SUNOD-SUNOD na napapalunok si Gabby habang nakamata ditong bakas ang sensiridad sa mga mata nitong mapupungay. Para siyang yelong natutunaw sa mga titig ni Matteo sa kanya. Napasunod siya ng tingin sa mga labi ni Matteo nang dahan-dahan nitong ilapit ang mukha sa kanyang mukha. “M-mat,” utal niyang sambit na tunog ungol ang pagkakasabi. Napamura na lamang ito sa isipan na kitang nagustuhan ni Matteo kung paano niya naiungol ang pangalan nito. Napasinghap ito na napakapit sa laylayan ng polo ni Matteo nang mas ilapit pa nito ang kanyang mukha. Nagkakasagian na rin ang tongki ng kanilang ilong at nagkakapalitan ng hanging nalalanghap sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa. “I want to kiss you, baby. Stop me if you don't want me to kiss you,” paanas ni Matteo na humawak sa batok ng

