Harper Paglipas ng dalawang taon ay nagkaroon kami ng napakakulit na anak na babae na pinangalanan naming Hera. Nahilig kasi sa mythology itong si Allan kaya sabi niya Hera raw ang ipangalan namin sa aming anak para raw maging goddess of war din daw siya. O ayan goddess of war nga ang pangalan pero pati mismong sa kakulitan ay goddess din siya. Nakakapagod na siyang habulin at parang wala siyang kapaguran sa katawan. Kanino ba nagmana ang batang ito? Sumasakit na ang mga paa ko tuwing naghahabulan kami. Sign of aging na ba ito? “Mama, tired?” tanong niya sa baby voice niya na para bang nang-aasar. Naku kundi lang talaga kita anak titirisin kita sa pang-aasar mo sa akin pero syempre love na love ko siya. “Yes baby. Mama is tired na. Let’s rest first okay?” Tumango naman siya at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


