Harper 1 year later... Mabilis na lumipas ang isang taon simula nang umalis na ako sa OA. Naibalik na rin ang posisyon ng aking ama bilang Mafia leader at lahat sila ay takot kay Papa. Tulad ng kay Greg ay bantay-sarado kami bente kwatro oras dahil sa nangyari noon. Nakita ko kung bakit ang aking ama ang gusto ng iba pang myembro ng Mafia. Mabait, maalalahanin at matulungin ang aking ama pero iyon nga lang ay super strikto naman niya. Sa totoo lang ay noong unang pagdating ko sa Rome ay walang sinayang na oras si Papa at agad akong pinag-training at tinuruan sa lahat ng mga pwede kong malaman sa mundong kanyang ginagalawan. Noong una ay nagulat ako dahil hindi ito katulad sa mga pinag-aralan ko sa OA. Kung sa OA ay kailangan mong magtago para lang hindi malaman ang iyong ident

