Chapter 10
Sanay ako na yung mga kaibigan ko e talamak na mga babaero. Sanay akong na gagandahan sila sa babae at yes, hinahabol din ng mga babae but then looking at them drooling over the transferee student na parang ngayon lang sila naka kita ng babae.
"Class quiet!" Saway ni Ms. Arahan dahil parang bubuyog na bulong ng bulong pareparehas silang namamangha sa bagong lipat na estudyante.
"Lili, please introduce yourself." Naka ngiti na sabi ni Ms. Arahan sa kanya.
Agad naman syang ngumiti sa aming lahat.
At sa pag ngiti nyang yon parang may mga anghel na bumaba sa langit. Ang ganda ganda nya talaga. Yung ganda nya yung tipong di mo pagsasawaang titigan. Yung tipo ng ganda na araw araw mo mang makita eh araw araw ka ding mahuhulog.
" Good morning everyone, I am Lilianne Monteverde. I am from California USA, I am hafl filipino-half australian. You can call me Lili." She said.
Parang mga bata na naka kita ng artista ang mga tao sa classroom na ito wala manlang tunog na maririnig matapos ang pagpapakilala ni Lili.
" Ah hehe, ahm okay were glad that you decided to enroll here in our university. Class I hope na tutulungan nyo si Lili na maka keep up sa discussion natin okay? Lili please seat beside Ms. Ferrer," sabi naman ni Ms. Arahan.
Na pa tingin naman ako sa dalawang mokong nq katabi ko dahil sa totoo lang eu wala namang upuan sa tabi ko katabi ko parehas sila Eidrian at Dex.
"Mr. Echevveria can you please move on the other vacant seat? I will have to ask Ms. Ferrer to help Ms. Monteverde." Sabi naman ni Ms. Arahan.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
" Ahm excuse me po Ms. Arahan? Pero saan ko po tutulungan si Ms. Monteverde?" Tanong ko kay ms. Arahan.
Masaya namang naka tingin sa akin si Dex at si Eidrian na parang mga bata na nagmamakaawang bilihan sila ng candy.
Ugh.
"Actually Ms. Ferrer inutos ni Principal Adams na ikaw ang maging temporary tutor and school guide ni Ms. Monteverde. He promised that after being her tutor for three months he will grant you the recommendation letter to Wharton.
Na pa lunok naman ako sa ini-offer ni Principal Adams alam na alam nya na gustong gusto kong makapag aral abroad. And I will actually apply for Wharton but you know having a letter of recomendation is like getting in to the second floor from the ground without even lifting your feet.
"Cali, take it its gonna be a win-win situation," exvcifed na sabi no Dex sa akin.
" Di ba pare hano itake na ni Cali bago pa mag bago ang isip ng matandamg si Principal Adams.," Sabi pa sa akin ni Dex habang naghihintay nh sagot muna kay Eidrian.
" Yeah you should take it Cali," naka ngising sabi ni Eidrian habang naka tingin kay Lili.
Labag man sa loob ko eh pumayag na din ako.
" Okay po Ms. Arahan." Sagot ko naman.
Pagkaalis ni Dex sa upuan ko ay dahan dahan namang umupo doon si Lili.
" Thank you," mahinhin nyang sabi sa akin at saka ngumiti.
Tumango naman ako at ngumiti.
Magsasagot na sana ako dahil nagsimula na si Ms. Arahan na mag pamigay ng mga questionnaires para sa quiz nun .mapansin ko si Eidrian na naka tingin dito sa gawi namin.
He has this interesting look habang naka titig kay Lili.
Malungkot na nagsagot nalang ako sa papel ko.
Parang naalala ko tuloy si Selene kay Lili.
Tulad ni Lili, mukha ding Anghel si Selene.
Kasing puti ng snow yung balat, at may mala anghel na mukha.
Hindi ko alam kung bakit hindi naman naguusap si Lili at si Eidrian pero nagsisikip ang dibdib ko. Alam ko kung pano yung tingin ni Eidrian na yan.
Alam na alam ko dahil ganyang ganyang ang tingin nya nung unang beses nyang nakita si Selene.
Naalala ko tuloy yung araw na umalis si Selene...
"Eidrian tara na pare, baka naka alis na si Selene." Sabi sa kanya ni Siegfried.
Si Selene ang long time girlfriend ni Eidrian. Fourteen Years old silang dalawa nung nagsimula silang maging magkarelasyon.
Pinsan ni Siegfried si Selene kaya heto kaming tatlo at naghihintay sa bahay nila Selene.
"Eidrian tara na tawagan mo nalang si Selene pag dating nya sa America sasagutin non ang tawag mo dahil alam mo naman na hihingi at hihingi yun ng paliwanag mula sayo." Sabi ko kay Eidrian.
Naka upo sya sa gilid ng gate at malungkot na umiiyak.
Ngayon kasi ang alis ni Selene papuntang ibang bansa.
Kaya ganito ang sitwasyon ni Eidrian ngayon ay dahil nakipaghiwalay sa kanya si Selene bago ito umalis. Nahuli sya ni Selene na nakikipaghalikan sa ibang babae kaya agad agad na nakipaghiwalay sa kanya si Selene.
Pero hindi namin naisip kaagad na gugustohin ni Selene na umalis ng bansa dahil sa nangyare sa kanila ni Eidrian.
