FLASHBACK CONTINUATION…
Third Person’s POV
Sinubukang bumalik ni Rayver sa hospital pero sa entrance pa lang, naroon na ang iilang tauhan ni Don Rafael at pinagbabawalan na siyang pumasok.
“Wala kayong karapatang pagbawalan ako! Andiyan ang asawa ko sa loob!” inis na sigaw ni Rayver at wala siyang pakialam kung may ibang taong napapatingin sa kanya pati staffs ng ospital.
“Pasensya na sir pero mahigpit na pinagbilin ni Don Rafael na hindi kayo papapasukin at lalong hindi niyo pwedeng makita si Senyora.”
Sarkastikong napatawa si Rayver at biglaang dinambahan ang nagsalitang tauhan tsaka hinawakan ang manggas ng kwelyo nito.
“Baka nakakalimutan mo ring kausap mo ang pinakamakapangyarihang Salvador. Gusto mo bang mawalan ng trabaho?” may diin ang bawat salitang sinasambit nito at hindi maipagkakailang nakitaan niya ng takot sa mga mata ang tauhan kaya lalo siyang naengganyo.
Rayver has been known to be a troublemaker outside of business and a womanizer to some pero kahit ganoon ang nakuhang reputasyon, hindi pa rin maipagkakailang siya mismo ang nagpalago ng negosyo nila at mag-isang nagtaguyod ng sariling pangalan para makilala sa business industry. In fact, his bad reputation had some clients curious making them invest in him instead of hating. Kung ang iba ay ayaw madungisan ang pangalan dahil lang sa takot mahusgahan, ang tagapagmanang si Rayver Salvador ay nasisiyahan sa tuwing kakalat ang iilang kalokohan niya sa media na natatabunan din kalaunan ng partnership niya sa mga kilalang tao.
“Mr. Salvador, mataas din po ang respeto ko sa inyo pero sadyang sumusunod lang kami sa utos. Huwag niyo sanang idamay ang trabaho ko dahil may pamilya akong binubuhay.”
“May pamilya ka pala at ako namatayan ng pamilya. Saan ba ang mas mabigat don?”
Napayuko ang tauhan at piniling hindi na magsalita. Wala na ring ganang makipag-away si Rayver ngayong gabi dahil biglaan siyang nakaramdam ng matinding pagod pagkaalala ulit na wala na ang anak niya. Binitawan niya ang damit nito at dumiretsong parking lot para kunin ang sasakyan niya. Gustong-gusto niyang yakapin ulit si Ema para kahit papaano’y maibsan man lang ang sakit na nadarama nito pero hindi niya iyon magagawa kung puno ng bantay ang hospital at ayaw siyang papasukin. Hindi na rin siya pwedeng magpumilit dahil baka may makarinig at malaman ng iba ang nangyari ngayong araw.
The last thing he wants is for the media to rejoice for what he lost. Sa tagal niya sa industriyang ito, alam niyang walang simpatiya ang mga tao sa media basta lang makasagap ng sariwang balita. Bigla niyang naisip ang pangyayari kanina sa opisina at napasuntok sa manibela tsaka kinuha ang cellphone para tawagan ang sekretarya niya kahit lagpas office hours na.
(Hello, good evening po Mr. Salvador. Napatawag po kayo?)
“Trixie. Can you give me an assurance that the incident earlier will not leak?”
(Yes po. Sigurado akong walang ibang makakaalam sa nangyari. Pumunta rin dito kanina ang ama niyo para kausapin ang ibang empleyadong nakasaksi.)
“Of course, my good for nothing father. Diyan nga pala siya magaling sa pag-aayos ng gusot. Sige, ayun lang ang sadya ko. Salamat.”
(Uhm, kung pupwede lang pong magtanong. Kamusta ho si Senyora Ema?) maingat na tanong ni Trixie at alam ni Rayver na concern lang talaga ito dahil naging kaibigan niya mismo si Ema.
“She’s… grieving like I am. Wala na ang anak namin.”
Napasinghap si Trixie sa kabilang linya at nakaramdam ng awa sa mag-asawa lalong-lalo na sa boss niya. Kinakatakutan ng marami si Rayver pero nakita ni Trixie kung paano ito ngumingiti sa tuwing naghahatid si Ema ng pagkain sa opisina. Agad nag-iiba ang mood nito kahit sobrang stress sa trabaho kaya sigurado siyang napamahal si Ema kay Rayver.
(My condolences po sa inyo, Mr. Salvador.) iyon lang ang huling nasabi ni Trixie tsaka na pinutol ni Rayver ang tawag.
Habang nakatingin sa kawalan, bumalik ang isipan niya nung araw na nalaman niyang buntis si Ema. He felt the familiar happiness and then it automatically got overpowered by regret.
FLASHBACK…
(Love! Kailangan mong umuwi ngayon na daliiii!) excited na tugon ni Ema sa telepono at literal na napapatalon habang nakaupo sa sofa. Alas tres pa ng hapon at hindi pa oras ng uwian pero hindi na siya makapaghintay na sabihin ang balita kay Rayver.
“Mukhang good news ‘yan at kailangan kong umuwi ngayon din, love?” nakangiting sambit ni Rayver at sumenyas sa nagdidiscuss sa unahang tumigil na muna. Nasa kalagitnaan siya ng board meeting pero hindi pwedeng hindi niya sagutin ang tawag ng asawa.
(Yeeess! As in now na pero kung busy ka at hindi talaga kaya---)
“No, no. I’m not busy at all. Pauwi na’ko ngayon din. Do you want something I could bring, my love?”
(Buy me some dark chocolates, please? And then uwi ka na agad. Byee! Drive safely, love!)
Nakangiting nagpaalam na rin si Rayver bago tuluyang binaba ang tawag.
“I’ll have to re-schedule this meeting for tomorrow ladies and gentlemen. I have an urgent matter to attend. Trixie, pakiayos na ang lahat dito ah? Kailangan ko ng umalis.”
“Yes po, Mr. Salvador.”
Wala na ring nagawa ang ibang ka meeting ni Rayver dahil siya ang CEO at hindi sila pupwedeng magpatuloy kung wala ito. Deretso ng parking lot si Rayver at nagmaneho sa paboritong shop ni Ema para bumili ng isang bag ng dark chocolates tsaka na umuwi sa penthouse nilang tinitirhan sa tuwing andito sila sa city.
Pagkabukas ng private elevator sa penthouse nila, agad bumungad ang nakangiting mukha ng asawa.
“Love! Welcome home!” she chirped in her usual bubbly self.
‘Welcome home.’ Ito palagi ang inaabangan ni Rayver sa tuwing umuuwi siya dahil ramdam niyang si Ema ang nagiging stress-reliever niya sa hectic schedule buong araw.
“Thank you, love.” Nakangiting sambit ni Rayver at agad hinapit ang beywang ng asawa tsaka hinalikan sa labi na agad tinugon nito. His right hand started to massage her bum and Ema stopped the kiss.
“Wait! Bago tayo mapunta diyan sa suggestion mong hindi ko rin hihindian, hear my good news first!” excited na tugon ulit ni Ema kaya napapailing na ngumiti si Rayver.
“Sure, my lovely wife. All ears on you,” sabay kindat ni Rayver at biglaang binuhat si Ema na siyang tumili sa galak pero kumapit din naman sa asawa at pinagmasdan ang mukha nito.
“Ang gwapo gwapo mo talaga. Pwedeng hindi ka na lang magtrabaho at titigan kita whole day, love?” malambing na tono ni Ema.
“Pag iyan talaga ang gusto mo, pwedeng-pwede. I can make love to you every single day so you can stare at my handsome face too.”
“Kahit kailan talaga ang naughty mo ah! I like that!”
“Nagiging naughty ka na rin these days at ginigising mo’ko sa kalagitnaan ng madaling araw.”
Natawa si Ema dahil totoo naman. Pagkababa ni Rayver sa kanya sa kanilang kama, hindi siya bumitaw mula sa pagkakapulupot ng mga braso niya sa leeg nito kung kaya’y masusubsob sana si Rayver pero nakabalance ang kamay nito sa gilid at siniguradong hindi madadaganan si Ema.
“See now you’re starting--- ”
“I’m pregnant!” biglaang pagsambit ni Ema na ikinatigil ni Rayver at tila hindi pa naproseso ang sinabi nito ngunit nung pinaulit niya pa ang narinig, tuluyang nanlaki ang mga mata niya at abot tengang ngumiti.
“Really?! I’m going to be a father?!”
“You are going to be a great father, love!” masayang sambit ni Ema at inipit ang mukha ni Rayver sa mga palad niya. He felt the overwhelming happiness and slowly dipped his head to kiss her gently. His hand caressed her flat belly making sure not to put pressure on it as they continued all the way.
He could not ask for more at the moment.
END OF FLASHBACK…
Tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Rayver at mariing napapikit. He remembered how Ema was so bubbly and radiant who trusted him everyday but then he shattered all that in one go. Napasuntok siya sa manibela ng sasakyan at ginulo ang buhok dahil sa sobrang inis at sakit.
He never thought that this would be the most painful consequence of his stupidity.
One that would make him regret for the rest of his life.
***
Sa araw ng burol ng anak ni Ema, ginawa itong pribado at minabuti pati ni Don Rafael na walang sinumang Salvador ang makakapunta dahil na rin sa kagustuhan ni Ema at kahit hindi pa hiniling ng anak, hindi rin talaga niya hahayaang dumalaw ang mga Salvador dito ngayon.
They all grieved for the loss of Ema’s unborn angel. Hindi niya man lang nasilayan ang mundong handang ibigay ng pamilya niya at hindi rin maiwasang sisihin ni Ema pati ang sarili. Matapos mailibing ang anak niya, nagpaiwan siya sa pamilya at umiyak ulit nang umiyak sa tapat ng puntod nito.
Rayver’s POV
Alam kong hindi ako pupwede rito pero kahit ilang beses pa akong pagbantaan ng lahat, hindi maaaring ‘di ko makita ang sariling burol ng anak ko. Pagkaalis ng sasakyan nina Don Rafael, agad akong naglakad palapit kay Ema na nakaupo sa tapat ng lapida ng anak namin.
‘Rayver Mirafuente Jr.’ iyon ang nakaukit na pangalan sa lapida.
Nihindi man lang niya nadala kahit apilyedo ko sa huling hantungan.
“Ema…” tinawag ko siya kahit kanina ko pa siyang gustong yakapin.
The moment she met my eyes though, was the exact moment I shattered again to pieces. Tumayo siya matapos magpunas ng luha at hinarap ako ng malalamig niyang tingin na hindi ko makakalimutan habangbuhay.
“Sinabi kong hindi ka pupwede rito,” galit na sabi niya at matalim akong tiningnan. Gusto ko siyang abutin pero alam kong imposible na iyon.
“Ako pa rin ang ama at nawalan rin ako kaya hindi ko kayang ‘di pumunta, Ema.” Buong lakas kong sinubukan para hindi pumiyok ang boses ko kahit alam kong magulo ang kabuuang hitsura ko ngayon at wala nakong pakialam.
Humakbang siya papalapit sa’kin at alam ko na ang susunod niyang gagawin pero hindi ako umatras at hinayaan siyang sampalin ako ng dalawang beses.
“Tinatawag mong ama ang sarili mo? Ngayon mo pa nasasabi ‘yan? Ang kapal ng mukha mo! Maiintindihan ko naman kung hindi mo ako mahal dahil sa punyetang arranged marriage pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi mo man lang nagawang maging tapat sa amin ng anak mo! Nakulangan ka ba sa s*x, ha? Sumagot ka! Saan ako nagkulang bilang asawa mo, Rayver?!”
