Magkasama kami ni Lili na nagpunta sa cafeteria, habang naglalakad kaming dalawa maririnig mo yung mga bulong bulungan ng mga nadadaanan namin namga tao. Lahat sila ay naka tutok sa bawat hakbang namin ni Lili.
Well, technically hindi namin. Ni Lili lang sigurado ako na hindi naman ako ang tinitignan nila dito.
Mas binilisan ko ang paglalakad dahil pakiramdam ko para na naman akong nagiging anino. And I super hate feeling that way, minsan na akong nagging anino at ayoko nang maulit pa yon.
“Ms. Ferrer please slow down.” Medyo hinihingal na sabi ni Lili sa akin.
Nung narinig ko si Lili na sinabi iyon ay na pa lingon naman ako sa kanya at napansin kong medyo malayo na nga pala sya sa akin.
Huminto naman ako sa paglalakad para magkasabay kaming dalawa.
“Sorry, may naalala lang ako nakalimutan ko na kasama ng apala kita. Let’s go malapit na tayo sa table namin.” Sabi ko sa kanya.
Ngumiti sya sa akin at saka sumunod naulit.
Damn Cali, gumagawa ka na naman ng ikakasakit ng ulo at ng puso mo oo.
Pagdating namin sa table naming magbabarkada kumpleto na yung limang unggoy. Mga naka ngiti sila habang papalapit kami ni Lili sa kanila.
“Akala ko sa langit lang may Angel meron din pala sa lupa?” banat ka agad ni Dex kay Lili.
Natawa naman kami parepareho sa sinabi nya.
“Upo ka Lili,” sabi ko kay Lili sasabihin ko sana sa kanya na sa tabi sya ni Siegfried umupo kaya lang nauna na si Eidrian na naghila ng upuan para sa kanya.
“Here Lily, this seat is vacant.” Naka ngiti na sab isa kanya ni Eidrian.
Parepareho kaming na pa tingin kay Eidrian habang naka ngiti sya kay Lili. Ngumiti naman din sa kanya si Lili.
“Thank you,” naka ngiti na sabi ni Lili sa kanya.
Tumango naman si Eidrian.
“I am Eidrian,” pakilala naman ni Eidrian sa sarili nya at saka iniabot ang kamay kay Lili para sa isang shake hands.
Wala sa sariling na pa iling nalang ako.
“Wooah! Ang bilis mo pare! Ang aga mo naman magmarka!” natatawang biro ni Yexel kay Eidrian.
“Oo nga, sige master ikaw na ang nagwagi.” Sabi naman ni Yago sa kanya.
Alanganin namang na pa tingin sa akin si Lili.
“Ahh hehe pasensya ka na ha Lili, ganyan lang sila sabi ko naman sayo eh hehe wala kasi akong ibang kaibigan kung meron lang nako edi sana hindi tayo naka upo ditong dalawa,” natatawang sabi ko sa nahihiya na si Lili.
She is so much like Selene.
Hindi na ako magugulat kung magustohan sya ni Eidrian, ngayon ko lang nakita ulit yung ganyang kislap ng mata at ngiti nya. I am very sure that he is really interested in her yungmga tingin nya at ngiti nya alam ko. Kilalang kilala ko sya.
“Ehh! Bumanat na naman tong Calixhsa na to! Akala mo naman kami gustong gusto ka naming kaibigan?” natatawang sabi naman ni Dex sa akin.
Sinamaan ko naman sya kaagad ng tingin.
“Hahaha oo naman gustong gusto naming syang kaibigan boss kaya naming to di ba Cali?” naka ngiti na sabi nya at saka ako inakbayan.
Siniko ko naman sya kaagad sa tagiliran.
“Aray kahit kelan ka talaga napaka brutal mo!” naghihimas ng tagiliran na sabi sa akin ni Dex.
Nagulat naman kami nung biglang natawa sa amin ni Dex si Lili.
“Do you guys have relationship?” natatawang tanong nya sa amin ni Dex.
Muntikan ko nang maibuga yung iniinom ko sa tanong nya.
Pero bago pa ako makasagot nauna na sa amin si Eidrian na sumagot.
“Hindi, ganyan lang talaga sila aso at pusa yang dalawa nay an kaya imposible yon. Saka walang tatalo sa amin kay Cali. Para na kaming magkakapatid.” Naka ngiti na sabi nya kay Lili.
I forced myself not to laugh at what he said.
Oo Eidrian wala ngang tatalo bukod siguro sayo.
“Oo wala talaga kasi nirerespeto namin si Cali.” Sagot naman ni Dex.
Pareparehas kaming natahimik nung pagkatapos ng paguusap nilang iyon.
“Ahh eto nag pala yung mga kaibigan ko Lili. This is Siegfried, Eidrian, Dex and the twins Yago and Yexel. Si Lili, transferee sa class naming from California.” Pakilala ko sa kanila.
Hayyy.
“Nice to meet you all,” naka ngiti na sab isa kanila ni Lili.
Ganon din naman ang isinagot nila.
“Kain na tayo gutom na ako,” grumping sabi sa amin ni Siegfried.
“Wala pang pagkain si Lili,” sabi ni Eidrian nung mapansin na wala palang dalang tray ng food si Lili.
Nako oo nga hindi kami naka order ng pagkain nya,. Hindi kasi talaga ako dumadaan sa orderan ng pagkain dahil laging nauuna sa amin yung tatlong mokong kaya sila na ang umoorder ng pagkain naming.
“Ah oo nga oorder na muna ako ng food ko,” paalam sa amin ni Lili at saka tumayo.
“I’ll join you,” sabi ni Eidrian kay Lili at mabilis na tumayo para Samahan si Lili.
Pag alis nung dalawa nagkatinginan kaming lima.
“He likes her,” na tatawang sabi ni Siege sa amin.
“Obviously, mukhang naka hanap na ulit ng bagong iibigin an gating butihing kaibigan.” Natatawang sabi naman ni Yago.
Imbis na makisali Sali sa kanila nanahimik nalang ako at kumain. Ayoko nang intindihin pa yung mga sinasabi nila.
“Ikaw Cali ano ang masasabi mo kay Lili? Uy magkatunog pa pala ang mga pangalan nyong dalawa! Pwede kayong maging best friends!” mapang asar na sabi ni Dex sa akin.
At dahil kanina pa ako talaga bwiset na bwiset sa kanya hindi ko na pinigilan yung sarili ko na batohin sya ng tissue.
“Ang dugyot mo Calixsha! Pinamunas mo na ata yang tissue nay an ibinato mo pa sa akin!” naiinis na sabi sa akin ni Dex.
Imbis na sumagot sa kanya ay kumain na lang ako.
Ilang minuto pa ay dumating na din sina Lili at Eidrian.
Ako naman eh papatapos nang kumain kaya mabilis na akong nagligpit ng gamit.
“Lili I am so sorry, okay lang ba kung bukas na kita iorient at itour? May try out kasi ako ngayong hapon and actually I only have 40 mins left to get there. Would you mind?” tanong kay Lili pagkaupo nila.
Agad naman syang umiling.
“It’s okay, tomorrow nalang. Eidrian already told me nab aka hindi mo ako masamahan ngayong afternoon and he offered to tour me around the campus.” She happily said.
Hindi ko alam kung nakita ba nila yung paglukot ng mukha ko. What a way to ruin my day.
I want to laugh at myself.
You are so stupid Cali.
“Buti naman, oh pano kailangan ko ng umalis. Kailangan ko pa kasing icheck yung motor ko. Mauna na ko sa inyo,” paalam ko sa kanila.
“Cali susunduin ka ba?” tanong sa akin ni Siegfried.
“Oo pero papunta na din ata si Mang Tomas. Hihintayin ko nalang sa main gate. Mauna na ako ha, Lili pasensya na ulit. Promise bukas masasamahan na kita.” Sabi ko kay Lili.
Mabilis akong naglakad palayo sa kanila. Gusto kong sipain yung mga basurahan na nadadaanan ko dahil sa sobrang inis ko kaya lang alam kong magmumukha lang akong tanga.
At nakaka hiya sa mga naglilinis dito sa school.
Pag dating ko sa main gate tumawag na ako kaagad kay Mang Tomas.
Oo hindi pa ako tumatawag, ang sabi kasi ni Eidrian kagabi sasama sya sa akin ngayon kaya aayain ko nalang sana sya ngayong tanghali para din hindi na ako maka abala kanila Mang Tomas.
Kaya lang obviously he has another plan now.
Naka ilang ring bago sumagot si Mang Tomas.
“Hello po, Mang Tomas pwede po ba ako---“ na putol ang sinasabi ko nung biglang may humablot ng cellphone ko.
Nakita ko ang naka kunot ang noon a si Siegfried.
“Hello po Mang Tomas? Okay na po may nakalimutan lang po si Cali pero okay na po. Opo ako po ang maghahatid sa kanya pakisabi nalang din po kay Tito. Salamat po.” Pagkausap nya kay Mang Tomas at saka ibinigay sa akin ang phone ko pagkatapos naming magusap.
“Bakit mo kinuha yung phone? Magpapasundo ako eh,” naiinis na sabi ko sa kanya.
Kinuha nya naman ang sports bag na hawak ko at saka hinawakan ang braso ko at inakay ako papunta sa parking lot.
“Alam mo Cali halatain kang masyado,” naiinis na sabi nya sa akin.
“Ano? Ano ba ang sinasabi mo Siege?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
Hindi naman sya sumagot sa akin at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Pagdating naming dalawa sa parking lot ay agad nyang pinatunog ang sasakyan nya.
Pumasok naman din ako kaagad sa passenger seat.
“Wala ka bang klase?” tanong ko kay Siege habang nagdadrive sya palabas ng university.
“Meron,” tipid nyang sagot sa akin.
Na pa buntong hininga naman ako sa sagot nya.
“Eh bakit sinamahan mo pa ako? May klase ka pa pala ay nako Siegfried!” naiinis na sagot ko sa kanya.
Etong lalaking to paminsan ang hirap ding intindihin eh.
Kung sabagay kahit naman hindi sya pumasok eh okay lang dahil sobrang talino nya naman.
Sa mga kaibigan ko si Siege ang pinaka matino at pinaka tahimik. Hindi ko nga alam kung paano syang nagging kaibigan ni Eidrian dahil napaka tahimik nya, hindi sya kasing kulit ng mga mokong na naiwan sa school.
He likes to read and do research, na offeran pa nga sya na magaral sa Harvard dahil sa taas ng IQ nya. Pero ayaw nyang umalis ng pilipinas. Lagi nyang sinasabi na dito nya gusting magstay, at palalaguin nya ang negosyo ng pamilya nila.
He will surely be a one hell of a ruthless businessman.
Siegfried loves to play with numbers, ngayon pa lang andami nya ng investment sa stockmarker foreign and local. Kahit di na magtrabaho to mabubuhay panigurado.
“Kasi mukha kang kawawa.” Tipid na sabi nya sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya mabilis ko syang binato ng throw pillow.
“Ang sama ng ugali mo wala lang maghahatid sa akin mukha na agad akong kawawa? Seryoso ka ba?” natatawang tanong ko sa kanya.
He looked at me at the rear view mirror.
“You know too well what I meant Cali, o gusto mong ipamukha ko pa sayo?” tanong nya sa akin.
Na pa lunok naman ako sa sinabi nya.
“Ano ba ang sinasabi mo hindi kita maintindihan Siege,” nagaalangan na sagot ko sa kanya.
Medyo nararamdaman ko na kung ano yung pinupunto nya pero ayokong isipin nay un ang sinasabi nya.
God Siegfried no.
Please.
“Cali, I was there that day.” Sabi nya sa akin.
Hindi ko maintindihan kung ano yung sinasabi nya.
Siege stopped at the side of road.
“I was there when you were crying because of him Cali. I saw you pour your heart under the rain because Selene said yes to Eidrian. I was there when you said you hope it was you and not Selene. I know that you liked him, or probably even more. Tell me I am wrong Cali, come on tell me.” Sabi nya sa akin.
Hindi ko na pigilan ang sarili ko at bumaba na ako ng sasakyan.
Na pa upo nalang ako at na iyak.