Chapter 21

1636 Words
Pumunta na kami muna ni Siege sa bahay dahil kanina tinext ko sya na sa kanya nalang ako sasabay papunta sa hotel. Akala ko ngna eh hindi sya pumayag kasi hindi naman nagreply tong mokong nato sakin kanina kaya medyo nagulat din ako nung nakita ko sya kanina dahil di ko naman ineexpect na isasabay nya talaga ako. “Sorry ha, na-hassle ka ba? Hehehe nakalimutan ko kasing dalhin yung locket ko,” nahihiyang sabi ko kay Siege. Umiling lang sya sa akin habang derecho pa din sya sa pagmamaneho. “Kumain ka na ba?” tanong ko pa ulit sa kanya. “Yes.” Maikling tugon nya sa akin. Na pa buntong hininga naman ako. Marunong din naman akong makaramdam kapag hindi ako gustong kausapin, hindi ko pinilipit. Tumango tango nalang ako sa kanya at saka tumingin nalang din sa daan. Sinilip ko pa sya ng isang beses, napansin ko na bagong gupit din pala ang Lolo Siegfried nyo. Bagay nya paala ang ganitongn style na clean cut. “Bagay mo ang gupit mo,” na sabi ko sa kanya out of nowhere dahil ewan ko ba naman saken.. Na paa lingon pa sya ng bahagya sa akin at saka umangat ang gilid ng labi. “Are you hitting on me Cali?” natatawang sabi nya sa akin. Agad namang nang laki ang mga mata ko sa sinabi nya. “Ang oa mo ah! Sinabihan ka lang ng bagay sayo aang bago mong gupit hitting on you na? seryoso ka?!!” sagot ko naman sa kanya. Tawa naman sya ng tawa. Abnoy din talaga tong lalaking to eh hay nako. “I thought you were hitting on me cause you never appreciate my looks,” kibit balikat nyang sagot sa akin. Eh sa true lang may punto din naman talaga sya. Hindi ko na aappreciate yung itsura nila except kay Eidrian dahil siguro palagi ko naman silang nakikita at nakakasama.. Sa kanilang lima si Siege yung tipo na seryoso, kaya yung mga babae na ang gusto eh mr. good boy at serious type si Siege ang tinatarget. Yun namang kambal pag dinamitan mo yung poste at saka mo nilagyan ng wig babae na sa paningin nila yon, mas madalas pa ata silang magpalit ng girlfriend kesa mag palit ng briefs nila. Lol. Si Dex naman hindi masyadong pasaway sa babae pero mabilis din syang magka gusto lalo na sa mga mapuputi at saka chinita. Si Eidrian naman yung tipong badboy, mahilig sya sa mga babaeng committed na okaya naman yung mga babae na natitipuhan na ng iba. Sya din yung tipo ng boyfriend na kaya kang ipaglaban sa lahat. Kaya nga lang kung gaano ka nya kabilis ipaglalaban ganun ka din nya kabilis na pwedeng iwanan. After Selene? Mas lalo syang lumala. Kaya din siguro kahit papano masaya ako na dumating si Lili kasi alam ko na kahit kailan naman eh hindi nya ako makikita katulad ng pagtingin nya kay Lili. Sobrangn tagal na din nung huling beses ko syang nakitang ganito ka saya kaya kahitt masakit masaya pa din ako para sa kanya. Hindi ko nga alam na pwede pala yung ganon na pakiramdam yung ang sakitt sakit at umiiyak na yung puso mo pero nakaka ngiti ka pa din ng walang halong pait. Masakit pero walang halong pait. “What are you thinking about? Nagdadalawang isip ka na ba sa pagpunta sa charity ball?” nag-aalalang tanong sa akin ni Siege. Agad naman akong nagisip kung talaga bang gusto o ayaw kong pumunta. Katulad ng palagi nyang ginagawa, inihinto ni Siege ang sasakyan sa gilid ng daan at saka tumingin s akin. “Ayaw mo bang pumunta? Bakit ba kasi nagpapilit ka sa pangungulit ni Lili eh sanay ka naman na humindi?” tanong nya sa akin. Kahit ako man eh hindi ko nga din alam kung bakit ba na uto uto ako ni Lili. Siguro dahil din ayoko syang malungkot pag tinanggihan ko sya dahil in a way kaibigan na din ang tingin ko sa kanya. “Malulungkot kasi sya kapag humindi ako,” tipid na sagot ko sa kanya. Na pa simangot naman sya sa sinagot ko. “Eh ano naman kung malungkot sya? Pano ka eh hindi ka naman sanay sa mga ganito. Hindi ka sanay sa ganyan,” sabi nyaa sa akin sabay turo sa damit na suot ko. Na pa tingin naman ako ulit sa sarili ko at wala sa sarili na inayos ko ang damit ko. “See?” naiinis na sabi nya sa akin. Malungkot naman akong na pa tingin sa kanya. Sabi ko nan ga ba binobola lang nila akong lahat kanina. Haaay baka namalikmata lang din siguro ako. “Sige ihatid mo nalang ako sa mansion at umalis ka na, magpapahinga nalang ako.” Sagot ko sa kanya at saka tumingin na sa bintana. Sabi ko na nga ba na kahit anong gawin ko may mga bagay lang din talaga na hindi ko pwedeng ipilit lalo na yung bagay na alam kong hindi para sakin. SIguro masasabi ko nalang na sinubukan ko lang kahit minsaan hehe di ba? Hindi pa din pinaandar ni Siege yung sasakyan kaya na pa tingin ako sa kanya. Ganon nalang ang gulat ko nung paglingon ko sa kanya eh naka tingin pa din sya sa akin. “Bakit? Tara na ihatid mo na ako para makapunta ka na don sa ball baka mahuli ka sa auction nyan.” Sagot ko sa kanya. Mahilig kasi sa mga antiques at painting tong si Siege isa yung panngongolekta nya ng mga ganong bagay na nakakkatuwaan nya. Sabi nya sakin nung minsaan investment daw nya yun ewan ko lang kung investment pa din ba nya yun ngayon or naka giliwan nya na. “You seemed more like a girl now Cali, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nagging kaibigan mo si Lili o hindi. Bilis mong magtampo ha, haha ano ba iniisip mo? Gusto ko lang naman maka sigurado na gusto mo talagang pumunta at hindi ka napilitan. I am just concerned about you Calixsha what’s so bad about it? Parang kinawawa naman kita jan,” angil nya sa akin. Na pa taas naman ako ng kilay sa kanya. “Hmm o iniisip mo na sa palagay ko hindi bagay syo lahat ng ginawa nyo?” naka ngiti naa tanong nya sa aakin. Agad na nag init ang mga pisngi ko sa sinabi nya. Ay nako talagang mind reader taalaga to, sa sobrang pagka genius ata neto eh marunong na ding magbasa ng isip ng ibang tao. “Hindi ko nabasa aang isip mo Calixsha,” sabi nya sa akin. Agad naman nang laki ang mata ko kasi yun nay un nga ang nasa isip ko! “If you were thinking that I don’t like the way you look right now then you are wrong. I just don’t want you to feel uncomfortable. Ayokong mahirapan kang kumilos and specially I don’t want you to feel insecure about yourself.” Dagdag nya pa. Na pa ngiti naman ako sa sinabi nya. Sa totoo lang kaya hindi siguro ako masyadong na hirapan na magadjust sa sitwasyon ko ay dahil inaalalayan ako ni Siegfried. He knows that I needed help and luckily he was kind enough to help me. Ngumiti ako sa kanya. “Honestly I feel awkward.” Naka ngiti na sagot ko sa kanya. Alanganin man eh nagsimula na din akong magkwento ng nararamdaman ko, ayos lang naman dahil sanay namang makinig sa akin si Siege. “Hindi ako sanay sa ganitong mga damit, at sa mataas na sapatos na to.” Sabi ko saba turo sa heels na ipinasuot sa akin ni Lili. “Pero kahit na ganoon, pakiramdam ko kahit papano pwede din pala akong mginng katulad nila,” naka ngiti kong sabi sa kanya. Sa totoo lang gusto ko ding maging katulad ng ibang babae o ni Lili. " You are nothing like them Cali, you are special just the way you are hindi mo kailangang maging katulad nila because we like you for who you are." seryosong sagot naman sa akin ni Siege na syang nagpangiti sa akin. "So kung ganoon mas gusto mo ung mukhang lalaking ako? dahil ba mas bagay saken yon?" taas ang kilay na tanong ko sa kanya. He laughed a bit before he answered. "You may have wear baggy clothes and losse shirts Cali but you never looked like a man. You have always been beautiful in your own special way. hHindi mo lang tinitignan at hindi mo inaappreciate. And no you are wrong. I actually like your look right now, but I will like.you more if you are confident and comfortable whith how you look and carry yourself because that is what matters." naka ngiti na sagot nya sa akin. Malalim.na tao talagang tong kaibigan kong to. Tumango nalang ako sa kanya at saka ngumiti. Dumiretso na din kami papunta sa bahay. Nung pagbaba ko ng sasakyan nagulat pa ang mga.kqsambahay namin sa itsura ko kqhit sila eh tuwang tuwa nung nakita ako so I think bumagay din talaga sa akin ung itsura ko. Hindi ko na pinababa si Siegfried dahil.aalis din naman kami kaagad. "Tara na," sabi ko kaagad sa kanya pagkasakay at pagkasakay ko ng sasakyan nya. Tumingin naman sya sa akin. "Where's your locket?" nagtatakang tanong nya sa akin. "eh eto, mamaya ko nalang ikakabit at tara na mahuhuli ka na sa auction," sabi ko kay Siege. Umiling naman sya sa akin at saka kinuha ang locket sa kamay.ko. Dahan dahan syang lumapit sa akin at saka hinawi ang buhok ko. Parang kinilabutan pa nga ako sa hawak nya. "There you go," naka ngiti na sabi ni Siege habang naka tingin at naka ngiti sa akin. Hayyy salamat po Lord biniggan nyo po ako ng kaibibang Siegfried. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD