MABILIS lumipas ang mga araw. Unti-unting naging maayos na ang lahat kay Gabby. Nakabalik din kasi ito sa Madrigal's hospital kung saan ito nagtatrabaho dati. Kaya naman sobrang saya ng mga kaibigan at katrabaho nito doon na nakabalik din si Gabby. Paminsan-minsan ay tumatawag din si Anton dito. Kinukumusta ang dalaga at ipinapaalam nito ang mga ganap sa buhay niya sa America. Masaya si Gabby na nakikitang pursigido si Anton na magpagaling ngayon. Kita ngang mas buhay na ito ngayon kaysa noong nasa poder niya. Marahil ay nahihirapan din ito sa sitwasyon nila dati at nakikita nitong nahihirapan si Gabby na nag-aalaga sa kanya. Isang umaga, katatapos lang mag-round ni Gabby sa ward ng pedia ng hospital kung saan ito naka-duty nang marinig ang mga nurse na nag-iiritan. “Gosh, nandito si

