After a week of resting in our house I can finally go out! Oo isang linggo akong nakulong dito sa bahay dahil sa aksidente nong nakaraan sa motocross kahit pa hindi naman ganoon kalala yung naging epekto sakin nung aksidente pinagalitan pa din ako ni Dad at pinilit nya akong magpagaling ng one week.
Kaya eto ako parang ibon na nakalaya sa hawla pagkatapos ng isang linggo kong pagkaka-kulong.
I immediately dialed Eidrian’s phone. After some rings he picked-up the call already.
“Hey, saan kayo?” tanong sa kanya sa kabilang linya.
“Andito kami sa barj, lumalaban si Yago. Umay si gago nadadalawahan na. Aabot ka pa ba?” tanong niya sa akin.
Barj is our usual hang-out place, semi-restaurant semi-leisure place, may bilyaran, meron ding sugalan and basket ball court meron ding mga dancing machine. It was like tom’s world but the difference is they have foods and sa 2nd floor meron pang kareoke room na kadalasan naming nirerent hindi para magvideoke kung hindi para maglaro.
We have our costumized gaming room at Barj pinsan kasi ni Dex yung may-ari kaya suki kami.
“Aabot ako syempre, sino ba susunod na lalaro?” tanong ko ulit sa kanya.
“Si Siegfried yung kasunod pag umabot ka ikaw ang ka-duo pag hindi ako nalang muna ang sa-sub sayo.” Sagot nya sa akin.
Naririnig ko na din yung mga hiyawan ng mga tao don sa barj mukang maganda yung laban ngayon. Ang alam ko kasi taga Xavier High yung kalaban nila ngayon.
Pagka-baba ko ng tawag mabilis kong pinaandar yung kotse ko at saka ako nag-drive papunta sa Barj.
Pagdating ko sa Barj nakita kong marami nang naka-parada na kotse sa parking mukang Xavier High nga ang kalaban namin ngayon, ang gaganda ng mga sasakyan na nakaparada dito e.
Pagpasok ko ng Barj nginitian agad ako ni Jasmin at saka nakipag-apir.
“Na-miss kita ah! Welcome!” masayang bati nya sa akin at saka itinuro yung table nila Eidrian.
“Na-miss din kita. Pa-kiss nga!” tumatawa kong biro sa kanya.
“Okay, girl!” sakay naman nya sa biro ko.
Sa school namin napapagkamalan na girlfriend ko tong si Jasmin, natatawa nalang nga sya pagnaririnig nya, tinanong ko naman sya nung minsan kung nao-offend ba sya kapag nakaka-rinig sya ng ganon pero sabi nya sakin na hindi kasi daw mas pusong babae pa daw ako sa kanya kahit pa style lalaki ako.
If I remember it correctly, one time nong sumama sya sa amin na makipag-inuman sinabi nya na bisexual daw sya, kaya siguro okay nga lang sa kanya.
But Jasmin is really pretty, ang alam ko nga dati syang ex ni Yago pero sabi ni Yexel saken eight years old pa lang daw sila non kaya natawa nalang ako.
Itinuro nya sakin yung table nila Eidrian at nakita ko na nag-uusap usap na sila, probably asking each other kung sino ang susunod na lalaban. Kadalasn kasi ay inihuhuli namin si Eidrian kapag ganito saming anim kasi sya ang pinaka-magaling magbilyar kumbaga ba sya yung taga save ng grupo kapag alanganin na.
“Ayan na pala si Cali!” masayang sabi ni Yexel nung nakita ako.
Para silang nabunutan ng tinik sa lalamunan nung nakita nila na palapit ako, yung kaninang stress nilang mukha masaya na ngayon.
Umapir ako sa kanila isa-sa.
“Akala ko di ka makaka-abot alanganin tayo Cal,” sabi ni Siegfried sa akin at saka ako inabutan ng isang tako.
Agad ko namang kinuha yung tako at saka sya tinanguan.
“Oo araw ng kalayaan ko nga dude hahaha!” masayang biro ko naman sa kanya.
“Pano ako na ba ang kapartner mo?” tanong ko kay Siegfried.
Tumingin kami kanila Eidrian at saka sila masayang tumango. Malaki siguro ang pusta ng mga loko nato mga pinagpapawisan he.
“Si Cali at si Siegfried ang susunod na lalaro samin pre,” sabi ni Yago sa kalaban namin.
Tama nga ako mga taga-Xavier High nga ang katapat nila ngayon, hindi kami madalas na nakikipag-laban sa mga taga Xavier High dahil minsan na kaming napa-away sa isa sa mga estudyante nila.
Isa pala sa kalaban namin yung anak ni Governor Franco Angeles.
Tinignan nya ako na parang tinatanong ako kung bakit nandoon ako.
“Hindi ako nakikipag-laban sa tomboy,” nakangising sabi ni Anton ang anak ni Governor Franco Angeles.
Napa-irap nalang ako ng wala sa oras sa sinabi. At saka ko ibinaba yung hawak kong tako.
Lumapit ako sa kanya at saka ko sya tinignan ng masama.
“Kung hindi ka nakikipaglaban sa tomboy ayos lang,” naka-ngisi kong sabi sa kanya.
“Kasi hindi din naman ako nakikipag-laban sa bakla.” Rebat ko at saka ko sya tinalikuran.
“Wooh!” sigawan naman ng mga tao na nunuod sa amin.
Nung tinignan ko ulit si Franco nakita ko na namumula sya sa inis na para syang lobo na malapit ng sumabog. Imbis na matakot sa kanya nginisihan ko pa sya.
“Sino ka ba sa akala mong tomboy ka?” tanong sakin ni Anton at saka hinigit yung braso ko.
Sobrang higpit at sakit nung hawak nya sa braso ko pero hindi ko ipinakita na nasasaktan ako. Hihigitin ko sana ulit yung braso ko sa kanya nung biglang lumapit samin si Eidrian at saka sapilitang tinanggal yung kamay nya sa braso ko.
“Sino nagsabi sayong pwede mong hawakan si Calixsha?” mahinahon pero nakakatakot na tanong sa kanya ni Eidrian.
Kahit ako kinilabutan sa salita nya.
Nabitawan ni Anton yung braso ko at saka tumingin sa mga kasama nya na parang nagbibigay ng signal sa mga to para kumilos pero bago pa sila makalapit parepareho, nauna nang lumapit sa amin yung mga kaibigan namin.
Dumating din si Barj para siguro umawat.
“Mga boss, pasensya na ha pero hindi namin pinapayagan dito yung eskandalo.”
Sabi ni Barj sa aming lahat na nagsilbing warning samin parepareho para tumigil.
“Mali ka ng binangga tomboy.” Naka-ngising banta sakin ulit ni Anton.
Lalapit pa sana sya nung biglang humarang si Eidrian sa harap ko.
“Mali talaga ng binangga si Calixsha kasi baby ka pa pala, pinatulan kana. Umuwi kana sa inyo bunso. Mag-sumbong ka nalang sa Papa mo.” Pang-aasar pa sa kanya ni Eidrian.
Asar na asar na sunod sunod na nagsilabas ang mga taga Xavier High.
Napa-hinga naman ako ng lihim kasi kalalaya ko lang makukulong nanaman ako sa bahay kung nagkataon na nagkarambulan.
“Ikaw naman kase pikon ka, sinabihan ka lang ng tomboy rumebat ka kaagad.” Sabi sakin ni Yago na syang nagpatawa sa aming lahat.
Si Eidrian naman ay seryoso at tahimik lang na naka-tingin sa akin.
I just looked at him and mouthed my thank you.