Nagising ako na mag-isa na lang sa kwarto, nilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko nasilayan ang mukha ng aking asawa. Kipkip ang kumot na bumangon paalis sa higaan at tumungo ng banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong lumabas ng kwarto ngunit tanging mga katulong lang ang nadatnan ko sa sala’s maging sa kusina. “Manang, nasaan po ang asawa ako?” Malumanay kong tanong, nagkatinginan naman ang mga katulong sa isa’t-isat at bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha. “Hm, Ma’am maaga pong umalis si Sir dahil may business trip po siya, hindi lang po ako sigurado kung kailan po s’ya babalik.” Magalang na sagot niya sa akin, para akong sinampal at bigla akong natamemē dahil pakiramdam ko ay napahiya ako sa harap nilang lahat. Kaya pala ganun na lang ang naging reakasy

