Imbis na intindihin pa sila Lili at Eidrian napagdesisyonan kong magfocus nalang sa karera ko dahil may chance akong mag compete sa national race kapag nakasama ko sa top 3 ngayon. This is important for me kaya sa palagay ko pinakamahalaga na magfocus muna ako ngayon sa karera.
Naka tingin lang ako sa harapan habang hinihintay ang go signal na pwede na kaming.umandar.
"3... 2... 1... Go!" Sigaw ng babae na may hawak na flag.
Agad.naming pinaharurot ang mga motor namin at nagunahan sa pagkakarera.
Nasa pangatlong lap na kami ngayon at so far so good. Pang lima ako sa karera hindi ko pa masyado hinaharurot yonh takbo po pag nasa huling lap nalang kami saka ko.planong bumawi.
Naka focus lang ako sa pagdadrive, andaming tumatakbo sa isip ko.
Ang dami kong what ifs andami kong hows.
Ang akala ng iba masarap maging ako hindi nila alam na napaka hirap na maging ako.
Nasa pang huling lap na kami at ngayon mas nagiging matindi ang kompetisyon. Mas binilisan ko na ang pagpapatakbo dahil alam kong malapit na yung finish line. Ganon nalang ang gulat ko nung biglang nilampasan ako ng isa pang motor. Ginawa ko naman ang lahat para mahabol iyon.
Pinihit ko ng sagad ang selinyador habang nakatingin sa kulay puti na banderitas sa dulo kung saan may naka sulat na finish line.
I did my best to make sure that I will end up in the top 3.
"Pfft!" Rinig kong tunog ng pito ng makalagpas ako sa finish line.
Para akong nabuhayan ng tinik sa dibdib nung makita ko na nalagpasan ko ang lahat ng mga kalaban ko.
Pagbaba na pagbaba ko ng motor ay sinalubong kaagad ako ng isang mahigpit na yakap ni Eidrian.
" Congrats Cali!" Masayang masayang sabi nya habang niyayakap ako.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti habang yakap yakap nya ako at masayang masaya syang nakatingin sa akin.
" Congratulations Cali!" Masayang bati din sa akin ni Lili.
Nginitian ko naman sya at saka ako nagpasalamat.
"Salamat Lili," naka ngiti kong sabi sa kanya.
Pagkatapos nila akong batiin ay lumapit naman sa akin si Siege at saka nakipag fist bomb. He looks so proud.
" Congratulations Cali, you nailed it." Naka ngising sabi nya sa akin..
Inilapit pa nya ang bibig nya sa tenga ko bago sya nagsalita.
" Ayos ata na nanunuod si Lili at Eidrian ah?.mas ganado ka ata? Haha!" Mapangasar na biro nya sa akin.
Agad ko naman syang hinampas sa balikat at saka nya lang ako tinawanan ng tinawanan.
"Bwiset ka talaga, jan na nga kayo! Magliligo nako para sa awarding!" Natatawang paalam ko sa kanila.
Agad naman akong pumunta sa cottage para mag gayak para sa pagligo.
Nagulat nalang ako nung biglang may kumalabit sa likuran ko.
"Ay pusang gala!" Gulat na sigaw ko sa kanya.
"Grabe ka naman sa pusang gala, may ganito ba kagwapong pusa?" Naka ngising tanong sa akin ni Elliot.
Na pa irap nalang ako sa kayabangan nya, kahit kailan talaga tong lalaking to kahit saan mapadpad may dalang electricfan sa katawan eh hano? Yung tipong tatangayin ka nalang sa sobrang kahanginan nya.
Dapat dito sa baguio nakatira eh or dapat sa outerspace.
"Gwapo your face, tabi nga dyan!" Masungit kong sabi sa kanga at saka sya itinulak palayo sa locker ko.
Elliot has been my rival since I can remember, he is Tito Yvanne's only son, just like Eidrian we also grew up together kaya din ako nahilig sa motocross ay dahil naimpluwensyahan nya ako dati. You see he loves these kinds of extreme sports.
"Alam mo Cali, kung hindi ko lang kilala ang pagkatao mo iisipin ko talagang nagsusungit ka lang para lalo kitang kulitin. Alam mo yon? Reverse psychology?" Naka ngisi nyang sabi.
Inirapan ko naman sya at saka ko kinuha yung tumbler ko sa tabi nya,
" Alam mo ikaw sa sobramg tulin mo kanina hindi na ata kinaya ng utak mo yung lakas ng hangin kaya eto ka parang sinasaniban ng kahambugan! Naabsorb ata ng ulo mo lahat ng hangin kanina kaya ayan! Lumaki tuloy ng sobra!" Natatawang sabi ko sa kanya at saka ko sya tinalikuran.
Napaka yabang talaga ng lalaking yon. Mabilis akong naligo at pony ng.maayos para sa awarding, excited na excited na lumabas ako ng cottage nung biglang may pumigil sa kamay ko at naamoy ko ang pamilyar nyang pabango.
"Arent ypu forgetting something Cali?" Tanong sa qkin ni Elliot at habang naka sandal sa harap ng cottage at naka pamulsa.
Yung mga babaeng nagdadaan ganun nalang kung titigan sya dahil para syang hollywood actor na nasa taping. Kahawig nya kasi si Chris Evans kaya siguro ganon.
" Something what?" Tanong ko naman sa kanya habang naka taas ang kilay ko.
He pulled something out of his pocket and then showed it to me.
"Perhaps this one?" Sagot nya sa akin at saka pinakita ang kwintas ko.
Napahawak naman ako ss dibdib ko at saka ko kinapa yung pinaka importanteng bagay na meron ako, my mom's n3cklace.
And yes, gaya ng sabi ni Elliot wala nga sa akin, so talagang akin yung locket na hawak nya.
" Okay Elliot amina na," sabi ko sa kanya at saka ko inilahad ang kamay ko.
Minana pa ng mommy ko sa mama nya ang jwintas na iyan its like a family heirloom kaya kailangan ko talaga iyong makuha sa kanya.
"Hmm pagiisipan ko," sagot nya sa akin.
Umarte pa sya na nagiisip habang nakakalokong nakatingin sa akin.
Nawawalan ng pasensyang napatingin ako sa kanya.
" Anong pagiisipan na kautoan mo ibalik mo na yan sa akin bago pa magdilim ang paningin ko sayo," masungit na sabi ko sa kanya.
Sa totoo lany he knows how important that nevklace is.
Because he gave it to me first even before they wejt to Canada. Tjto Yvonne's was moms bestfriend and sya ang nagdala sa akin ng locket ni Mama.
" Stop being so grumpy Cali," paalala sa akin ni Elliot.
" How am I going to stop eh nakikita kita? Bat ba kasi andito ka?" Naiiritang tanong ko sa kanya
"I came back for someone," tipid na sagot nya sa akin
Inirapan ko naman sya.
"Wala akong pakialam kahit pa sino ang binalikan mong unggoy ka ang ibalik mo saken yang kwintas ko, ako nabubwiset na sayo ha di ka na nakakatuwa kala mo ba!" galit na sinabi ko sa kanya.
Lalo namang naningkit sa tuwa ang mga singkit nya ng mga mata.
"Ayoko sakin nalang to, tutal naman mas love ako ni Tita Caisha kesa sayo," sagot nya sa akin at saka nya ilibasa ang dila nya na para bang naiinis talaga.
Salubong ang kilay na biniato ko sya ng sapatos na soot ko kanina.
"As if eh hindi mo naman mommy yung mommy ko kaya ka ganyan nakikinanay ka sakin kahit pa wala na yung mommy ko kasi wala ka ng nanay! akin na nga yan!" galit na galit na sigaw ko sa kanya.
Na pa hinto ako sa paghablot ng locket ko nung nakita ko na napahinto din si Elliot.
Ngayon ko lang narealize yung sinabi ko oh sh*t.
Mapait na napangiti sya at saka tinignan ang locket ko.
"Oo wala nga akong nanay, tapos yung kaisa isang tao na tinuring kong nanay at itinuring akong anak eh nawala ng dahil sayo." galit na sabi nya sa akin at saka nya ibinalik ang locket ko.
Naka tingin lang ako sa likuran nya habang papalayo syang naglalakad mula sa akin.
Medyo na guilty naman nga din ako sa sinabi ko.
Hayyyyy Elliot! Bwiset ka talaga sa buhay ko.
I picked up my shoe and when I stand up montik pa kaming magkabanggaan ni Siege.
"Oh careful," masungit nyang sabi sa akin.
"I saw Elliot, he's back?" nagtatakang tanong nya sa akin.
Tumango naman ako kay Siege.
"Oo hindi ko nga alam kung bakit biglang bumalik pa sya, nakalimutan ko ngang itanong kung kasama ba nya si Tito Yvvone. Kakakita palang kasi namin pinagtrippan nya nanaman ako kaagad. May nasabi tuloy akong hindi maganda sa kanya," malungkot kong sabi kasi sa totoo lang na gguilty talaga ako at alam ko din naman na below the belt yung sinabi ko sa kanya.
Tinap naman ni Siege ang likuran ko.
"Okay ka lang? nagtalo na naman ba kayo? Yan talagang si Elliot kahit kelan ayawka palaging tantanan. Alam ba ni Eidrian na naka balik na sya?"tanong sa akin ni Siege.
Ah oo nga pala kasama namin si Eidrian at saka si snow white A.K.A Lili.
"Hindi ko alam kung nagkita na silang magpinsan pero kasali si Elliot kanina sa karera sya yung kasunod ko. Ang akala ko hindi na babalik dito si Elliot di ba yun ang sabi ni Tito Yvvone dati?" nagtatakang tanong ko kay Siege.
Tumango naman sya.
"Yun din ang alam ko, bakit kaya sya bumalik?" nagtataka ding tanong nya.
Na pa isip naman din ako.
"Pero sabi nya kanina sa akin may binabalikan daw kasi sya may girlfriend ba syang iniwanan dito? may pumatol don?" nagtatakang sabi ko kay Siege.
Natawa naman sya kaagad sa sinabi ko.
"Ikaw talaga pasmado din ang bibig mo kaya nadadali ka eh hahaha!" sagot nya sa akin at saka ginulo ang buhok ko.
Naglakad na din kami papunta sa nipa hut namin kanina kung saan naka tanaw ang salubong ang kilay na si Eidrian.
Pagdating namin ni Siege doon ay kunot na noo at naka taas na kilay nya ang bumungad kaagad sa amin.
"Bakit ang tagal nyo? naiinip na si Lili sa inyo sa kakahintay," galit na sabi nya sa amin.
Naiiritang inirapan ko nalang sya at saka ako umabot ng tubig.
"Wag mo yang inumin kay Lili yan Cali! Eto yung sayo!" naiinis na sabi nya sa akin.
Na pa irap nalang ako sa ginagawa nya.
"Ang abnormal mo hano? bahala ka nga sa buhay mo. Lili magkita nalang tayo bukas ha bukas nalang kita ittour sa campus, since si A naman ang nagsama sayo dito sya nalang din ang maghahatid sayo ha?" walang pasensyang sabi ko kay Lili.
Siguro sobra sobra na akong badtrip ngayong araw na to at di ko na kayang makipagplastikan sa kanya ngayon. I know it sounds rude but yeah paanno ang gagawin ko? ayoko sa kanya.
Sino ba namang tanga ang gugustohin yung taong gusto ng gusto mo di ba.
Cant I get a break?
I got my bag and then tapped Siege's back.