Chapter 12

1977 Words
Nanlalambot na na pa talungko nalang ako sa gilid ng sasakyan. Hindi ko kayang tumingin kay Siegfried kaya heto naka yuko lang ako at patuloy na umiiyak. Akala ko sapat na lahat ng ginawa ko para itago yung nararamdaman ko, akala ko wala ng nakaka alam bukod sa akin. “Stop crying Cali,” sabi sa akin ni Siege. I looked at him and saw him seriously standing by his car. Both of his hands were on his pocket and is coldly looking at me right now. Well mas matatanggap ko na yung cold stares nya kesa makita ko sya na naawa sa akin. “Tara na,” tumayo ako at saka ambang sasakay na sa sasakyan nung biglang pinigilan nya yung kamay ko. “Fix yourself Cali, susunod pa sila Lili at Eidrian sa atin papunta sa Pampanga. That dumb a*s wanted to support you kahit hindi nya alam na nasasaktan ka na nya. That is how irritatingly stupid he is.” Na papailing na sabi ni Siege sa akin at saka ako inabutan ng panyo. “I didn’t have to ask you if A knows your feelings I am sure he didn’t. Hindi ko alam kung may idea din ba sina Dex at yung kambal sa nararamdaman mo para kay Eidrian but I kinda doubt it. Magaling kang magtago. If I wasn’t there that day? Siguro hanggang ngayon wala pa din akong idea sa nararamdaman mo because you are good at hiding Calixsha,” natatawang sabi nya sa akin. “But I wonder what happened or what changed? Hindi ko nga alam kung dahil lang ba alam ko kung ano yung nararamdaman mo kaya napapansin ko yung mga ibang ikini-kilos mo or if it is because something between you two has changed that it kind of give you hope?” nang iintrigang tanong nya sa akin. Hindi ko maiwasang ma pa isip sa sinabi nya. “Hindi, wala. Masama lang din talaga ang pakiramdam ko. But Siege sana, sana wag na tong makarating kay Eidrian or kahit kanino sa barkada haha. Ayoko naman na itong walang kabagay bagay na nararamdaman ko ang maging dahilan para may magbago sa samahan natin. Not that I am saying that I do matter so much but I know na kahit paano maapektuhan pa din yung pagkakaibigan natin,” nahihiya na sabi ko sa kanya. Instead of ansering me, he just tapped my head. “I got you Cal, just take everything slow. And kung ano yung gusto mong gawin susuportahan kita. Just please do not do something stupid. Wag kang magpadalos dalos ingatan mo yung puso mo kasi hindi yan iingatan ni Eidrian para sayo. Wag mong intindihin yung tatlo, slow naman yung mga yon kaya malamang sa malamang hindi nila mahalata yung sitwasyon mo.” Naka ngiti at sincere na sabi nya sa akin. I nodded at him and then he just smiled and got inside the car. Habang nasa byahe kaming dalawa walang nagsasalita sa amin kahit isa. Tahimik kami parehas, ako naka tingin lang sa labas ng bintana habang Siege naman ay naka focus sa pagmamaneho. Paminsan minsan nililingon nya ako para ngitian pero tinatanguan ko lang sya as my gesture saying that I am okay. I am fine. Alam ko sa sarili ko na wala naman akong pagasa kay Eidrian, kung ano yung meron kami at ginagawa naming dalawa? Hanggang don lang yon. Hanggang sa apat na sulok ng kwartong yon lang iyon, alam ko kung ano lang yung parte ko. Isa pa alam ko din naman na kaya lang kami umabot sa puntong yon. Ay dahil sa nangyari kay Selene. “Siege why didn’t you blamed Eidrian?” pagkuwan ay tanong k okay Siegfried. Medyo malapit na din kami sa Pampanga pero mga 20 mins pa siguro from the motocross event location. “Hindi naman nya kasalanan,” sabi ni Siegfried sa akin. Eidrian has been blaming himself for what happened to Selene. Magmula nung nangyare kay Selene? Hindi na naming sya nakitang nagseryoso sa isang babae. Hindi sya pumapayag na magkaroon ng commitment sa kahit na sinong babae. It was like he just wanted to get physical with them and then just dump them when he’s done with them. Hindi naman ganito noon si Eidrian, hindi sya mapaglaro sa babae sa kanilang lima? Sila ni Siege ang hindi panget ang history sa babae. He had his flings but when Selene came along? Everything changed, it was like Selene had this magic that she made Eidrian’s world turn upside down. “As Eidrian’s best friend nagpapasalamat ako na kahit minsan hindi mo sinisi si Eidrian sa nangyare sa pinsan mo. Alam ko kung gaano kayo kalapit ni Selene sa isa’t isa pero kahit pa ganon nagging reasonable ka pa din kay Eidrian sa nangyare. I may not say this often Siege but thank you for always being there. For us.” Naka ngiti na sabi k okay Siege. He smiled and then nodded. “Selene also had her fault, kung nakinig lang sya sa paliwanag ni Eidrian none of these would have happened. Alam naman nating lahat kung gaano minahal ni Eidrian si Selene I don’t understand why she always doubts him and his love for her kung kitang kita naman kay Eidrian na mahal na mahal nya si Selene,” sabi nya naman sa akin. Na pa tango naman ako sa kanya dahil may punto naman talaga sya. Gaya ng sinabi ko, mahal na mahal ni Eidrian si Selene. It was like his world revolves only for her, yung nangyari na nakita ni Selene? Lahat yon hindi sinasadya. Bad timing lang kumbaga ba. “But now? Looking at how Eidrian’s eyes sparkle when he saw Lili it felt like Selene came back to life. Para syang carbon copy ng pinsan ko. The way she talks, she moves and she dresses? She looks so much like her.” Sabi nya sa akin. Napansin nya din pala. “Oo nga eh,” malungkot at natatawang sagot ko naman sa kanya. Kaya ano ba naman ang laban k okay Selene version 2.0 di baa no ba naman ang laban ko. Parang kanta lang yan ni Taylor Swift But she wears short skirts I wear T-shirts She's Cheer Captain, and I'm on the bleachers. Ano ba naman ang laban ko sa makinis at maputi nyang kutis. Well maputi din naman ako pero hindi maputing maputi I am more of a pale kind of white ewan ko ba kung bakit baka kulang na ako ng vitamins sa katawan. Lili looks like an angel, mukha syang anghel literal samantalang ako? Normal na normal ang itsura ko walang something in particular na pwedeng magstand out sa akin. Kaya nga din hindi ako maka kontra kapag yung mga kamaganak naming at mga kakilala lagging sinasabi na parang wala manlang akong nakuhang kahit na an okay mommy at kay daddy. Inaasar pa nila ako noon nab aka daw ampon ako dahil si Dad naman eh mukhang artistahin while my mom was a former beauty queen. Tapos yung nagiisa nilang anak? Eto mukang tambay sa kanto na kulang sa aruga. “What are you thinking Cali?” natatawang tanong ni Siege sa akin habang naka tingin sya sa mukha ko. “Bakit ka na tatawa dyan ano ang nakakatawa aber?” masungit na sabi ko sa kanya. Pinihit nya ang steering wheel bago ipinarada ang sasakyan nya dahil nandito na kami sa spikes and rikes. “You look like you are counting in your mind your difference between Lili,” sagot nya sa akin at saka bumaba ng sasakyan. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinagot nya sa akin. What the hell?! Nakakapagbasa ba sya ng isip ng isang tao? Oh my God! “Don’t look at me like that Cali, hindi ako marunong magbasa ng isip ng tao if that is what you were thinking,” naka ngisi nya sa aking sagot. Kinuha ko na yung mga gamit ko at saka naglakad kasabay nya. “Sure k aba hindi ka nakakabasa ng isip ng tao?” naka taas ang kilay na tanong ko sa kanya. He just laughed at me. Nagulat naman ako nung tumawa sya. Siegfried is such a very serious kind of person. He is fun to be with but he knows his boundaries. “Nakakatakot kang kaibigan para kang manghuhula Siegfried Azrael Montreal.” Masungit kong sabi sa kanya. Umiling iling lang sya sa akin at saka naglakad na pati una. “Hey!” nagulat ako nung marinig ko yung pamilyar na boses ni Eidrian. Muntik nang malaglag yung panga ko nung makita ko sila sa cottage nan aka upo at naghihintay sa amin. “Bakit ang tagal nyo?” tanong nya sa amin ni Siege paglapit naming sa kanila. Nagfist bomb pa muna kaming tatlo bago ko ibinaba ang bag ko. “May naiwanan pa kasi si Cali kaya bumalik pa kami,” palusot ni Siege. Tumango tango naman si Eidrian. “Bakit isinama mo dito si Lili? Wala kabang klase Lili?” tanong ni Siege kay Lili. Umiling naman ito at ngumiti. “Wala pa, magkaklase kaming tatlo eh same schedule,” naka ngiti na sagot nya kay Siege. Na pa tango naman si Siege sa kanya. “Ahh I see.” Sagot nito. Habang nagkukwentuhan sila nagsimula na akong maglabas ng mga gamit na kakaialnganin ko para sa karera pati na din ang mga protective gears ko. “Bakit si Siegfried ang naghatid sayo? Nasaan si Mang Tomas?” nagtatakang tanong sa akin ni Eidrian nung lumapit sya sa akin. Hindi naman ako sumagot dahil nagiisip ako kung ano ba ang pwede kong isagot sa kanya dahil baka mamaya nauna nya na palang tinanong si Siege eh wala pa akong kamalay malay mabuti sana kung parehas kami ng isasagot di ba eh pano kung hindi? “Hoy Calixhsa tinatanong kita bakit kako si Siege ang kasama mo nasaan si Mang Tomas?” masungit na sabi nya sa akin. Pero hindi pa din ako sumagot. “Ang sabi ni Siege hindi nya daw alam basta tinawagan mo lang daw sya at sinabing walang maghahatid sayo kaya ka nya pinuntahan. Hindi nya daw alam kung ano ba ang nangyare kay Mang Tomas.” Naiinis nang sabi nya sa akin. I sighed in relief. Ang talino talaga ni Siegfried Azrael Montreal kahit kalian oo. Pwede na syang ihilera kanila Albert Einstein at Galileo Galilee. “Ah eh kasi nasiraan yung sasakyan namen kaya hindi ako nasundo ni Mang Tomas, eh nong nasa front gate kasi ako saktong nagdaan si Siege kaya tinawag ko sya magpapahatid sana ako or kaya makikisuyo na ihanap nya ako ng grab para maghatid sa akin dito sa site, eh buti wala naman din syang pasok kaya eto sinamahan nya na ako,” sagot ko naman sa kanya. “Walang pasok? May macro econ syang klase ngayon, sila nung kambal.” Sagot ni Eidrian sa akin. Hay nakoooo. Ang daming tanong. “Eh? Hindi ko alam ah. Sabin i Siege kanina sakin wala daw sya pasok eh kaya nga sinamahan nya ako dito. Eh bat kayo bat kayo andito ni Lili?” pasa ko naman sa kanya. Ang daming tanong ng lalaking to nakakainis. “Well I told you last night na manunuod ako di ba, bakit mo ko tinatanong ngayon?” masungit nya nanamang sagot sa akin. “eh pano si lili? Baka mamaya may pupuntahan na iba yung tao kinayag kayag mo dito. Baka di naman sya interesado sa mga ganito ganito.” Sagot ko naman sa kanya. “Well Lili wanted to watch you too, kaya sumama na din sya.” Sagot nya naman sa akin. Tumango tango naman ako bilang pagsang ayon. “Okay okay, gayak na ako.” Sabi ko sa kanya at saka ako naglakad palayo. Haaay kung ganito lang din sana kadali na maglakad palayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD