Dumiretso ang barkada namin sa bahay nila Yago at Yexel.
I don’t know if I have mentioned it already na kambal sina Yexel at Yago, but yeah kambal sila.
“Cali ask your driver to get your car, sakin ka na sumabay.” Sabi ni Eidrian sa akin noong paalis kami ng Barj.
Tumango naman ako sa kanya at saka mabilis na nagtipa ng message para itext si Mang Tomas.
“Tara na Ei,” tawag ko kay Eidrian dahil nasa tabi sya ng poste habang naninigarilyo pa.
Inis na inis akong lumapit sa kanya at saka hinampas ang kamay nya na may sigarilyo.
“Heyyy! Ano ba baka mapaso ka!” galit na saway nya sa akin.
Tinignan ko naman sya ng masama.
“Akala ko ba sayo ko sasabay bat naninigarilyo ka alam na alam mo naman na ayaw ko sa amoy ng sigarilyo,” naiinis na sabi ko sa kanya.
Mabilis kong kinuha ang backpack ko sa tabi nya at tinalikuran sya.
“Woah woah! Oh saan ka pupunta?” pigil sa akin ni Eidrian habang hawak hawak ang bag ko dahilan para di ako makalayo kaagad sa kanya.
“Ayokong makisabay sayo ang baho ng amoy mo. You stink.” Inis na sabi ko sa kanya.
Hindi nya pa din binitawan yung bag ko nan aka sukbit na sakin. Itinapon nya yung sigarilyo nya at saka tumingin sakin.
“Ayan itinapon ko na tara na. Pag tayo nanaman ang nahuli ako nanaman ang magiging taya sa inuman.” Masungit din na sabi nya sakin.
Natanaw ko naman sa di kalayuan ang sasakyan ni Siegfried hindi pa sya umaandar kaya mabilis ko syang kinawayan.
“Kay Siege nalang ako sasabay,” sabi ko kay Eidrian at saka mabilis na hinaltak ang bag ko.
Wala naman syang nagawa kung hindi ngumuso lang habang matulin akong tumakbo papunta kay Siegfried.
Pagsakay na pagsakay ko sa sasakyan ni Siegfried napakamot kaagad sya ng ulo nya.
“Ayan na naman kayong dalawa idadamay nyo na naman ako sa away nyo nako ako Calixsha nananahimik ah,” sabi nya kaagad sa akin.
Hay nakooo!
“Ah edi ayaw mo ko makisabay sayo? Sige kay Dex nalang ako makikisabay o kaya magmamaneho nalang ako.” Masungit na sabi ko sa kanya.
Bubuksan ko n asana yung pinto pero ini-autolock nya naman kaya di ko na nagawa.
“Eto naman hindi na mabiro tara gusto mo pa ata magrambulan nanaman si Dex at si Eidrian alam na alam mo naman na ayaw ng best friend mong sumasabay ka kay Dex dahil sa nangyari dati. Tara na wag kana maginarte dyan tomboy,” pang aasar naman ni Siege sa akin at saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
Mabili kong hinablot ang hotdog pillow nya sa likod ng sasakyan at saka sya hinampas sa mukha.
“Aray! Cali ano ba! Pag tayo nabangga!” saway nya sa akin.
Tumigil naman din ako kaagad dahil alam kong baka nga naman mabangga kami.
“Napaka bwiset mo!” galit na sabi ko sa kanya.
Ganyang yang mga walangya nay an palagi akong inaasar na tomboy pero kung itrato naman ako para kong babae na nangnangailangan lagi ng magbabantay. Mga ugok eh di mo malaman kung ano ba talaga eh.
Nag-away noon sina Eidrian at Dex dahil iniwanan ako ni Dex sa mall -_-.
Magkasama kami noong dalawa dahil may activity sa school na nagrerequire ng survey sa mall kaya ayon eh kaming dalawa ni Dex angf magkapartner.
Sa kasamaang palad may nakita syang babae na sobrang type nya, kaya ayon iniwanan ako ng hudas.
Naalala nya lang ako nung pagbalik nya sa tambayan namin eh hinanap nila ako sa kanya, nun nya lang naalala na kasama nya nga pala ako.
Para akong ewan na naghihintay sa kanya sa starbucks non pala wala na ang walangya.
Nagaway sila noon ni Eidrian dahil nga sa pagkakaiwan nya sa akin.
Kaya talagang magmula non hindi na nila ako hinahayaan na sumama kay Dexter.
Pagdating namin sa bahay nila Yago naabutan namin si Eidrian na naka sandal sa sasakyan nya.
He smiled lightly ng matanaw ang sasakyan ni Siege na papasok.
Binusinahan sya ng Siege at saka naman tumango si Eidrian sa kanya.
Nauna na akong bumaba kay Siege dahil malayo pa lang ata tanaw ko na yung kunot ng noo ng bestfriend ko. Mahirap pa naman tong magtampo akala mo bata na hirap na hirap kang suyuin.
“Tara na sa loob,” sabi ko agad kay Eidrian pagbaba na pagbaba ko ng sasakyan.
Kunot pa din ang noo nya pero mabilis naman syang sumunod sa akin.
Pagpasok namin naabutan pa namin sina Ellaine at Shannel sa sala na nagreretouch.
Na pa tingin naman ako kay kay Eidrian.
“Bakit andito sila?” tanong ko sa kanya.
Masungit naman syang tumingin sa akin.
“Baka dahil girlfriend sila nung kambal?” sarcastic na sagot nya naman sa akin.
Na pa irap nalang ako sa kanya.
“Oh eh bat kasungit mo edi wow.” Masungit din na sabi ko sa kanya.
Mabilis akong naglakad at amba na lalagpasan sya pero mabilis nya akong hinatak at saka inakay papunta sa kusina.
“Huy ano ba! Bitawan mo nga ako ikaw sobra ka na ha di na nakakatuwa yang pagiging moody mo Eidrian. You are so damn annoying!” naiinis na sabi ko sa kanya.
Eidrian looked directly into my eyes.
“I am annoying now huh?” preskong sabi nya sa akin.
Pagdating naming dalawa sa kusina mayroong mga maids na naghahanda ng meryenda para sa amin kaya hinaltak nya ulit ako palabas roon.
Next thing I know, nasa likuran na kami malapit sa mini lagoon.
He sat down the bench and then irritatingly looked at me.
“Ano ba kase ang problema mo? Bat ganyan yang pagmumukha mo?” tanong ko sa kanya dahil sure naman ako na may kinainisan sya kaya sya ganito.
Hindi naman din kasi basta magagalit to ng walang dahilan kaya lang kasi naiirita ako kapag gumaganyan sya una hindi naman nya ako kinausap kung ano ba talaga yung ginawa ko para magkaganyan sya o kung may ginawa ba ako talaga.
He seldom acts like this. May problema siguro sya sa pamilya nila kaya ganito.
Or baka din mababa ang grades?
Ewan ko, I don’t know mahirap talagang hulaan tong lalaking to.
“I thought we agreed?” tanong nya sa akin.
Agad naman na kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
“Anong we agreed? Agreed on what?” tanong ko sa kanya.
I really didn’t follow through kaya tinanong ko sya.
And there he gave me that super annoyed look again.
“You certainly know what I am referring to Calixsha,” masungit na sabi nya sa akin.
Kunot ang noo pa din akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko nga sya maintindihan.
“You surely don’t know it? Are you sure?” tanong nya sa akin.
Eidrian suddenly pulled me towards him.
Muntik na akong ma pa upo sa kandungan nya mabuti nalang talaga at naka hawak ako sa balikat nya dahilan para hindi ako tuluyan na mapa upo sa kanya.
“I am going to ask you again Calixsha, hindi mo ba alam kung bakit ako nagkakaganito?” seryoso at madilim ang tingin na tanong nya sa akin.
I gulped three times as I look into his eyes.
“Damn it, hindi ko nga alam Eidrian. Bitiwan mo na nga ako, at baka may maka kita pa sa atin ditong dalawa kung ano pa ang isipin sating dalawa.” Naiinis na sabi ko sa kanya.
He smirked at me.
“Ano naman? Ano ba ang pwede nilang isipin?” naka ngisi na sabi nya sa akin.
Hinampas ko naman sya sa braso.
“Nako ako tigilan mo Eidrian ha, hindi ka na nakakatuwa. Wag dito.” Galit na sabi ko sa kanya.
His facial expression changed, from his fierce and playful face into something I cannot describe.
His brown eyes were like talking to me.
He held my cheeks and then gentle sealed our lips together. I couldn’t help but close my eyes and just let the moment take the best of me.
Whenever Eidrian is kissing me, it always felt like this.
Para akong inililipad sa ulap, o inaalon sa dagat. Which I enjoy so much.
I also feel this little tingling feeling in my stomach.
“hmmm,” I moaned.
I couldn’t help but let a sound.
Eidrian’s hand started travelling from my back towards my breast.
Oh gosh.
Not now.
I gently slapped myself in the inside.
Ano ba Calixsha! Not now! Not here!
I slowly pushed Eidrian away, parehas kaming naghahabol ng hininga pagkatapos noon.
“Stop,” pakiusap ko sa kanya.
Mapupungay ang mga mata naka tingin sya sa akin.
“More,” pakiusap nya naman sa akin.
Mabilis akong tumayo mula sa kandungan nya.
“No, Eidrian stop.” Naiinis na sabi ko sa kanya.
He pouted like a child.
“Pwede ba Eidrian? Umayos ka nga!” masungit na sabi ko sa kanya at saka ako nagmartsa palayo sa kanya.
This is us.
This is our dirty little secret.
Ito yung tipo ng sikreto na baka baunin naming mag kaibigan hanggang sa hukay naming pareho.
No one knows about this, about us.
Not even our friends.
Not even Emmette, Eidrian’s almost twin brother.
Yeah almost kasi magkahawig sila pero nauna si Emmette na ipanganak sa kanya. I think a year lang ata ang pagitan nilang dalawa.
Emmette and Eidrian are very close to each other, pero Emmette decided to study abroad while Eidrian stayed here.
“How bout’ later?” pangungulit nya pa din sa akin.
Lumingon ako sa kanya at saka itinaas ang middle finger ko.
Agad naman syang tumawa.
I know that this is hard to understand.
Ang hirap intindihin kasi hindi angkop sa sitwasyon namin.
But yeah, Eidrian and I we are best friends.
And
Well ang hirap iexplain..
Mabilis na tumakbo si Eidrian palapit sa akin at saka umakbay sa akin.
“Sabay na tayong bumalik don, pikon talaga to.” He said.
I bet he is wickedly smiling right now.
Argh!
Gusto kong pagalitan ang sarili ko pero wala naman akong magawa.
Ganun ata talaga.
Mahal ko e.
Mahal ko nga kasi.
Hindi nga lang ako mahal.