Paglabas ko ng room lahat sila naka tahimik at naka tingin lang sa akin.
Alanganin ko pang inayos ang suot kong dress dahil sa hindi nga ako sanay magsuot ng ganito ka fit at kasexyng damit. Para tuloy akong alien sa sarili kong katawan.
Naka tingin ako sa kanila at iniintay silang magsalita, pero naka tingin lang din naman sila sa akin. Ay nako.
“Huy? Okay lang ba ang itsura ko? Ayos lang ba? O magbibihis nalang ako?” tanong ko sa kanila.
Masaya namang umiling si Lili sa akin at saka minwestra kay Ms. Janine na iikot ang salamin sa tabi nya.
“Are you ready Ms. Cali?” tanong pa sa akin ni Janine.
Ngiting ngiti naman si Lili na masayang masayang naka tingin sa akin.
Iniikot nila ang salamin sa mismong tapat ko.
Na pa pikit ako ng ilang ulit habang tinitignan ko ang sarili kong reflection sa salamin.
Ako ba talaga ito?
“Sobrang ganda mo Cali!” masayang masayang sabi ni Lili sa akin at saka ako niyakap.
Hindi pa din ako makapaniwala sa sarili ko na ako yung nasa salamin ngayon.
“Ako bay an?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.
Nagtawanan pa sila bago sila tuango.
“Oo Cali, ikaw talaga yan wala ng iba. Grabe napaka ganda mo pala! Ano ba ang ginawa mo at ikinubli mo ang ganitong ganda?! Naku panigurado masshookt ang pagkatao ng mga kaibigan mo pag nakita ka. Hahaha I can only imagine their faces specially Dex! Isampal mo sa mukha nya yang taking mo Cali bear! At ng matauhan ang hung hang na yon na lagging nagsasabi sayong tboom ka!” natatawang sabi pa ni Lili.
Na pa iling nalang ako sa kanya at natawa din.
Hindi pa din ako makapaniwala na ako yung taong nakita ko sa salamin.
Parang hindi talaga ako, ang ganda ganda nya. Malayong malayo sa Calixsha na ako. Pero gusto koi to, gusto ko din pala yung ganito na may nakaka kita sa akin at nakaka appreciate sa akin sa kung ano ako.
Manghang mangha na sinipat ko ang mukha ko, ang noon ay maputla kong mukha ngayon ay medyo nagkakulay na, medyo mapulang labi at mga pisngi na bumagay sa balat ko. Mahaba kong buhok na palaging naka pony ay ngayon naka laylay at naka kulot.
Hindi ako magtataka kung madaming tao ang magdadalawang isip o magdadalawang tingin sa akin kapag nakita nila ako dahil sa totoo lang kahit naman ako sa sarili ko parang hindi ako makapaniwala na ako pala to.
“Hahaha, eh baka nga kamo lalo akong bwisitin ng mga yon at ang sabihin naman sakin ngayon eh bakla na ako at hindi tomboy.” Natatawa kong sagot kay Lili.
“Nako Ms. Cali maniwala po kayo walang magsasabing kabaro naming kayo sa ganda nyong yan, pwede ka nga magmodel miss sa totoo lang pati ang ganda pa ng katawan mo, slim na slim!” sabi naman sa akin ni Miss Lyka.
Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko sa mga papuri nila.
“Nako eh kung araw araw nyong mamagic-kin ang mukha ko pwede po siguro pero kung hindi eh daig ko pa si Cinderella na hanggang 12 mid night lang ang ganda hehehe, kaya lang naman po ako nag mukhang ganito eh dahil sa tulong nyong lahat. Salamat po,” sabi ko sa glam team nan a assign sa akin.
Ilang minuto lang ang lumipas nag gayak na din kami ng mga gamit at mga dadalhin na ilang go to make ups para sa charity ball. Biglang nagring ang door bell, sabay naman kaming mga na pa tingin sa gawi ng pinto.
“Omg that’s A for sure!” excited na sabi ni Lili.
Ang ganda ganda talaga nya lalo na sa make up nya at damit llalong na enhance yung mala anghel nyang mukha at yung petite nyang katawan. Napaka elegante at classy nya talagang tignan alam mo yung tipong parang nagniningning yung mga madadaanan nya? Ganon.
Mabilis na nagpunta si Lili sa pinto para pagbuksan si Eidrian.
Wala naman sa loob na napa ayos ako ng upo at ng buhok.
Ugh.
Hay nako Calixsha!
“Opps,” naka ngiti na sabi nya.
Sabay lingon sa amin.
“Si grumpy joe pala akala ko naman si A na hmp!” disappointed na sabi nya.
Na pa kunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
Iniluwa ng pinto ang naka salamin at pormal na pormal na sis i Siegfried.
“Ay yang gwapoooo!!!” manghang manghang sabi ng mga kasama naming.
Bahagyang ngiti lang naman ang iginawad sa kanila ni Siege.
“IIIhhhhh! Nagsmile sakin the! Nakaka loka san pedro! Nasa langit na ba ako?!” eksaheradang sabi naman ni Miss Janine.
Natawa nalang naman kami ni Lili sa reaksyon nila.
“Bakit k aba nandito ha grumpy joe?” tanong sa kanya ni Lili habang naka taas ang kilay nitro.
Nilagpasan naman sya ni Siege at saka dumiretso sa akin.
“I am here to pick Cali up,” seryosong sabi ni Siege sa kanya ata saka tumingin sa akin.
Bigla naman akong tinaasan ng kilay ng pasaway na si Lili.
Hindi ko nga alam na may date date pala dapat sa ganito.
“You are Cali’s date?!” hindi makapaniwala na sabi ni Lili sa kanya.
At kahit ako man biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lili.
“Ha?! Hindi ah!” sabi ko naman .
“Oo nga! Hindi no! Ako ang nagaya kay Cali, ako ang naka pilit sa kanya kaya kami ni A ang ka date nya hmp!” masungit na sabi ni Lili kay Siege.
Sinamaan naman sya nito ng tingin.
“At ano gagawin nyong third wheel si Cali sa inyo? Ka una unahang pag attend ni Cali ng ball ite-third wheel nyo pa seryoso ka?” taas ang kilay na sabi ni Siege kay Lili.
Na pa tingin naman sa akin si Lili ng malungkot.
Naintindihan ko din naman kaagad kung ano ang ibig nyang sabihin.
I smiled at her and mouthed her that it’s okay.
“Okay, okay basta magkita nalang tayo mamaya ha Cali. We will take a whole lot of selfies okayyy?!” masayang sabi naman ni Lili.
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
“Oo mamaya pag nagkita kita tayo doon. Sasama na muna ako kay Siege at may kukuhanin lang ako sandal sa mansion tapos dederetso na din kami sa La Faye,” naka ngiti kong sabi sa kanya.
Bumeso sya sa akin bago nagpaalam.
“See you later Cali!” pahabol pang sabi nya bago kami lumabas ni Siege.
Paglabas namin dalawa na pa tingin naman sa akin si Siege.
“You look stunning Cali, stunning but very unfamiliar.” Natatawang sabi nya bago niligay sa balikat ko ang coat nya.
“Baka ka lamigin,” naka ngiti na sabi nya sa akin at saka kami naglakad papunta sa parking.