“Mr. Welsh maaari ko bang hiramin sandali ang iyong cellphone dahil nakalimutan ko sa kwarto ang aking cellphone. Tatawagan ko lang si Uncle Samuel.” Halos pabulong na sabi ni Thalia sa tapat ng tainga ni Alistair dahil medyo maingay sa sala’s, katatapos lang nilang mag dinner at ngayon ay nagkakasiyahan ang lahat sa pagpapalitan ng masasayang kwento. Ang mainit na hininga ng kanyang asawa ay naghahatid ng ibayong kilabot sa kanyang pakiramdam. Hindi na siyq nakapagpigil at hinarap niya ito bago mabilis na dinampian ng halik ang mga labi ni Thalia. Hinayaan na lang ito ni Thalia bagkus ay matamis na nginitian ang asawa. Parte na rin ito ng kanilang kasunduan na bumuo ng isang magandang relasyon sa pagitan nilang dalawa bilang mag-asawa. Kung iyong pagmamasdan ay parang naglalambingan a

