa akin.
Na pa tingin naman kami pareho dahil biglang nagsigawan sa gawi nila Yexel.
Naglalaro na pala sila.
Naka tapat ang bote kay Eidrian and kabila naman ay kay Aisla.
“Kiss kiss kiss!!!” sigaw nila.
I couldn’t help but feel a little sting in my heart. Alam ko naman kung ano kami talaga ni Eidrian, kung hanggang saan lang kami. At kung ano lang ang parte ko sa buhay nya.
Pigil ang hininga na pinanuod ko habang dahan dahan na naglapat ang mga labi nila.
Gustohin ko man na wag silang tignan o ipikit yung mga mata ko hindi ko magawa siguro masokista na ata ako.
“Matunaw yan,” sab isa akin ni Siege at saka ako kinurot.
Sa totoo lang bukod kay Eidrian kay Siege ako pinaka malapit dahil para syang kapatid sa akin. Pero kahit pa gaano sya kalapit sa akin hindi ko pa din sinasabi yung sikreto naming ni Eidrian sa kanya dahil gaya ng sabi ko yung sikreto namin na iyon e baka babaunin na naming pareho hanggang sa mamatay kaming dalawa.
Hindi ko din alam kung hanggang kailan, hindi ko din alam kung bakit hinahayaan ko si Eidrian. Pero kasi ganon ata kapag mahal mo yung tao, magpapakatanga at magpapakatanga ka talaga.
Alam ko din naman kasi sa sarili ko na hindi ako yung tipo ng babae na magugustohan nya, kaya kung ano man yung meron kami bukod sa pagkakaibigan? I am certain that, that is just pure l**t.
“Sino ba si Aisla? Hindi ko type yun no. Baka ikaw type mo yon,” masungit naman na sagot ko kay Siege.
Natawa naman sya sa sinagot ko sa kanya.
“Silly, you know I wasn’t referring to her.” Seryoso nyang sagot sa akin.
“Alam mo Calixsha kung merong award na best in indenial ikaw na ikaw na ang panalo don walang kaduda duda,” naka ngisi na sabi nya sa akin.
Dahan dahan syang pumunta sa pool at saka hinila ako.
“Ahhh!” sigaw ko dahil sa lamig ng tubig.
“hahaha!” tawa naman ni Siege.
Hawak hawak nya pa ako sa balikat dahil ang lalim pala sa part nato hindi abot ng paa ko ang ilalim. Hindi pa naman ako marunong lumangoy, yun talaga ang weakness ko dahil na din siguro natrauma ako sa nangyari nung bata pa ako.
Hindi naman ako takot mag swimming, basta lang din hind isa lubog ako. Kasi nagpapanic ako pag ganun.
“Kumapit kang mabuti Cali, bahala ka malalim to.” Biro pa nya sa akin.
Kumapit naman din akong mabuti kahit pa alam ko naman na hindi ako bibitawan ni Siege.
Nagulat pa kaming dalawa nung biglang nasa likuran na naming dalawa si Eidrian.
Salubong ang mga kilay at galit nan aka tingin ito sa samin.
“Why the f**k would you pull her in the pool Siege alam mong malalim dito sa parte na to gusto mo bang mag panic attack nanaman si Cali?” naiinis na sabi ni Eidrian kay Siege.
Inabot nya pa ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya.
Na pa kapit naman ako kay Siege kasi baka mamaya bigla akong mabitawan ni Eidrian, nako takot ko nalang na malunod hano.
“Halika na Cali, ilalangoy kita doon sa mababaw na parte.” Sabi nya sa akin.
Agad naman akong umiling.
“H-hindi na Eidrian natatakot ako eh baka mamaya mabitawan mo paako mas malapit kami ni Siege sa gilid idadala nya naman na din ako sa gilid di ba Siege?” baling ko naman kay Siege.
Agad naman ding tumango si Siege.
“Ako na ang bahala sa bestfriend mo A enjoy yourselves, alam mo naman to si Cali hindi masyadong komportable sa mga babae nyo. Sabi nya din naman sakin gusto nya maligo kaya eto hinila ko na,” natatawa pang sabi ni Siege kay Eidrian.
“No. I will take Cali out of the pool. Take my hand Cali,” utos ni Eidrian sa akin.
Pero kahit pa gusto kong hawakan ang kamay nya at sumunod sa kanya, ayoko din talagang bumitaw kay Siege. Natatakot ako nab aka bitawan ako ni Eidrian o baka mapabayaan nya ako. Natatakot akong malunod.
Hindi ko alam kung kelan pa ako nakaramdam ng ganito, alam kong hindi nya naman din ako pababayaan pero mas safe ang pakiramdam ko ngayon kay Siege.
Hindi ko din maipaliwanag kung bakit ayokong sumunod sa kanya.
“Sabi ko naman kasi sayo A bumalik ka na don, di ko naman pababayaan to si Calixsha wag kang magalala. Ilalangoy ko na din sya sa mababaw na parte. Bumalik kana doon.” Parangmatanda na sabini Siege sa kanya.
Tinignan pa ako ni Eidrian bago naglangoy pabalik sa mababaw na part at umahon.
“Bat di ka sumama sa bestfriend mo?” tanong sa akin ni Siege habang dahan dahan din kaming lumalangoy.
Masyadong malakas ang tunog ng kanta kaya halos magbulungan na kami ditong dalawa.
Siguro good thing na din na medyo, mabagal ang paglangoy ni Siege kasi ayoko din naman na maki laro laro sa kanila.
Tinignan ko pa ulit si Eidrian na nakikipaglaro sa kambal at kanila Dex kasama sila Shanelle.
“Natatakot ako eh baka bitawan nya ko,” natatawang sabi ko naman kay Siege.
Natawa naman din sya sa isinagot ko.
“Kelan ka pa nawalan ng tiwala sa best friend mo aber?” tanong nya sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi nya.
“Hindi ako nawalan ng tiwala, natatakot lang ako.” Double-meaning kong sagot sa kanya.
Natawa naman din sya.
“Natatakot ka saan?” seryosong tanong sa akin ni Siegfried.
Huminga ako ng malalim bago sumagot sa kanya, nagisip pa nga muna ako bago sumagot eh. Nahagip pa ng mata ko ang tingin ni Eidrian sa amin.
He coldly stared at us.
“Natatakot ako malunod malamang,” sagot ko naman kay Siege para tapusin ang usapan.
Ano ba talaga Eidrian?