BUMILIS ang t***k ng puso ni Gabby nang ihinto ni Matteo sa ilalim ng malaking puno ng acacia sa gilid ng daan ang motor. Madilim na rin pero marami pa namang sasakyan ang kasabayan nila sa daan. Kaya naiilawan ang mga ito sa kinaroroonan nila. Inalalayan ito ni Matteo na makababa ng motor bago ito bumaba. Napapalunok naman si Gabby at kita niyang seryoso si Matteo. Sa tuwing gan'tong seryoso ang aura ng binata ay bumibilis ang t***k ng puso nito. Mas sanay siya na masayahin ito, umiiral ang kapilyuhan at napakakulit. “M-mat,” utal nitong sambit nang kargahin siya nito at maingat na pinaupo sa motor. Napalunok si Gabby na kumapit sa balikat nito nang pumwesto si Matteo sa harapan niya at bahagyang pinaghiwalay ang kanyang mga hita. Nagniningning ang mga mata nito na matiim na nakatitig

