NANGINGITI si Matteo na napapayag niya si Gabby na kumain sila sa labas. Katatapos pa lang nilang magmeryenda kanina pero dahil lunch break naman na, inaya nito ang dalaga bago pa ayahin ng mga kaibigan nito. Pumayag naman si Gabby at hindi rin siya tinatantanan ni Matteo. Para magtigil na rin ito kakakulit sa kanya. Habang kasama niya si Matteo, palihim nitong inaaral ang ugali nito. Magaan naman ang loob niya sa binata. Likas itong pilyo at makulit. Parang si Lucas lang din. Iyon nga lang, malandi ang isang ito. Hindi katulad ni Lucas na parang inosente pa sa mga dirty jokes. Likas itong mabola at mukhang sanay na siyang magpa-cute sa mga babae. Dinadaan niya sa matamis na ngiti at pakindat-kindat niya para mapangiti ang isang babae at mahulog ang loob dito. Kaya naman hindi na nagtata

