TANGHALI na nang magising ang mga lalake. Dala ng kalasingan ay hindi na nila namalayan ang oras kaninang madaling araw. Ang mga staff pa nga ng resort ang umakay sa mga ito na isa-isang inihatid ang mga ito sa kani-kanilang cottage. Mababait naman ang mga staff ng resort. Kaya walang nangyari sa mga ito. Ni hindi pinagkainteresan na nakawan ng gamit ang mga ito. Lalo na si Matteo dahil wala itong kasama sa cottage nang ihatid siya ng dalawang staff na lalake sa cottage nito. “Mat, nasaan si Gabby? Kanina pa namin iyon hindi nakikita a. Akala ko natutulog sa cottage niyo. Siya na lang kasi ang hindi pa naaayusan e.” Wika ni Gieanne na sinadya si Matteo sa cottage nilang mga lalake at magbibihis na sila. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Matteo na napatitig ditong bakas ang kaseryosohan.

