Chapter Two

1124 Words
I was lazily lying down on the couche here at our pool area when I heard familiar voices. At hindi nga ako nagkamali tumatakbo pa sila palapit sa akin. “Cali!” sabay-sabay nilang sigaw habang akala mo mga bata na naka-kita ng nagtitinda ng icecream. “Cali, how are you feeling? Ayos ka naba wala na bang masakit? Hindi na kami nakadalaw kasi ayaw kaming payagan ng bestfriend mo.” Naka-labing reklamo ni Dex at saka umupo sa katabi ng bench ko. “Bakit naman hindi kayo pinayagan? Nasan sila Yago?” tanong kay Dex kasi panigurado magkakasama silang lahat. So in our barkada we basically have six members ako, si Eidrian, Dexter, Yago, Yexel and lastly si Siegfried. “Nasa kitchen sila nag-aasikaso sila ng pagkain may dala kaming steak and chicken and your favorite provens,” “Eidrian even bought an icecream for you,” he said while giving that looks again. Here he comes again... “Ayan ka nanaman Dex, when will you ever get over that idea of yours. Sabi na nga sayo na magkaibigan lang kame ang kulit ng lahi mo.” I told him and got myself some chips. He just laughed at me. “Yeah yeah, keep convincing yourself.” He said and decided to swim. “Alam mo ikaw Dexter tantanan mo na yan ha, baka mamaya asarin mo nanaman ako tapos andyan si Eidrian baka akala non talaga gusto ko sya. Magtigil tigil ka ha, basta kami magbestfriend kami yun na yon.” I said to him. Dex just smiled at me and gave me a shrug. Asar na asar na binato ko sya ng tinapay na hawak ko. Tinawanan nya lang ako at saka nya ko pilit na sinasabuyan ng tubig na galing sa pool. Gumaganti naman ako ng balibag ng tinapay sa kanya para tantanan nya ako. Tawa kami ng tawa ni Dex sa mga kalokohan namin natigil kami bigla pareho nung narinig namin yung malakas na sigaw ni Eidrian. “Calilxsha! Ano sa tingin mo iyang ginagawa mo ha?! Isa ka pa!” galit na galit na sigaw nya sa aming dalawa ni Dexter habang dinuduro nya si Dexter, natawa nalang ako sa itsura nya. Muka syang tatay na manghuhuli ng anak. Kasunod nya sina Yexel at Yago na parehas may dalang mga pagkain. Mabilis na kinuha ni Eidrian yung towel sa gilid ng coach na inuupuan ko kanina at ibinalot saken. “Magbihis ka na muna Calixsha at baka hindi kita matantya.” Masungit na sabi nya sa akin at saka nya binalibag sa mukha ko yung hawak nyang towel. Inabot ko naman yun agad at saka ako tumayo at tumakbo. Nakakatuwa talaga yung mga kaibigan ko, yung ibang mga tao kanya-kanya ng conclusion kung bakit sila ang mga kaibigan ko. Yung iba iniisip na nagpapa-charming lang daw ako at hindi daw ako aabot ngn 20 years old mabubuntis ako ng isa sa mga kaibigan ko. Yung iba naman ang iniisip tomboy ako. Yung iba naman iniisip na kaya daw ako sa kanila nakipag-kaibigan kasi sinusoportahan ng pamilya nila yung kampanya ng daddy ko. Natatawa na nga lang kami pare-pareho kapag nakakarinig kami ng ganon kasi alam naman namin yung totoo. Kaya ako nasama sa barkada nila dahil kay Eidrian, si Eidrian talaga ang kaibigan ko lang dati nung una nga nag-aalangan pa akong sumama sa barkada nila pero dahil hindi naman sila mahirap pakisamahan kaya naging kaclose ko din silang lahat. Pagbalik ko sa pool area nakita ko na nagsisimula na silang mag-grill ng pagkain namin. “Hoy!” gulat ko kay Eidrian na naka-kunot ang noo habang naglalaro sa cellphone nya. Imbis na sagutin nya ako tinalikuran nya ako at saka nagpatuloy sa paglalaro. “Hoy! Parang tanga to,” sabi ko at saka pinabayaan ko sya. Imbis ng kulitin ko sya lumapit ako kay Yago na ngayon ay nag-iihaw ng porkchop. Nakitulong tulong ako sa kanya na magpaypay. “Hoy, ano problema non?” tanong ko kay Yago habang tinuturo si Eidrian na naka kunot ang noo habang naglalaro. Sina Yexel naman nasa swimming at umiinom. “Ewan ko ba dyan kanina pa naka busangot. May atraso ka nanaman siguro.” Sabi ni Yago sakin habang nagpapahid ng oil sa mga porkchop. “Wala ah,” tanggi ko naman at saka ako pumiraso sa porkchop na niluluto nya. Mabilis naman ni Yagong tinampal yung kamay ko at saka ako tinignan ng masama. Natawa nalang ako at napagdesisyonan na kausapin na si Eidrian kung ano ba ang problema nya sa buhay. “Dude,” sabi ko kay Eidrian. Imbis na sagutin ako tinalikuran nya lang ako ulit na parang ayaw nyang makita ako. “Hoy ano ba problema mo parang tanga to!” sabi ko sa kanya at saka ko kinuha yung cellphone nya. “Ano ba?! Napaka-epal!” singhal nya saken at saka ako sinamaan ng tingin. “Bakit ba kase nagagalit nanaman yang kilay mo? Ano ba problema mo?” tanong ko sa kanya. “Eh bakit kasi nakikipag-basaan ka na ha? Hindi mo ba alam na kalalabas mo lang ng ospital? Parang tanga lang.” Sagot nya saken at saka hinablot ulit yung cellphone nya. Re-rebat pa sana ako sa sinabi ni Eidrian sakin nung biglang sumigaw yung apat na tukmol. “Uy, LQ!” sigaw nila. Sinamaan ko sila ng tingin na tinawanan lang nila. “Magsitahimik kayo kung ayaw ninyong malunod diyan!” sigaw namin ni Eidrian sa kanila ng sabay. Tawa lang sila ng tawa at saka pinagpatuloy yung inuman nila. Ako naman tinabihan ko tong nagtatampurorot na kaibigan ko. Hindi naman to aayos kung hindi ko to kakausapin ng maayos at kung hindi mo sya susuyuin. Palibhasa spoiled sa mommy at daddy nya. “Dude ano ba kase problema mo?” tanong ko sa kanya ng seryoso. Ibinaba nya yung cellphone na hawak nya at saka nya din ako tinignan ng seryoso. “Sino di maiirita sayo? Di na nga nag-iingat sa buhay mo ngayon naman gusto mo pa atang magkaron ng sakit. Gusto mo talagang ibalik ka ni Tito sa homeschooling?!” iritang sagot nya sakin. Ahh, okay! Now I get it. “Kinausap ka siguro ni daddy?” tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot sakin at saka kinuha ulit yung cellphone nya. “Kinausap ka ni daddy hano? Nako wag mong intindihin yon. Alam mo naman na tinatakot ka lang non.” That is what makes Eidrian mad everytime my dad would tell him na ihohome schooling ako ulit. Natawa nalang ako sa kanya at saka ko sya tinabihan. Pagtingin nya naman sakin hindi na galit yung itsura nya at medyo nakangiti na din sya saken. “Party?” tanong ko sa kanya at saka sya tuluyang ngumiti.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD