TULALA si Gabby habang nakaupo sa harapan ng operating room ng San Lorenzo's hospital. Matapos nitong makausap ang nurse na tumawag sa kanya ay dali-dali na itong bumaba ng bayan. Mabuti na lang at may kapitbahay silang namamasada ng tricycle. Siya ang pinuntahan ni Gabby at pinakiusapan na ihatid siya sa hospital. At dahil si Anton ang mayor ng kanilang bayan, dali-dali itong inihatid ng kanyang kapitbahay para mapuntahan si Anton sa hospital.
“Ang tagal naman. Masyado bang malala ang pinsala niya?” usal nito na damang nanginginig na ang katawan sa halo-halong emosyong nadarama.
Napapakiskis ito ng mga palad na damang naninigas na ang mga iyon sa sobrang kaba nito, idagdag pang malamig sa loob ng hospital. Nakapantulog na kasi ito at hindi na nakapagbihis kanina sa pagmamadali. Kaya isang pajama at sando ang suot. Ni wala itong suot na bra kaya nakalugay ang mahaba niyang buhok na nakatakip sa dibdib nito at nakabakat ang kanyang s**o.
Napapalapat ito ng labi. Hindi mapakali. Maya’t-maya itong tumatayo sa kinauupuang bench sa sulok at palakad-lakad. Wala pa man din ang pamilya ni Anton dahil nagkataon na out of town ang mag-asawa. Pauwi pa lang ang mga ito kaya bukas na sila makakarating ng Zambales.
“Sana maayos ka, Anton. Patawarin mo ako kung may pag-aalangan sa puso ko na magpakasal tayo. Pero hindi ko naman ito inaasam na mangyari sa'yo e. Na maaksidente ka para hindi matuloy ang kasal natin. I'm sorry. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kaya ka naaksidente. Dahil iniisip ko na hwag sanang matuloy ang kasal natin,” usal nito na tumulo ang luhang nanghihinang naupo ng bench at napayukong tahimik na umiyak.
“Hi, sexy lady. Why are you crying?” ani ng binatilyong boses na nasa harapan nito.
Natigilan si Gabby sa pag-iyak na makitang may nakatayo sa harapan niya. Nagpahid siya ng luha na tumingala ditong napapilig pa ng ulo at ngumiting inabot ang pisngi nito na marahang pinahid ang luha ni Gabby.
“You look like an angel, Ate. Don't cry. Everything will be okay,” nakangiting turan nito na animo’y magkakilala sila ng kausap.
Napangiti si Gabby na dama niyang napakagaan ng loob niya sa binatilyo. Naupo pa ito sa tabi niya at bakante naman iyon. Kung titignan ang itsura ng bata, hindi maipagkakailang napakagwapo nito lalo na kapag mas nag-matured. Kita ring branded ang mga suot nito. Mula sa sapatos, pants, polo, jacket at relo na suot.
“I'm Lucas, by the way. What about you, Ate. What is your name?” nakangiting pagpapakilala nito sa sarili na naglahad ng kamay kay Gabby.
Walang pag-aalinlangang inabot ni Gabby ang kamay nito na ngumiti pabalik sa binatilyo.
“Gabby. I'm Gabby. Nice to meet you, Lucas. Salamat. Gumaan kahit paano ang bigat sa dibdib ko,” wika ni Gabby ditong sumilay ang pilyong ngisi na napasulyap pa sa dibdib ng dalaga.
“Mukha ngang mabigat ‘yang dala-dala mo, Ate.” Makahulugang saad nito na ikinakurap-kurap ni Gabby.
“Ha? Ano ‘yon?” tanong ni Gabby na hindi nakuha ang punto nitong napahagikhik pa.
“Wala po. You're so beautiful, Ate. Sayang. Babaero ang kuya ko. Irereto pa sana kita sa kanya,” natatawang saad nito na nagkamot pa sa ulo. “Anyway. Why are you here? I mean. . . bakit nandito ka sa tapat ng OR, Ate?” muling tanong nito na napaseryoso na.
Napahinga ng malalim si Gabby na napatuwid ng upo at napatitig sa dalawang nakasaradong pintuan ng OR. Mapait na napangiti na lumarawan ang kirot at guilt sa mga mata nito.
“I was getting married. Pero something's happened e. Naaksidente ang nobyo ko. Siya ang inooperahan nila ngayon d'yan sa loob. Hindi ko alam kung may magandang dulot ba itong nangyari sa kanya o wala e. Nagu-guilty ako, Lucas. Kasi ang totoo niya'n, ayoko pa sanang magpakasal kami. Hindi pa ako handang magpakasal. Alam ko iyon sa sarili ko. Pero hindi ko naman masabi sa kanila. Ikakasal na sana kami sa susunod na araw. Pero heto at. . . at naaksidente ang nobyo ko. Dapat ba matuwa ako sa parte na hindi muna matutuloy ang kasal namin? Kasi parang ang sama-sama ko naman no'n na magdidiwang ako dahil nandidito sa hospital ang nobyo ko. Ni hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya pagkatapos nito.” Paglalabas hinaing ni Gabby ditong napanguso na nakamata sa dalaga.
Kita nito ang lungkot at guilt sa mga mata ng dalaga. At may parte sa puso niya ang gusto itong samahan na muna at kausapin. Naboboring kasi ito sa silid ng kanyang Kuya Matteo. Naaksidente kasi ang kuya nito at nasa recovery room naman na ito. Hindi pa siya dalawin ng antok kaya bumaba na muna siya para sana bumili ng makakain dito sa labas ng hospital. Pero nadaanan nito ang dalagang nakayuko na mag-isa at mukhang umiiyak kaya nilapitan niya ito.
“Well, on my own opinion. Base sa salaysay mo, Ate. Maybe this is God's way for you. Para ilihis ka sa kasal mo. Sabi mo nga, hindi ka pa handang magpakasal. Siguro nakikita ni God na hindi ka magiging masaya sa piling niya. Kaya nangyari ang bagay na ito. Para hindi matuloy ang kasal mo at magkaroon ka pa ng sapat na oras para pag-isipan kung itutuloy mo ang kasal niyo o hindi. Isa pa. Ang pamahiin ng mga matatanda, kapag may mga hadlang bago ang kasal, nagpapahiwatig iyon na malas ang magiging pagsasama niyo ng magiging asawa mo. Kaya kung ako sa'yo, Ate.” Ani nito na parang napaka matured magsalita.
Tinapik niya pa sa tuhod si Gabby na ngumiti sa dalaga.
“Hwag mo nang ituloy ang kasal mo. Malay mo, may ibang taong nakalaan para sa'yo. Pwedeng ang kuya kong babaero at medyo masakit sa ulo. Pwede rin namang ako, ‘yon ay kung mahihintay mo ako.” Kindat nito na natawa pa sa sinaad kaya hindi alam ni Gabby kung nagbibiro lang ito o seryoso.
Sumabay na rin itong mahinang natawa na napailing sa binatilyo. Napakadaldal kasi nito kahit bagong magkakilala pa lamang silang dalawa. Pero kahit gano'n, kakatuwang hindi sila naiilang sa isa't-isa. Na parang dama kaagad nila ang kakaibang connection sa pagitan nila.
"Babaero pala at sakit sa ulo ang kuya mo e. Ayoko na sa kanya, kung gano'n. Ikaw na lang. Hihintayin na lang kita, Lucas. Ilang taon ka na ba?" natatawang pananakay ni Gabby sa biro nitong napahagikhik pa na napakindat sa dalaga.
"Eighteen na, Ate. Ilang taon lang naman ang hihintayin mo e." Ani nito na mahinang ikinatawa ni Gabby na naiiling dito.
Masayang nagkukwentuhan ang mga ito na tila matagal nang magkakilala. Natutuwa naman si Gabby sa kakulitang taglay ni Lucas. Kahit paano ay naibsan ang bigat sa dibdib nito. Gumaan ang paghinga niya na may kasama siya ngayon at nakakausap. Hindi katulad kanina na mag-isa ito at parang pasan ang bigat ng mundo sa bigat ng kanyang nadarama.
“Matagal-tagal pa siguro sila, Ate. Tara na muna sa labas. Samahan mo ako. Nagugutom na kasi ako e. Wala naman akong ibang kasama at injured si kuya. Si mommy naman ay nasa silid nito na nahihimbing na.” Wika ni Lucas dito na napasulyap pa sa suot na relo.
“Sige. Gutom na rin ako at nilalamig na e.” Pagsang-ayon nito na tumayo na rin.
Hinubad naman ni Lucas ang suot nitong jacket na iniabot kay Gabby.
“Wear this, Ate. Wala kang bra oh? Makita ng ibang lalake ang kayamanan mo,” kindat nitong ikinagapang ng init sa mukha ni Gabby.
“Sigurado ka ba? Mukhang mamahalin pa naman ang jacket mo. Nakakahiya,” saad ni Gabby na ikinangiti nito.
“Hindi ‘yan. Hwag mo ng isipin ang presyo. Mabastos ka pa niya'n e. Saka nilalamig ka, kamo. Maganda ka naman e. At mukhang nakikita kitang kasama sa future ko,” kindat pa nitong ikinailing ni Gabby na nangingiting inabot ang jacket nito.
“Salamat ha? Ang bait mo,” aniya na isinuot na ang jacket nito.
“You're welcome, Ate. Mabait ako sa magaganda e.” Biro pa nitong mahinang ikinatawa ni Gabby na sumunod na dito.
TUMULOY ang dalawa sa kaharap na convenient store ng hospital. May lomihan naman sa gilid ng convenient store kaya bumili sila no'n bago nagtungo sa store na kumuha ng drinks at snacks. Pumwesto ang mga ito sa gilid ng convenient store kung saan may mga nakahilerang mesa at upuan na para sa mga costumer nila. May mangilan-ngilan pa namang tao sa paligid at tapat ito ng hospital. Magkaharap sina Gabby at Lucas na nagsimulang kumain sa kanilang biniling lomi.
Lihim na nangingiti si Gabby na pasulyap-sulyap kay Lucas. Napakagwapo kasi nitong bata. Idagdag pang magaling makipag-usap kahit sa mga bagong kakilala. Halatang masayahin ito at maypagka bolerong taglay. Mukhang pagganap na itong binata ay katulad din siya ng kinukwento niyang kuya niya. Na babaero at sakit sa ulo.
“Siya nga pala, Ate. Taga rito ka ba?” tanong ni Lucas habang kumakain silang dalawa.
Tumango naman si Gabby dito. “Oo. Pero sa kabilang bayan pa kami. Nagkataon lang na nandidito ako at ito ang hospital na pinagdalhan nila sa nobyo ko.” Sagot ni Gabby dito na napanguso pang tila may iniisip.
“Ang weird.” Aniya pa.
“Weird ang alin?” tanong ni Gabby dito na napailing at nagsubo.
“Baka nagkataon lang, Ate. Wala iyon. Kumain na tayo. Masarap ito ha? Kahit cheap ang price.” Aniya pa na halatang ngayon lang nakatikim ng lomi sa tabi-tabi.
Habang kumakain sila ay masayang nagkukwentuhan ang mga ito. Kung saan-saan na nga napunta ang topic nila at hindi nauubusan ng mga kwento at katanungan si Lucas. Magiliw naman itong kinakausap ni Gabby at aminado siyang natutuwa siya dito. Mas magaan pa nga ang loob niya kay Lucas kaysa sa kanyang nobyo. Ramdam nitong totoong mabuting tao ang kasama at genuine sa mga ipinapakitang kabutihan at pag-aalala.
Pagkatapos nilang kumain ay tumambay na muna sila sa harapan ng convenient store. Nagpahangin at palipas ng oras. Masayang kausap si Lucas. Kaya hindi nila namalayan ang paglipas ng mga oras. Pasado alasdos na ng madaling araw nang bumalik ang mga ito sa loob ng hospital. Sakto namang palabas na ang mga nurse at doctor mula sa operating room kaya napatakbo si Gabby na lumapit sa mga ito.
“Doc, how is he? Ligtas naman siya, ‘di ba?” kabadong tanong nito sa mga kaharap.
Tumango at yumuko naman ang mga ito sa kanya na ikinahinga nito ng maluwag at parang nabunutan ng tinik na nakatarak sa kanyang dibdib.
“Opo, ma'am. Ligtas na po ang pasyente. Pero, malala po ang fractured sa dalawang binti ng pasyente. Maaari po siyang mabaldo o magsaklay. Sige po, ma'am. Sumunod na lang po kayo sa recovery room ng pasyente.” Ani ng doctor ditong nanigas sa kinatatayuan na namutla sa narinig!
Nanghina ito na tumulo ang luha. Mabilis namang naalalayan ito ni Lucas na muntikang matumba si Gabby.
“Diyos ko. Bakit naman gan'to? Sana naman makalakad pa siya. Tiyak na hindi matatanggap ni Anton kapag habang buhay na siyang lumpo,” usal nito na panay ang tulo ng butil-butil nitong luha.
Inalalayan naman ito ni Lucas na maupo ng bench at hinagod-hagod sa likuran si Gabby. Hinayaan niya na munang umiyak ang dalaga at alam niyang hindi biro ang nalaman nitong kalagayan ng kanyang nobyo.
“Stay strong, Ate. God has a better plan for you and for him. Alam mo ang palaging sinasabi ng Mommy Tarah ko sa amin kapag may problema kaming dumarating?” ani Lucas dito na hinaplos sa ulo ang dalaga. “Lahat daw ng problemang dumarating sa buhay natin, ipinagkakaloob iyon ng Diyos sa mga matatapang na kayang resolbahin ang problema. Katulad ng pinagdadaanan mo ngayon. Hindi mo ito pagdadaanan. . . kung alam ng Diyos na hindi mo kayang lagpasan. Ibig sabihin. Kayang-kaya mo itong harapin at lagpasan, Ate. Dahil matapang ka at malakas. God is with us. Magsabi ka lang sa kanya. Kausapin mo siya. Humingi ka ng gabay at tulong sa kanya. Iiyak mo ang bigat na dinadala mo. Ipagkatiwala mo sa kanya ang buhay at lahat ng mga inaalala mo. Believe me, Ate. Mas magaan ang buhay. . . kapag may Diyos kang karamay.” Pagpapalakas loob pa ni Lucas ditong napangiti na tumango-tango.
“Tama ka, Lucas. Hindi ko ito pagdadaanan kung hindi ko kayang lagpasan. Salamat ha? Kung wala ka, baka natuluyan na akong nasiraan ng bait sa dami ng mga tumatakbo sa isipan ko,” saad ni Gabby na ikinangiti nito.
“Wala bang nadapa, Ate?”
“Ha? Saan?” naguguluhang tanong ni Gabby dito na napalapat ng labi.
“Sa mga tumatakbo sa isipan mo.”
Napapilig pa ng ulo si Gabby na napaisip at natawa na makuha ang biro nitong napahagikhik. Pabiro niya itong nakurot sa brasong natawa.
“Ikaw talaga. Puro ka kalokohan. Pero salamat ha? Gumaan kahit paano ang loob ko dahil sa'yo. Tingin ko, ikaw itong anghel na ipinadala sa akin ngayong gabi para damayan ako e. Salamat, Lucas.” Ani Gabby na inakbayan na itong inakay paakyat ng second floor.
“Naks. Anghel na ako,” anito na ikinatawa nilang dalawa.
“Nasaang floor ka nga pala? Natatandaan mo ba ang dinaanan mo? Ihatid na kita. Pamilyar naman ako dito sa hospital na ‘to e.” Wika ni Gabby dito at kita niyang inaantok na rin ito.
Nahihiya na din siya kay Lucas at naabala na niya ito. Ito pa nga ang nagbayad ng mga kinain nila kanina sa labas. Ayaw kasing tanggapin ni Lucas ang pera niya at kahit bata raw siya, siya ang lalake sa kanilang dalawa. Kaya nagpasalamat na lamang si Gabby sa panlilibre sa kanya nito kahit bagong magkakilala pa lamang silang dalawa.
“Paano ka, Ate? Wala pa ang mga kasama mo,” ani Lucas dito na ngumiting umiling.
“Okay na ako. Salamat, Lucas. Sinamahan mo ako. Naging magaan sa akin ang gabing ito dahil sa'yo.” Puno ng sensiridad na pasasalamat ni Gabby ditong napangiti.
“Wala iyon, Ate. Masaya akong nakatulong ako sa'yo.” Sagot nito. “Sige. Pahatid na lang ako sa silid ng kuya ha? Ang totoo niya'n ay hindi ko na matandaan kung saan ang room niya at ngayon lang ako dito.”
“Kung naaksidente ang kuya mo, malamang nasa surgery ward kayo. Doon din dinala si Anton kaya samahan na kita.” Wika ni Gabby ditong tumango na nakayapos pa sa baywang ng dalaga.
Hindi naman nahirapan si Gabby na hanapin ang silid na kinaroroonan ng pamilya ni Lucas. Dahil pamilyar ito sa hospital at iisang ward pa sila ng kinaroroonan.
"Pumasok ka muna sa loob, Ate. Ipapakilala kita kay mommy at kuya ko." Paanyaya pa ni Lucas dito na ngumiting umiling.
"Hwag na, Lucas. Kailangan ko na rin kasing puntahan si Anton sa silid niya e. Salamat ulit sa pagpapagaan ng loob ko." Sagot ni Gabby ditong napanguso na marahang tumango sa dalaga. "Itong jacket mo nga pala--"
"You can take it with you, Ate. May extra jacket naman ako sa loob. Mas kailangan mo iyan." Putol nito na akmang huhubarin ni Gabby ang suot na jacket.
"Sigurado ka? Baka pagalitan ka ng mommy mo ha? Nakakahiya e. Alam ko namang mamahalin itong jacket mo," nakangiwing saad ni Gabby dito na ngumiti sa dalaga.
"Hindi magagalit ang mommy ko, Ate. Believe me. Sige na. You can take my jacket with you as a souvenir from me. Malay mo in the future, makilala kita dahil sa jacket kong iyan." Nakangiting saad ni Lucas dito na isinuot muli ang jacket at ngumiti sa binatilyo.
"Salamat, Lucas. Tatandaan kita. Goodnight." Ani Gabby na hinaplos ito sa ulo.
"Goodnight too, Ate. Magkapakatatag ka. Sana magkita pa tayo." Ani Lucas dito na hinayaan itong magaan siyang niyakap.
Lingid sa kaalaman ni Gabby, kanina pa may nakamasid sa kanya na kasamahan sa trabaho. Si Melanie. Ang dalagang kasama niya sa clinic nila na malaki ang pagkakagusto kay Anton. Dali-dali itong napasugod sa hospital na mapag-alaman niyang naaksidente ang kanilang mayor!
Napapangisi ito na kinukuhanan ng mga litrato si Gabby kasama ang isang lalake. Ang pagsama nito kay Gabby sa labas ng operating room. Pagsusuot ni Gabby sa jacket nito. May mga kuha rin na nagkataon na masaya silang dalawa at nakaakbay si Gabby dito o kaya ay nakayapos sa baywang niya ang binata. Maging ang magkasamang pagkain ng dalawa sa convenient store sa tapat ng hospital at magkayakap na paglalakad ng mga ito sa hallway ay nakuhanan ni Melanie ng mga litrato.
“Patay ka ngayon, Gabby. Tignan ko lang. . . kung gugustuhin ka pa nila madame kapag makita nilang nagawa mo pang makipaglandian sa ibang lalake habang nasa operating room si Anton.” Usal nito na napapangising umalis na sa hospital.