KAPWA tahimik ang dalawa habang magkatabi silang nakahiga sa kama. Nakaunan si Gabby sa braso nito at yakap-yakap siya ni Matteo. Dinig na dinig niya pa nga bawat paglunok ni Matteo at ang malakas na kabog ng dibdib nito. Natutukso itong mapatingala kay Matteo at titigan ito pero nagdadalawang-isip siya at tiyak na susunggaban na naman siyang halikan nito. Napakahilig pa namang humalik ni Matteo nang pabigla-bigla. “Baby?” namamaos ang boses na pagtawag ni Matteo dito. Napalunok ito na bumilis ang t***k ng puso. Ramdam niyang may gustong ipahiwatig si Matteo sa uri ng tono nito at hindi naman siya tanga para hindi mahinulaan kung ano iyon. “M-matulog na tayo, Mat-mat.” Utal nitong sagot na pilit pinanormal ang boses. “Pahalik naman, baby ko. Para makatulog na rin ako,” malambing un

