NANGINGITI si Matteo habang dahan-dahan silang naglalakad-lakad ni Gabby sa gilid ng pampang. Hawak-hawak nito ang kamay ng dalaga at pinapakiramdaman ito. Matapos kasing sagutin ni Gabby si Matteo, nagkasarilihan na muna ang dalawa. Naiintindihan naman ng mga kaibigan nila si Matteo at ito na ang pinakahinihintay nitong moment nilang dalawa ni Gabby. Ang mapasagot niya ang dalaga at maging official niya itong girlfriend. Para itong may sayad na nangingiti habang magkahawak kamay silang dalawa ni Gabby na dahan-dahang naglalakad-lakad. Panaka-naka nitong pinipisil ang malambot na palad ni Gabby na tumutugon din naman. Kinikilig ito na naiisip na nobya na niya si Gabby! “M-mat, dito na lang tayo,” pambabasag ni Gabby sa kanilang katahimikan. Nakalagpas na kasi sila sa resort kung saan

