Chapter 18

1488 Words
Umalis na si Lili dahil tatawagan daw nya lahat ng mga magagaling na make up artist at stylist na kakilala nya para mag ayos sa aming dalawa mamaya. Sa totoo lang parang mas excited pa sya sa pag attend ko kesa sa pag attend nya mismo. Na pa iling nalang ako habang naglalakad sya paalis at kumaway pa bago mawala sa paningin ko. How can you hate someone as genuine as her? Pano naman akong magtatanim ng sama ng loob sa tao na ganyan kabait at kabuti. Hindi naman kasalanan ni Lili kung hindi ako magustohan ni Eidrian. Hindi naman nya kasalanan na hanggang kaibigan lang ako. Kaya sa lumipas na tatlong buwan kahit papaano masasabi kong natanggap ko na kung hanggang saan at ano lang ako sa buhay ng best friend ko. Minsan nga naicoconsider ko na din na mag lesbian nalang, I have nothing against lesbians and gays honestly, kaya nga naging option ko din talaga na baka maging mas okay kung maglesbian naman ako since parang mas komportable ako sa ganoon dahil nga hindi naman ako yung girly girly type dahil hindi nga bagay sa akin. Pinagpatuloy ko nalang ulit ang pagreresearch para naman hindi na namin to intindihin ni Lili dahil kaming dalawa ang magkapartner dito. Maya maya ay umupo sa tapat ko si Dex. “Sup Cali,” bati nya sa akin. “Bat ganyan nanaman ang itsura mo dude,” sabi ko sa kanya. Gulo g**o kasi ang buhok nya. Bukod sa g**o g**o ang buhok nya medyo may mark pa ng lipstick yung pisngi nya at yung uniform nya eh medyo lukot lukot pa. “What?” taas ang kilay na tanong nya sa akin. “Anong what? You look like you just finished having s*x dude ano ba yan tirik na tirik ang araw!” galit na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung wala bang mga kung ano anong activity tong mga kaibigan ko at andami nilang time sa buhay nila para mag explore sa mundo ng mga kakabaihan. “Cali Cali Cali… I am just having and enjoying the moment while it still lasts. Mahirap na baka isang araw bigla nalang akong sabihan ng mom and dad ko na hindi na ako magaaral at mamamahala na ako ng negosyo.” Sagot nya naman sa akin. Naiintindihan ko naman din sila, sa aming magbabarkada puro sila mga soon to be business men ako ewan ko siguro yung business din nila dad ang mamanahin ko but I am sure hindi naman din ako pipilitin ni Dad doon. Lalong wala akong planong manahin ang pagiging politiko ng daddy ko mas hindi ko ata kaya yung ganon. “Oh edi sige magipon ka nalang ng babae hanggang may time ka pa basta pag naka buntis ka kuhanin mo nalang akong ninang ng anak mo,” sagot ko naman sa kanya. Natawa naman sya at saka pinitik ng pisngi ko. “Sure ka bang Ninang ka ha?” mapang asar na sabi nya sa akin. Bwiset talaga tong mokong na to. “oo sure ako, Makita mo mamaya Ninang talaga ako,” naka ngising ko naming sabi sa kanya. “WHAT?!” sigaw nya sa akin. Na pa tingin nanaman ang lahat ng tao sa gawi naming at sa kasaang palad pati yung librarian. Hay nakooo kelan ba ako makakapagaral ng tahimik? “Ms. Ferrer this is your strike two already please leave the library,” kalmado pero buong diin na sabi ng librarian sa akin. Na pa tapik nalang ako sa ulo ko habang nagaayos ako ng mga gamit ko. Hindi talaga ako matatahimik basta kahit sino pa sa kanila ang kasama ko. Well si Siege pala baka sakali. Paglabas naming dalawa ni Dex ng library agad ko syang hinampas ng libro na hawak hawak ko. “Aww! Ano ba Calixsha ikaw sumosobra ka na ha,” sabi nya sa akin habang hinihimas himas pa ang braso nya na hinampas ko ng libro. “Dapat lang sayo yan bwiset ka kase!” sabi ko sa kanya at saka sya iniwanan. Tatawa tawa naman syang sumunod sa akin. “Eh kasi naman ikaw nang bibigla ka eh, nagugulat mo ko. So aattend ka sa ball mamaya ganon ba?!” high pitched na tanong nya nanaman sa akin. Nako ako talaga eh malapit ng maubusan ng pasensya sa taong to! Malapit na malapit na akong makapanakit. “Oo leche ka ang g**o g**o mo,” naiiritang sabi ko sa kanya. “Weh?! May tux ka na ba?” naka ngising tanong nya sa akin. Nakooo kahit kelan talaga tong si Dex! Naglakad na kaming dawala pappunta sa rooftop kung saan naka tambay panigurado sila Siege at yung kambal. “Hindi ako magtutuxedo Dexter kung yun ang iniisip mo.” Masungit na sabi ko sa kanya. “Weeee?” pangungulit nanaman nya. “Naku ako nga tantanan mo ha,” masungit na sabi ko sa kanya at saka ako naunang pumasok sa roof top. Lahat ng estudyante at mga flocks sa school na to may kanya kanyang tambayan. They have the choice to enhance any school facility that they like that will suit their wants and needs, kaya kami ito ang napili naming anim. Pure glass yung mga walls ng pinaka tambayan naming, fully airconditioned din at shempre kumpleto ang furnitures, fixtures and even appliances. “Pagpasok naming dalawa si Siege lang ang inabutan namin. Nagbabasa to habang naka upo sa sofa at nagpapapak ng popcorn. “Siege pwede ba pakitali at paki tapepan yung bibig ni Dex?” batik o kay Siege at saka ako pumunta sa pantry para kumuha ng makakain. “Haha kinukulit ka nanaman ba? Hayaan mo nab aka kakabreak lang ulit ni Dex alam mo naman yan pag walang magawa puro pang aasar ang nasa utak,” sagot naman sa akin ni Siege habang busyng busy pa din sa binabasa nya. Kung alam ko lang na si Siege lang ang nandito pagalis sana ni Lili kanina umakyat nako dito edi sana hindi na kami nag abot nitong sutil na Dexter Rein na to. “Siege you wont believe this,” excited na sabi ni Dex kay Siege. Na pa irap nalang ako sa pagiging marites nya! “Cali is going to attend the charity ball later!!!” masayang sabi ni Dex kay Siege. Kung hindi ko alam na napaka hilig ni Dex sa babae iisipin ko talagang baka hindi sya tuwin eh kita mo naman magsalita marites na marites ang datingan! “Totoo ba Cali?” gulat din na sabi sa akin ni Siege. Tumango naman ako sa kanya. “What made you decide to finally go? Ang tagal ka na naming pinipilit ni minsan hindi ka naming napilit ah what’s new?” tanong nya sa akin habang naka taas ang kilay. Hay nako Siegfried will always be Siegfried. “Well kinulit at kinonsensya kasi ako ni Lili at dahil mabuti akong tao wala akong nagawa kung hindi ang umoo sa kanya. Pakiramdam ko nga nagoyo nya ako,” sagot ko sa kanya habang kumakain ako ng pringles. Seryoso naming tumingin sa akin si Siegfried. “Seriously?” tanong nya sa akin. Sa tatlong buwan si Siege lang hindi gaanong naka sundo ni Lili, well hindi naman sa hindi naka sundo medyon ilag sila sa isat isa dahil na din siguro masyadong seryoso si Siege at may pagkamasungit. “Yeah seriously, pakiramdam ko nga magkakasakit ako mamaya,” biro ko naman sa kanya. Agad naman syang sumeryoso. “You don’t have to attend if you don’t want to Cali,” seryosong sabi sa akin ni Siegfried. Binato naman sya ni Dex ng mineral bottle. “Ang KJ mo Siege, ngayon nga lang sasama sa atin si Cali sa ganyang event gusto mo pang hadlangan nako hayaan mo sya at ng maexperience nya naman na umattend ng party!” masungit na sabi ni Dex kay Siegfried. Na pa hinga naman ng malalim si Siege bago tumingin sa akin. “Sige susunduin kita mamaya,” sabi nya habang seryosong naka tingin sa akin. Magmula nung huling gabing naging paguusap namin ni Eidrian medyo dumistansya ako sa kanya kasi alam kong mas okay na lumayo nalang muna ako para makapag focus sya kay Lili at yes tama naman ako sa desisyon ko dahul ngayon eh malapit na silang dalawa sa isat isa ni hindi nga ata nya nahahalata yung medyo paglayo ko. Noon naman kami maging mas malapit ni Siege, malapit in the sense na lagi syang naka bantay at naka alalay sa akin dahil siguro alam nya na wala ng Eidrian na gagawa nun para sa kin. Ayokong isipin na naawa lang sya sa akin kaya nya hinagawa lahat ng ito dahil hindi naman ganoon ang pagkaka kilala k okay Siege. “Hindi pwede! Ako ang susundo kay Cali kasi ako ang unang naka alam!” sigaw sa kanya ni Dex. Na pa tapik nalang ako sa noo sa sinabi nya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD