NALULUKOT ang gwapong mukha ni Matteo na pinagtitinginan si Gabby ng mga staff ng resort. Maging ang mga napapadaang turista sa na nasa katabi nilang resort ay napapalingon sa dalaga at nasa pampang ang mga ito. Masayang naghaharutan at kulitan kasama ang mga kaibigan niya. “Damn, Mat. Sigurado ka na ba? Hindi mo na ba talaga pakakawalan si Doc Gab?” wika ng isang kaibigan nito. Magkakatabi kasi silang nakaupo sa buhangin at nag-iinuman. Pinapanood ang mga babaeng masayang naghahabulan sa gilid ng pampang. Napangiti naman si Matteo na tumungga pa sa beer nito habang nakamata kay Gabby. Kitang komportable na ang dalaga at ipinagmamalaki nito na ang baby niya ang pinakamaganda at sexy sa mga kasama nila. Dinaig pa nga nito ang ganda at ka-sexy-han ng bride! “Of course, dude. Hindi ko na

