Chapter 22

1584 Words
Pigil ko ang hininga ko habang naglalakad kami ni Siege papunta sa hall kung saan ginaganap ngayon ang charity ball. Malayo pa kami ay naririnig na naming ang mga tawanan at tugtugan. “You okay?” nag aalalang tanong sa akin ni Siege. Medyo nagaalangan kasi ako pero huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. “Oo ayos lang, tara na.” naka ngiti kong sabi sa kanya. Agad naman kaming naglakad dalawa papasok. Pagdating naming yung ingay sa paligid parang nawala. Lahat ng mga mata ay naka tutok lang sa amin. Lahat sila ay naka tingin sa amin ni Siege na parang naka kita sila ng multo. Tinignan ako ni Siege at nginitian, dahan dahan nyang iniikot sa beywang ko yung braso nya at unti unti akong iginiya sa paglakad papunta sa isang table. Ganon nalang ang gulat ko ng Makita kong silang lahat pala eh naka tingin din sa akin. As usual Dex, Yago, Yexel, Eidrian and Lili were on our table. “I told you guys! I told you! Sabi ko naman sa inyo na dadating si Cali eh at ano kayo ngayon ha? What can you say about our Cali girl!!!” masayang masayang sabi ni Lili sa kanila. Niyakap nya pa ako at binesohan. “God! You are stunning Calixsha!” masayang masayang sabi nya sa akin. Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. “Nako wag mo akong binobola Lili at hindi naman ako madaling mapagpaniwala hano.” Natatawang sabi ko sa kanya. Tinuro naman nya yung apat na hanggang ngayon eh naka titig pa din sa akin. “Come on! Look at them! Drooling over you! Nako ha mga unggoy kayo baka naman taluhin nyo pa si Cali nako ewan ko talaga sa inyo!” pagalit ni Lili sa kanila na syang nagpatawa sa aming lahat. “Grabe Cali akala ko talaga dude tboom ka! Bakla ka na ngayon?!” mapang asar na sabi sa akin ni Yexel. Hay nako sabi ko na nga ba. Imposibleng imposible na walang magsasabi sakin ng ganon sa mga mokong nato nako e kilalang kilala ko ang hilatsya ng mga bituka nitong mga to eh. “Hay nako Yexel manahimik ka kung maka asta ka dyan kala mo di tumulo laway mo kanina kay Cali!” masungit na sabi ni Lili sa kanya. Si Siege naman ay iniligay ang coat nya sa balikat ko. Sabay sabay kaming lahat na na pa tingin sa kanya. “What?” tanong nya sa aming lahat at saka nagkibit balikat. Pero sa totoo lang kahit papano natuwa ako na makonting takip ang katawan ko. Ang hirap din talaga kapag hindi sanay sa mga ganitong damit. Talagang maninibago ka. “Hoy Siegfried ako dapat ang susundo kay Cali ah?!” galit na sabi ni Dex sa kanya na syang nagpatawa naman din sa akin. Umiling iling lang si Siege sa kanya at hindi pa din sya pinansin. Na pa tingin naman ako kay Eidrian na ngayon eh naka titig din sa akin nginitian ko sya. Tinitigan nya muna ako bago tumango. Haaay sabi na nga bah aha. Okay lang din hindi ko naman to ginawa para sa kanya sinubukan ko lang din talaga kung pwede ba akong maging babae ng lubos kahit isang araw lang. “Ang ganda ganda ni Cali hano babe?!”masayang masayang sabi ni Lili kay Eidrian. Babe? B a b e ? Na pa tingin naman ako kay Eidrian na ngayon eh naka tingin din sa akin bago sumagot. “Hmm oo bagay naman sa kanya,” maikling sagot nya lang at saka ngumiti kay Lili. Eh? Wala manlang ka support support hanep nay an parang hindi kaibigan. “Anong bagay lang? bagay na bagay kaya! I compliment mo naman yung bestfriend mo babe! Alam mo bang ang tagal tagal ko kinulit yang si Cali ma pa payag ko lang!” naka ngiti pa ding sabi ni Lili sa kanya. Eidrian smiled at her. “Ikaw talaga pinilit pilit mo pa si Cali, hindi naman yan mahilig sa mga ganito baka mamaya hindi naman sya magenjoy saying lang yung effort mo babe,” sagot naman ni Eidrian sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang tinusok tusok ng maraming maliliit na karayom ang puso ko nung marinig ko yung sinabi nya. “Hindi naman masasayang ang effort ni Lili, kasi okay naman ako nag eenjoy naman ako.” Plastic na ngiting sabi ko naman kay Eidrian. May sasabihin pa sana si Eidrian nung biglang lumapit sa amin si Aika. “Gooosh Lily! That was awesome! Sabi na nga ba may pasabog tonight si Eidrian! I am happy that you guys are now official!” masayang sabi ni Aika kay Lili at saka bumeso dito. Ah so that explains the babe. “I really had no idea! Napaka galing gumawa ng surprise nitong boyfriend kong to! Thanks Aiks!” sagot nya kay Aika. Na pa tingin naman ako kay Eidrian, surpriseee? Oh shts. Na pa tingin ako kay Siege pero nagkibit balikat lang sya sa akin. Mabilis ko namang hinagilap ang cellphone ko. “By the way Cali, I want you to know hindi ko kasi sure kung alam mob a or what pero yeees! Eidrian asked me earlier if I can be his girlfriend and obviously I said yes!” masayang masayang sabi ni Lili sa akin. Na pa tingin naman ako kay Eidrian at ngumiti sa kanya pero hindi manlang sya ngumiti or kumibo manlang sa akin. “Babe why don’t we get you something to eat? Lets go? Malapit ng magsimula ang auction,” sabi ni Eidrian kay LIli. Agad naman ding umuoo si Lili kaya umalis na silang dalawa para kumuha ng pagkain. Tahimik akong naka yuko habang nagbabasa ng mga texts at calls sa phone ko. “It’s okay Cali,” sabi sa akin ni Yago. Nagaalangan naman na napa tingin ako sa kanya. “I know you are feeling guilty dahil pakiramdam mo may atraso ka kay Eidrian dahil hindi mo sya nasamahan o natulungan para sa surprise proposal nya kay Lili but its okay. Paminsan okay lang na unahin mo yung sarili mo,” sabi sa akin ni Yago dahil kaming dalawa lang ang naiwanan sa lamesa. Sumunod din kasi sila Dex, Yexel at Siege kay Lili at kay Eidrian. Naiiyak nan a patingin ako sa kanya. “Oh no, oh fck Cali! No! no! no! wag kang iiyak,” sabi nya sa akin. Mabilis syang tumabi sa akin at saka niyakap ako. Hindi ko alam kung bakit kahit pa ayaw ko eh kusa nalang na tumulo ang mga luha ko sa totoo nga lang parang naguna unahan pa sila sa paglabas. Inaantay ko na mabasa ang pisngi ko pero maagap palang pinupunasan ni Yago yung bawat patak ng luha ko. Dahan dahan kong kinalma ang sarili ko bago tumingin sa kanya. “Salamat Yago,” nahihiyang sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin. “You are always welcome Cali, you know Yex and I always treated you like our little sister right?” sabi nya sa akin. Tumango naman ako sa kanya kasi alam kong totoo ang sinasabi nya. Napak suwerte ko talaga sa mga kaibigan ko. “Siguro naninibago lang si A, dahil kanina ka pa nya tinatawagan. Kilala mo naman yang bestfriend mo gusto nyan sa lahat ng importanteng bagay at pangyayari sa buhay nya eh nandon ka. Kaya siguro ganun nalang din ang disappointment nya nung wala ka kanina. But nevertheless maayos naman yung naging proposal nya, saka ang mahalaga naman sinagot sya ni Lili di ba?” naka ngiti na sabi pa ni Yago habang sinusubukan na pagaanin ang kalooban ko. Kaya naman pala masama ang loob nya sa akin. Hanep hahaha. Natatawa nalang ako. Ako ba na tuwa manlang ba sya sa akin nung nakita nya na nagbago ang itsura ko? Hindi manlang ba sya masaya para sa akin? Bakit parang ang hirap nyang maging masaya para sakin samantalang ako kahit na nasasaktan nya na ako nakukuha ko pa ding maging masaya para sa kanya. Na pa buntong hininga nalang ako at ngumiti kay Yago sakto naman nan aka balik na din sila. “ Your food madame,” biro nya pa sa akin pagkababa nya ng plato na may pagkain. Pagtingin ko sa plato ko pasta at salad lang ang laman noon. Na pa ngiti naman akpo. “I knew you hate meats,” sabi sa akin ni Siege sabay wink. Natawa naman ako sa kanya at hinampas sya. “Bat ba may pa ganyan ganyan ka pa hanep na to!” sabi ko sa kanya habang tumatawa. Na pa tili naman si Lili sa kabilang part ng table habang naka tingin sa amin. “OMG! You guys are sooo cute!!! Bagay kayo!” masayang masayang sabi nya habang nagnining ning ang mga matang naka tingin sa amin ni Siege. “Hinde!” sabay sabay namang sagot nung apat. Na pa tingin naman kami nila Lili at Siege sa kanila. “Ahemm.” Sabi ni Yexel. “Bata pa si Cali!” sabi naman ni Yago. Huh? Eh magkakaedad lang kami halos? Ahead lang ata sila sa akin ng ilang buwan??? “Saka hindi pa ready si Cali sa mga ganyan ganyan!” sabi naman ni Dex na salubong ang kilay ngayon. “Walang tatalo sa amin kay Cali,” walang emosyon na sabi naman ni Eidrian. Huh? Sure ka talaga Eidrian? Walang tatalo sa akin? Na pa smirk nalang ako sa kanya. Coming from him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD