Chapter 4: The Greatest Karma

1148 Words
FLASHBACK… Rayver’s POV Dumating ang pamilya naming dalawa ni Ema dito sa hospital nang nabalitaan nila ang nangyari. Kitang-kita ko ang lubos na pagkamuhi kahit sa sariling mga mata ng magulang ko dahil sa nangyari. Napigilan man ang pagpapalabas ng pangyayaring ito sa media pero mas malala pa ang mapanghusgang tingin nila sa’kin ngayon. “I can’t believe you’re capable of killing your own son, Rayver. Hindi ka namin pinalaking gago pero ano itong ginawa mo?! Sinisira mo ang imahe natin sa mga Mirafuente at pinatay mo pati ang apo ko!” my asshole of a father blurted out. Hindi na siya makapaghintay na pagsabihan ako at dito mismo sa opisina ng doktor ni Ema niya ako binubulyawan. The doctor, however, left the office earlier to give us some privacy and here it is. “You know damn well it was an accident. Sa tingin mo ginusto ko ring mamatay ang sarili kong anak?! At tsaka anong hindi mo ako pinalaking gago? As a matter of fact, manang mana ako sa’yo na certified gago!” sigaw ko pabalik.  “Rayver Francis! Respetuhin mo ang ama mo!” my naïve mother interrupted standing beside my so called father. “Kung okay lang sa inyong hindi respetuhin ma, pwes ako hindi. I’ve long lost my respect with this asshole.” In a glimpse, my own mother slapped me but I didn’t flinch. Masyado na nila akong sinanay. This messed up family with a f*****g perfect image is disgusting. At least ako, walang filter ang pagiging gago pero itong ama ko, palaging nagmamalinis. “Oh ba’t parang kasalanan ko ulit ma? Hindi ka ba nadala sa pambababae nitong asawa mo at harap-harapan pang dinadala sa bahay?”    “RAYVER FRANCIS, SHUT THE HELL UP!” “NO, YOU SHUT UP ROMERO SALVADOR!” pagduro ko sa kanya tsaka sila nilampasan at lumabas ng silid bago ko masuntok ang sarili kong ama. I need to breathe.   “Rayver,” but hearing another familiar voice made me halt. Si Don Rafael. “Papá.” Pagkaharap ko sa kanya, naroon pa rin ang blangkong expresyon sa mukha niyang strikto pero halatang may iba pang emosyon doon. Walang iba kundi pagkamuhi. “I’m disappointed in you. Pinagkatiwala ko sa’yo ang anak ko at pati ang magiging apo ko.” “Alam ko Papá at inaamin ko ang matinding kasalanan ko. I’ll see how I can fix things and make amends.” “Maibabalik mo ba sa mundo ang apo ko?” deretsong tanong niya na parang ang dali nitong gawin. “Hindi po...” nakayukong tugon ko. “Then there’s no more amends you can do so you better stop calling me Papá. Wala akong anak na tarantado. Makakaalis ka na.” “Pupwede ko bang makita ulit si Ema kahit saglit lang???” “Ayaw kang makita ng anak ko.” “Pero Papá---” sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero sunod na sumalubong sa’kin pagkalingon niya ay ang likod ng palad nitong may singsing na dumapo sa gilid ng mukha kong nasampal rin ni mama kanina. This time around, nalasahan ko ang sariling dugo sa labi dahil sa lakas ng impact. Wala akong pakialam sa sakit at lumuhod pa rin para hawakan ang isang kamay ni Don Rafael. “Patawarin niyo ako, Papá. Alam kong walang kapatawaran ang nagawa kong kasalanan sa inyo ni Ema pero handa akong gawin ang lahat makuha lang ulit ang tiwala niyo. Pangakong magbabago na ako.” “Kahit lumuhod ka buong gabi o ilang araw pa, walang kwenta ang paghingi mo ng patawad. Damputin niyo nga ‘yan at ilabas dito bago pa man tuluyan magdilim ang paningin ko.”   Iyon lamang ang huling sambit ni Don Rafael bago ako pinatayo ng isang tauhan niya at akmang kukuyugin pa ako palabas pero nagpumiglas na ako at kusang umalis. This is probably the worst event of my life right now and I feel like a complete s**t. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito at sa bigat ng nararamdaman ko. Alam kong mali ang ginawa kong pagtataksil kay Ema at aminado akong gago akong nangangaliwa ng ibang babae pero hindi ko kailanman hiniling na madamay ang anak ko. Ang anak namin. Fuck it Rayver. Sobrang gago mo at sana ikaw na lang ang namatay. Hindi nila maintindihan na pati ako nawalan din at parang may parte sa pagkatao kong nawala nung oras na sinambit ng doctor na wala na ang panganay ko. I f*****g swear it’s worse than any physical pain combined kaya wala akong pakialam kung anong pwedeng mangyari sa’kin ngayon. Basta lang akong naglalakad ng walang eksaktong direksyon kagaya mismo ng buhay kong patapon ngayon. Literal na gusto ko na ring mamatay. Who’s going to mourn for my loss anyway? No one cares for my well-being--- but now that I think of it, napatigil ako sa paglalakad at hingal na napaupo sa gilid ng kalsada.   “f**k this life.” Napatingala ako sa kawalan at naisip ko ang nakangiting mukha ni Ema tuwing umaga na binabati ako ng good morning. Tuwing gabi na umuuwi ako galing opisina, ngiti niya ulit ang sasalubong sa’kin at sasabihing may hinanda siyang pagkain na natutunan niya sa isang recipe book. The way she helps me fix my tie na siya mismo ay nahihirapan nung una pero nanood daw siya sa Youtube kung paano ito gawin nang matulungan niya ako araw-araw. Her text messages that I receive anytime of the day reminding me to eat and not to exhaust myself too much. Napahawak ako sa magkabilang sentido ko. Sa kakahanap ko ng totoong may paki sa’kin, ni hindi ko naisip na nasa harapan ko na pala araw-araw. Ema was there all along and she never failed every single day to make feel like the best husband she’s ever had kahit wala siyang alam na ginagago ko siya sa tuwing umaalis ako ng bahay. Paniwalang-paniwala siya sa mga alibi ko na business trips kahit ang totoo ay nasa isa ko pang babae ako nakikisuyo.   Nagagawa ko siyang batiin ng mga ngiti ko at halikan siya sa labi na para bang wala akong ibang labi na nahalikan bago umuwi sa kanya. Matagal ko nang alam ang pagkukulang sa pagkatao ko pero sa tuwing nasa mga bisig ako ni Ema, totoong nakakaramdam ako ng comfort. Kahit ilang babae pa ang nakakasama ko, sigurado akong uuwi ako sa kanya dahil naturingan ko siyang tahanan. Kung kailan wala na siya sa’kin, tsaka ko na napagtanto ang tunay niyang halaga. Why the f**k did I realized all these just now?   I guess this is my greatest karma after all. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD