KINAGABIHAN ay salo-salong naghapunan ang mga ito sa restaurant ng resort. Masayang kumakain ang mga ito na nagkukwentuhan. Bukas pa kasi magdadatingan ang mga bisita sa kasal nila Xia at Justin. Kaya solo na muna nilang magkakaibigan ang resort na nirentahan ng ikakasal. “Kumusta, bes? Sinagot mo na?” pabulong tanong ni Gieanne kay Gabby at alam nitong planong sagutin ni Gabby ang binata ngayong nandito sila sa Batanes. Umiling naman si Gabby na napalingon sa gawi ng mga lalake. Katatapos lang kasi nilang kumain. Kaya heto at nasa pampang ang mga ito. Kinakausap naman nila Xia at Justin ang wedding coordinator nila at ipinapaliwanag sa kanila ang mga gagawin nila bukas. Dumating na kasi ang team ng mga ito para makapag-ayos sila ng maaga bukas sa venue na dito rin mismo sa pampang gag

