NAMUMUGTO ang mga mata ni Gabby na umuwi sa kanilang bahay. Ayaw niya pa sanang umuwi na gano'n ang itsura pero wala itong ibang mapuntahan na mapapanatag ang isip at puso nito sa mga sinapit ngayong araw. Ngayon sana ang preparasyon sa kanilang kasal ni Anton. Pero heto at nagkagulo na ang lahat. Hindi naman ito ang nais niyang mangyari sa kanilang dalawa. Gusto niyang bigyan siya ni Anton ng sapat na oras para maihanda niya ang sarili sa pagpapamilya. Pero dahil minamadali ni Anton ang lahat, napilitan itong umoo sa kasal na inialok sa kanya ni Anton. Pakiramdam nito ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa mga nangyayari. Kung kagabi ay napagaan pa ni Lucas ang bigat na dinadala nito, ngayon ay wala na. Wala na si Lucas sa tabi niya para icomfort siya. At tanging ang pamilya

