Three months had already passed. Ganon kabilis lumipas ang panahon matapos ung huling gabing nagusap kami ni Eidrian hindi namin ulit pinagusapan pa yung mga nangyari parang naging panaginip nalang yung lahat, or parang bula na biglang pumutok at saka naglaho.
Ang hindi nga lang ata nawala e yung nararamdaman ko.
Sa ngayon magbestfriends pa din kami ni Eidrian, at gaya ng dati parati pa din kaming magkakasamang kumain, tumambay at lumibot ang kaibahan nga lang ngayon ay kasama na din namin si Lili.
Lili is kind, para talaga syang version 2.0 ni Selene maganda na e napakabait pa kaya din kahit pa nasasaktan ako kapag nakikita ko silang masayang dalawa may parte sa akin na masaya din para sa kanila dahil alam kong deserve nila.pareho ang sumaya.
Lili is such an angel, kahit pa mahal na mahal ko si Eidrian siguro kapag dumating yong point na magloko sya at masaktan nya si Lili? Magagalit din talaga ako sa kanya. Ganoon na kami kaclose ni Lili, sya naman din ang kauna unahang babaeng kaibigan na mayroon ako kaya talaga tine treasure ko din ang pagkakaibigan namin.
Hindi naman sya mahirap magustoban dahil bukod sa mabait sya, napaka caring at maalalahanin nya din sa akin well actually sa aming lahat. Hindi man official pero naging parte na din sya ng barkada namin.
"Caliii! Nakapili ka na ba ng ng dress na susuotin para sa ball mamayang gabi?" Tanong sa akin ni Lili.
Nandito kami ngayon sa library at nag gagawa ng research paper para sa econ.
"Ayoko nga sumali don Lili hindi naman ako mahilig sa mga ganong ganong party kapag nga may inaattendan si Dad na ganon di naman ako sumasama kasi ayoko talaga yang dress dress na ganyan, hindi din naman bagay sa akin ang mga make up make up." Sagot ko naman sa kanya habang patuloy pa din ako sa pagreresearch.
"Eeeeh Cali naman hindi ka na nga sumali nong prom eh hindi ka din ba nanaman sasali ngayon? Charity ball naman to isipin mo nalang ung mga bata na madodonatetan mo ng mga laruan at saka christmas gift dahil sa pagpunta mo. Plus ang alam ko magkakaron ng pa auction! Kaya sige na please umattend ka na," pangungulit pa din nya sa akin.
Hay nako ang kulit kulit talaga nitong babaeng to mayat maya nya nang sinasabi sa akin to at mayat maya ko din naman syang tinatanggihan dahil talagang wala akong interest sa mga ganito ganitong bagay.
Plus, hindi ko naman bagay ang mga ganoon ka feminine na mga bagay, sanay ako sa.mga simpleng attire lang like polo shirt and pants okaya nsman ay khaki shorts na pang babae. Hindi ako nagdedress. Hindi ko na nga maalala ung huling araw na nagdress ako sa tanang buhay ko.
" Hay naku kung ang iniisip mo eh yung susuotin at saka pagaayos sayo eh ako na ang bahala don! Kayang kaya kp yon kaya sige na tara na, please naman ako na anh bahala sa lahat basta oo mo nalang ang kulang!" Paki-usap nya pa.
Umiling naman ako bilang tugon sa kanya.
"Haaay kung ganon well you leave me no choice," seryosong sabi nya sa akin habang naka smirk sa akin.
Na pa tingin naman ako sa kanya na parang ang weird weird nya sa tingin ko.
"Mag bibirthday na ako di ba? Wala na akong hihinging regalo galing sayo kung hindi samahan mo lang ako, sa ball. Alam na alam mo naman na hindi ako komportable ng wala ka dun at hindi ka mamin kasama. Magtatampo na talaga ako sayo Cali pag pati dito hindi mo pa din ako mapag bigyan kaso birthday gift ko na ang pinaguusapan natin dito. Iisipin ko talaga na hindi mo ako tonuturing na kaibigan kapag hindi ka pa din pumayag." Pag bbanta ni Lili sa akin.
Wala na akong na gawa kung hindi ma pa buntong hininga nalang sa kanya.
This girl can really be so persistent sometimes.
Well hindi pa nga siguro sometimes ang tamang term kung hindi all the time!
Kukulitin ka nya talagang hanggang sa mapapayag ka nya.
"Hayyyy okay sige pero magcocoat nalang ako at saka trouser. Para di ka na magabala pa dahil gaya nga ng sabi mo para naman sa mga bata kaya ako pupunta doon." Sagot ko naman sa kanya at pagsuko.
Sumuko na ako talaga at pakiramdam ko kasi hindi ako tatantanan ng babaeng makulit na to.
" Hay nako Calixsha di ba pumayag ka na sa akin? Ibig sabihin ako na ang masusunod and its a big NO sa trouser polo coat combination mo! Hinde hinde hinde! No no no!" Masungit na sabi nya sa akin.
Na pa takip nam ako sa teka sa kamya dahil ang ingay ingay nya pinagtitinginan.pa tuloy kami ngayon.
Hay nako talaga oo.
" Hay nako Lili pahihirapan mo lang ang sarili mo sinabi ko na nga sayo di ba mahirap akong hanapan ng babagay na damit sa akin dahil hindi naman ako kasing ganda mo na kahit pa ano ang suotin eh bumabagay, naku ikaw oo bahala ka na nga," nalolokang sagot ko sa kanya.
Ang kulit kulit nya, nakot!!!
Natawa naman sya sa sinabi.ko sa kanya.
"No Cali, that is a big No ulit!" Galit na sigaw nya sa akin.
Na pa tingin tuloy ako sa.paligid.at ganun din ang mga tao sa library.
"Shhhhhh!!!".saway sa amin ni Mrs. Cruz ang librarian namin.
Natawa ako ng bahagya sa kanya kasi nagulat din naman sya sa pag call up sa kanya kanina
" Hay nako Lili ewan ko sayo basta.ako, magsasagot na ako dine at yayariin ko na to," sagot ko naman sa janya dahil dinidismiss ko na ang usapan.
Masayang masaya namang tumango si Lili sa akin.
"Oo nga, ako ma nga ako na ang bahala sa iyo mula ulo hanggang paa! Leave it all to me! Mwahahahahaha!" Sagot nya naman sa akin na para bang nanalo.sya sa lotto.
Yan ang sinasabi ko na kakulitan.nya hindi talaga sha titigil hanggang hindi ka pumapayag pero dahil nga very persistent sya sa buhay nya wala ka nalang fdin talagang magagawa kung hindi ang umoo sa kamya haha.