MATAPOS kumain si Matteo, inihatid pa ito ng ama ni Gabby sa kanyang bahay. Gusto niya sanang itanong sa ama ng nobya niya kung nandidito si Gabby, pero nanatiling tikom ang bibig nito. Gusto niyang aralin ang pamilya ni Gabby at makipaglapit ng loob sa mga ito. “Okay ka na ba dito, hijo?” tanong ng matanda dito na tumango. “Opo, Tay. Salamat po sa pagkain. Bukas pa po kasi ako bibili ng mga kailangan ko dito e. Sarado na ang bayan kanina nang dumaan ako kaya hindi na ako nakakain doon,” sagot ni Matteo dito na tumango. “Walang anuman, hijo. E tayo-tayo lang naman ang magkakapitbahay e. O siya, magpahinga ka na at tiyak na napagod ka sa byahe mo. Bukas, ipapakilala kita sa asawa at mga anak ko. Natutulog na kasi ang mag-iina ko e.” Saad nitong ikinangiti at tango ni Matteo. Akmang l

