“PAK!” Pagpasok sa loob ng kwarto ay isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa aking asawa. Pakiramdam ko ay nag-iinit at nangangapal na ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal. Nanginginig ang aking kamay na hinawakan ko ang nasaktang pisngi habang patuloy sa pagpatak ang masaganang luha mula sa ‘aking mga mata. “Sabihin mo sa akin! May relasyon ba kayo ng lalaking ‘yun?” Nanggigigil niyang tanong, ramdam ko ang matinding galit nito sa akin na para bang may nagawa ako na isang mabigat na kasalanan. Nasasaktan ako dahil sa pang-aakusa niya sa akin na wala namang matibay na batayan. “A-Ano bang sinasabi mo? Wala akong alam sa mga binibintang mo sa akin.” Kahit nakakaramdam na ako ng galit para dito ay sinikap ko pa ring maging mahinahon. Sa kabila ng pananakit niya sa akin ay mas i

