Maaga kaming umuwi para magsimulang gumayak. Sa hotel na binook ni Lili na ako dumiretso dahil medyo malayo pa ang sa amin kung uuwi pa ako. Pag dating na pagdating ko sa room ay sinalubong nya na ako kaagad ng yakap.
“Caliiii!!! Akala ko talaga eh iindianin mo ko! Magtatampo talaga ako sayo kapag inindian mo ko! Buti nalang at andito ka naaa! Hihih excited na ko!!! I am sure na lahat sila magugulat mamaya! Baka makahanap ka pa ng bagong mga suitors yieee!” masayang sabi nya sa akin.
Na pa kamot nalang ako sa ulo sa mga sinasabi nya.
“Hay nako Lili anong suitors suitors imposible yon. Mas maniniwala pa ako kung puro paintings ang magkakaroon ako.” Natatawang sagot ko naman sa kanya.
Kinurot nya naman ang pisngi ko.
“No! akala mo lang yon! Ayaw mo kasing mag-ayos eh nagtatago ka sa malaki mong salamin at loose shirts and pants! Nakakahawig mo na tuloy yung mga kabarkada mo but believe me Cali! You are ver pretty! I know one when I see one okay?” natatawang sabi nya sa akin.
Ang kulit talaga. Umiling iling nalang ako sa kanya at saka tumango.
“Osya osya sige matutulog na muna ko wala pa naman ata yung mga kaibigan mong make up artists para makapahinga ko at napuyat ako sa kakagawa ng project sa Bfin kagabi.” Sabi ko naman sa kanya.
Tumango tango naman sya at saka itinuro sa akin ang isang kwarto.
“Okaaay sissy! Tama yan magbeauty rest ka para mamaya fresh na fresh ka ha? Sige na pasok na dun sleep ka na muna!” masayang masayang sabi sa akin ni Lili.
Iiling iling na nginitian ko sya at saka kinawayan bago ako pumasok sa kwarto.
Pagbabang pagbaba ko ng mga gamit ko ay agad na din akong nahiga.
Nakakapagod ang maghapon at nakaka stress hanggang ngayon eh hindi ko pa din talaga sigurado kung gusto ko bang umattend sa charity ball na yon.
Na pa buntong hininga nalang ako.
“Hay nako Cali nandito ka na wala ng atrasan to kung hindi baka ilaglag ka ni Lili galing sa 14th floor hindi mo naman siguro gugustohing maging nasirang Cali di ba? Kaya kapit lang isang gabi lang naman to,” pagkausap ko sa sarili ko.
Tumayo na ako at pumasok sa banyo.
Unang una kong nakita ang magandang salamin kung saan kitang kita ang buong reflection ko.
Dahan dahan akong nagtanggal ng damit dahil naisip kong maligo nalang muna bago ako matulog para dumating man yung mga magmemake up eh naka ready na ako.
Tinignan ko ang reflection ko sa salamin.
Gaya ng dati ma[pusyaw pero matamlay na puti pa din ang kulay ko, na describe ko na ba ang sarili ko? Hindi pa siguro hano? Hindi naman kasi ganun ka describe describe ang itsura ko. Maputi lang ako, medyo petite at mahaba ang buhok ayun n a.
Hindi gaanong ka pansinin dahil normal na normal lang ang itsura ko.
Hindi katulad ng ibang babae na kapag tinignan mo ng minsan eh lilingonin mo talaga ng paulit ulit. Kaya din siguro hindi na ako nageffort kasi alam ko na normal na normal lang din talaga ang itsura ko.
Pagkatapos kong maligo ay natulog na muna ako.
Ilang oras din ang lumipas bago may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
“Cali? Wake up na need na natin gumayak.” Rinig kong sabi ni Lili.
Agad naman akong bumangon at saka nagtooth brush na para di na ako magttoothbrush pa ulit mamaya.
“eto na eto na,” sabi ko naman sa kanya.
Pag labas ko eh nagrobe nalang ako may underwear naman akong mga suot shempre.
Naka tingin sa akin ang isan g team ng mga gays and girls.
“Madam sya ba ang client namin?” naka ngiting tanong ng isa kay Lili.
“Yes! Sya nga make sure that she will be very beautiful okay?! I am counting in all of you1 pagandahin nyo ng bonggang bongga ang bestfriend ko!” masayang sabi nya sa kanila.
Medyo nagulat naman ako sa sinabi nya na best friend nya daw ako.
Napaka ironic lang na yung best friend ko na mahal ko ay mahal itong isang babae na best friend din ang tingin sa akin.
AKo na ata ang pambansang best friend ng taon. Paki bigay na po ang korona.
Umalis na sila Lili dahil sa kabilang room sila, naiwanan naman ako dito sa kwarto ko.
Bale 4 sila na magkakasama sa isang team.
“Good afternoon po,” magalang kong sabi sa kanila.
“Good afternoon din naman, ako nga pala si Janine, eto naman si Lyka, Ella at saka si Nica kami ang magaassist at magaayos sa iyo. AKo ang make up artist mo, si lyka naman ang hair stylist and outfit stylist naman ay Si Ella habang si Nica naman sa nails mo,” naka ngiting sabi sa akin ng ni Janine.
“Ang gaganda nyo po, nice to meet you all po.” komento ko sa kanila kasi ang gaganda talaga nila.
Masayang masaya naman silang nagtinginan.
“Kita nyo ang ganda ko daw!” sabi ni Janine sa kanila.
“Ay bakla! Bingi lang?! bingi ka gurl? Nyo ang sabi di ba nyo? Ikaw bakla ka pinagaaral ka kasi ng mama mo dati nang gagamba ka nyo lang tuloy hindi mo pa alam!” sabi sa kanya ni Lyka at saka umirap.
Natawa naman ako sa kanila.
“Alam mo iha, maganda ka. Maniwala ka sakin maganda ka, wag kang ma ooffend ha pero t-boom k aba?” tanong nya sa akin.
Natawa naman ako sa tanong nya pero hindi na ako nabigla dahil palagi naman talaga akong na tatanong ng ganon nothing new na kumbaga ba.
“Ahh hehe hindi po hindi nga lang din ako babaeng babae pero hindi naman din po ako interesado sa babae sadyang ganito lang po siguro ako,” naka ngiti kong sabi.
Tumango tango naman si Nica.
“Sis anak ni mayor yan dahan dahan ka sa kakatanong baka for todays video eh bakla ka lang tapos for tomorrows video eh baklang shutay ka na hahaha,” biro ni Nica kay Janine.
Natawa naman ako sa kanila.
“Hala oo nga! Naku mahal ko pa ang buhay ko madam ha? Madami pa akong jojowain please lang,” biro nya sa akin.
Ako naman eh nakitawa tawa lang sa kanila.
Nung nagsimula silang ayusan ako hindi ako naka harap sa salamin.
As in hindi ko alam kung anon a ba ang itsura ko dahil walang salamin sabi kasi nila eh isusurprise daw nila ako sa kaka labasan ng magiging itsura ko.
Ayoko namang maging rude sa kanila kaya pumayag nalang din ako.
After some hours, yes hours natapos din nila akong make-upan.
Tinawag pa nila muna si Lili at hanggang ngayon hindi pa din nila ako binibigyan ng salamin.
“Cali omg,” yun ang bungad na salita sa akin ni Lili.
Na pa tulala naman ako sa itsura nya, ang ganda ganda nya lang kasi talaga alam mo yung tipo ng ganda na hindi mo pagsasawaan na tignan? Ganun yung ganda nya alam mong pang world class ganon pang beauty queen ang datingan.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko inalalayan nya ako na tumayo.
Naka dress na sya at gayak na gayak na.
“Ang ganda ganda mo naman Lili siguradong tulo laway sayo ang besfriend ko mamaya,” batik o sa kanya.
Nagnining ning naman ang mga mata nya habang naka tingin sa akin.
“Cali you are so beautiful! Sabi ko na nga ba! Nagtatago ka lang!” masayang masayang sabi nya sa akin.
“Go na wear your dress! Dali na sukatin mo na omg I am super super happy! Thank you so much Janine the best ka talaga!” masayang masayang sabi nya.
Tumayo naman ako at saka nagaalangan na kinuha ang dress na hawak hawak ni Lyka.
“Tara na po miss Cali,” sabi nya sa akin.
Kaya oumasok na ulit kami sa room.
Pagpasok naming dalawa nagaalangan akong na pa tingin sa kanya.
“Miss Lyka, parang hindi naman po ata to bagay saken?” tanong k okay Ms. Lyka.
Marahan naman syang umiling at ngumiti sa akin.
“Ano ka po ba Miss Cali? Akala mo lang po na hindi yan babagay sayo maniwala ka po bagay na bagay po yan sa inyo Miss, nung nakita kop o yung ayos nyo kanina naisip ko nap o talaga na itong dress na ito ang babagay po sa inyo. Maniwala po kayo sa akin, makikita nyo po mamaya.” Naka ngiti nyang sabi sa akin.
Nagdadalawang isip man ako eh sinunod ko na sila.
Bale yung dress nato ay parang nude color, bagay lang din sya sa kulay ng balat ko at punong puno ng Swarovski crystals na design. Isang side lang yung pinaka sleeves nya tapos mermaid cut. May mataas din na sling na panigurado kong mag eexpose sa upper thigh ko. Jusko Lili kung ano ano ang ipinapagawa mo sa akin.
Baka mamaya mukha akong tuod na dinressan ang itsura!
Pagkasuot ko ng dress ay tinulungan naman ako ni Ms. Lyka na isarado agad iyon.
Nagnining ning ang mga mata nan aka tingin sya sa akin.
“Wow. Grabe!” gulat na gulat na sabi habang naka titig sa akin.
“Ayos lang po ba ang istura ko Miss Lyka?” nagaalangan na tanong ko sa kanaya.
“Ayos?” sabi nya na nagpakaba sa akin.
“Ayos na ayos Ma’am Cali! Naku sobra pa nga sa ayos!” masayang masayang sabi nya sa akin.
Na curious tuloy ako sa kung ano ang istura ko…