Kahit si Siege ay walang kaalam alam na aalis na sya.
Nagring ang cellphone ni Siege kaya sinagot nya ito.
Pagkatapos na makipagusap ni Siege ay lumapit sya kaagad sa amin ni Eidrian.
"Pare wala na talaga si Selene." Naiiyak na sabi ni Siege.
Hindi ko kaagad na intindihan yunh sinabi nya.
Pero nanginginig ang kamay nya habang hawak hawak yunh cellphone nya.
"Nasa ibang bansa na sya? Bakit ang bilis naman Siege? Hindi pa sila naguusap ni Eidria. Hindi naman ginusto ni Eidrian si Tatyana ang humalik sa kanya Dude andon ako kitang kita ko!" Na sstress na sabi ko naman kay Siegfried.
Dahil totoo naman basta nalang talagang sinunggaban ng halik ninTatyana si Eidrian hindi agad sya naka kilos sa sobrang gulat pero kalaunan ay itinulak nya din ito kaya nga lang ang nakita lang ni Selene ay yung scene na hinahalikan ni Tatyana si Eidrian.
Nasa bar kaso kami kahapon dahil nagayaw si Eidrian sabi nya may problema daw kasi sila ni Selene kaya gusto nyang maginom. Doon sila nagkita ni Tatyana, kaya din siguro hindi nya naitulak kaagad si Tatyana ay dahil na din sa kalasingan.
" Hindi Cali," malungkot na sagot ni Siege sa akin.
Nabuhayan naman ako ng loob dahil baka pwedeng puntahan na namin si Selene.
"Ganun naman pala edi tara na! Tumayo ka na dyan Eidrian.tara na puntahan na natin si Selene!" Punong puno ng pagasa na sabi ko kay Eidrian.
" Tumayo ka na Eidrian, pumunta na tayo sa ospital." Tipid at maikling sabi ni Siege kay Eidrian.
Nagtaka naman ako kung bakit kami sa ospital pupunta.
"Bakit sa ospital? Andon ba si Selene?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Nangingih ang kamay na nagtaas ng tingin si Siegfried at nagpunas ng luha.
"Wala na si Selene, naaksidente sya papuntang airport." Sagot ni Siege sa akin.
Parang tumigil yung mundo nung mga sandali na yon.
"A-ano?" Tanong ni Eidrian kay Siege.
"Pare wala na si Selene. Tumayo ka na pumunta na tayo nh ospital bago pa makauwi sila Tito at Tita dahil baka hindi mo na sya makita pag nakauwi sila." Malungkot na sabi ni Siegfried kay Eidrian.
Agad kaming nagpuntanh tatlo sa St. Lukes hospital para hanapin si Selene. Inabutan na namin syang naka takip ng puting kumot.
Parang nanlambot ang.mga tuhod ko habang papalapit kami sa kinaroroonan nya. Nung tinangal ni Eidrian ang kumot na naka balot kay Selene ay para gumuho ang mundo ng makita namin ang duguang si Selene.
Naaksidente sila papuntang airport.
"Love, love please wake up. Please wag ganito wag ganito love please gumising ka na," umiiyak na sabi ni Eidrian habang yakap yakap ang walang buhay na katawan ni Selene.
Si Selene ang kauna unahan at hanggang sa ngayon eh hulong babae na minahal ni Eidrian.
After what happened to Selene kahit minsan hindi na sya nagseryoso sa babae.
Wala ng babae ang nakakalapit sa kanya na hinahayaan nyang buksan ang puso nya.
But now by just taking a look on him I knew, I just knew that he found another Selene.
Nakakalungkot man para sa akin, but if Lili is who will make Eidrian happy then I'd be happy for him too.
Alam kong kahit ano ang gawin ko kahit pa hindi ako umalis sa tabi nya habang buhay, hinding nya ako titignan kung paano nya tignan si Selene noon at si Lili ngayon.
Hindi ko napansin na natapos ko na palang sagutan yung questionnaire na ibinigay ni Ms. Arahan. Agad akong nagsubmit ng papel at saka lumabas ng classroom.
Paglabas ko naman ay kasunod ko na din na lumabas si Lili.
"Ahm Ms. Ferrer?" Nagaalangan na tawag nya sa akin.
Ayoko mang lumingon ay wala akong nagawa dahil umoo ako kay Ms. Arahan.
" Yes?" Tanong ko sa kanya.
Hay nako Cali! You are such a lousy liar.
"Ahm sabi kasi ni Ms. Arahan baka daw pwede na since pumayag ka na eh kausapin kita para sayo muna ako sumama for the mean time? Wala pa kasi akong kakilala dito kahit na sino and sabi nya since pumayag ka naman na eh baka pwede na ikaw na lang ang sumama sa akin? But dont worry kapag medyo familiar na ako sa university I will not bother you anymore!" Nahihiya na sabi nya sa akin.
Haaay Cali.
Tumango naman ako at alanganing ngumiti.
"Ah oo okay lang sige, but just so you know wala akong kaibigang barbie ha? I mean mga babae. Wala akong kaibigang babae puro mga lalake ang tropa ko eh. Would you mind?" Tanong ko naman sa kanya.
Dahil pakiramdam ko un din ang gusto nyang mangyari na for the meantime eh naka sama sya sa akin.
"Oh that's okay, I wont mind. Really." Naka ngiti nyang sagot.
Oh damn.
Another angel!