NANGINGITI si Gabby habang magkaharap silang kumakain ni Matteo. Hindi kasi ito maarte sa pagkain. Lahat ng nakahain sa mesa ay kinakain nito at wala namang mabakas si Gabby sa mukha ni Matteo na hindi gusto ang ulam. Napakagana nga nitong kumain at marunong magkamay. “Kumakain ka ba niya'n, Mat-mat?” tanong nito na nag-abot muli si Matteo ng tuyo na isinawsaw sa suka. Ngumiti naman itong umiling na nagsubo. “Nope, baby. Ngayon pa lang. Pero masarap siya e.” Sagot nitong ikinangiti ni Gabby. “Alam mo, gan'to ang madalas na agahan namin sa probinsya. Simple lang ang mga nakahain sa mesa. Pero salo-salo kaming pamilya at masayang kakain habang nagkukwentuhan.” Pagkukwento ni Gabby na ikinangiti nito. “Gusto kong makilala ang pamilya mo, baby. Sana. . . magustuhan nila ako para sa'yo.

