Chapter 22

1841 Words

NAPAPAHAGIKHIK na nagbubulungan sina Lucas at Gabby habang magkatabi silang nagkakape sa opisina ni Gabby. Sumunod kasi si Matteo sa kanilang dalawa at bubulong bulong itong mag-isa. Kitang naiinis at nagseselos sa nakababatang kapatid nito na nakikitang masaya si Gabby na kausap ito. "Wala ka bang pasok, Lucas? Pinapabayaan mo yata ang studies mo a," pagpapansin ni Matteo sa mga ito. Napangisi naman si Lucas na nilingon itong kaharap nila. "Wala na akong pasok, Kuya. Half day lang ako ngayon. Hindi naman ako nagpapabaya sa studies ko e. Kaya nga ngayong vacant time lang ako nakadalaw kay Ate Gab dito." Sagot ni Lucas na inaasar ang kapatid nito. "Kung gano'n, e 'di umuwi ka na. Naghihintay ang mommy sa'yo sa mansion." Wika pa ni Matteo na kitang pinapaalis lang ang kapatid nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD