NAIILING napapaikot ng mga mata si Gabby sa tuwing magsasalubong ang paningin nila ni Matteo at matamis na ngumingiti sa kanya ang binata. Kanina niya pa ito pinapaalis at nangungulit lang naman ang binata sa kanya pero heto at hindi niya ito mapalabas ng opisina niya. Nagkukunwaring abala ito sa kanyang desktop kahit ang totoo ay wala naman itong ginagawa. Gusto niya lang makaiwas kay Matteo at masyadong malantod ang binata sa kanya. Napalunok si Gabby na maalala ang nangyari sa kanila ni Matteo kahapon. Natigilan ito sa pagtitipa sa keyboard niya na napasulyap pa sa dala ni Matteo na bouquet na nasa lamesa niya. Sa itsura pa lang no'n ay halatang mamahalin iyon. Nilingon nito si Matteo na nakahilata sa sofa. Sa tangkad nito ay hindi siya kasya doon. Nakapatong na nga ang mga binti n