Tumagos sa’kin ang bawat salita niya at gustuhin ko mang sabihin na hinding-hindi ko pinagsisihang kinasal kami sa isa’t-isa pero alam kong wala nang saysay dahil hindi na niya ako papaniwalaan.
I don’t even have an excuse as to why I cheated several times. I’m just a messed up piece of s**t.
“Walang mali sa’yo, Ema. Sadyang gago lang talaga ako,” pinili kong sambitin dahil una pa lang, sigurado akong walang kahit katiting na mali sa pagmamahal niya sa’kin.
“Alam mo naman palang gago ka eh sana hindi mo na lang ako pinakasalan at hindi dinamay ang anak ko!”
Tila walang salitang tutumbas sa sinabi niya kaya natahimik ako ng ilang saglit at wala sa isip na tinatanggap ang pagtulak niya sa’kin hanggang sa nasangga ko ang kamay niya at tinitigan ko siya sa mukha.
“Bakit ka pa kasi pumunta sa opisina ko?? Tsaka hindi mo na dapat sinugod si Vichelle dahil alam mong buntis ka. Hindi lang ako ang may kasalanan dito, Ema. Kung hindi ka rin sana naging pabaya edi okay tayong lahat.”
Dahil sa inis, hindi ko maiwasang sisihin pati ang pagpunta niya pero agad din akong nagsisi nang napaatras siya at tiningnan ako na parang hindi makapaniwalang nasabi ko iyon. f**k. I keep messing this up instead of fixing it and I can’t take anything back. Napakunot ang nook o nang bigla siyang tumawa ng sarkastiko.
“So it turns out this is my fault. Lumabas rin sa bibig mo na dapat ay hindi kita sinorpresa para dalhan ng paborito mong pagkain at dahil na-miss kita. Dapat rin pala akong natuwa at pumalakpak pagkakita sa asawa kong nakikipaglampungan sa ibang babae. Ako pa ang pabaya ngayon. You’re unbelievable, Rayver. Really, unbelievable. Ngayon mo mas pinapaintindi sa’kin kung bakit hindi dapat kita pinakasalan in the first place.”
Matapos sabihin iyon, tinalikuran na niya ako at aalis na sana pero naabutan ko pa siya at hinawakan sa braso.
At this point, I’m willing to give everything up to ask for her forgiveness but I just don’t know how to start. I’m f*****g unsteady and a wreck. Aminado akong hindi ko rin alam kung paano sumuyo ng tao dahil nasanay ako masyadong sila ang susuyo sa’kin. Nasanay akong ako ang hinahabol at hindi ang naghahabol. I’m an egoistic jerk ever since.
“Pag-usapan natin ito Ema. Ilang ulit na akong nagmakaawa sa iyo para patawarin ako pero handa akong gawin ulit iyon nang paulit-ulit hanggang tanggapin mo ako pabalik. Hindi ko sinasadya ang sinabi ko at hindi ko kayang mawala ka sa’kin nang ganito.”
Kahit ilang libong beses pa basta’t bigyan niya lang ako ng isa pang pagkakataon, lahat ng sasabihin niya susundin ko at hindi na ako lilingon pa sa iba. Handa na akong buksan ang sarili ko sa kanya nang buong-buo at walang anumang itatago.
Just please… one last chance, Ema. I prayed silently even though I don’t deserve to be heard.
“Sana naisip mo iyan bago ka nakipaglandian sa ibang babae. Ipapadala ko sa iyo ang annulment papers natin as soon as possible.”
Nanghina ang buong pagkatao ko pagkarinig non at tila naestatwa sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit na nag-replay sa isipan ko ang sinabi niya at hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo rito dahil kanina pang nawala sa paningin ko ang sasakyan niya.
Annulment. Gusto na niyang kumawala sa kasalan namin.
The one person who stood beside me and the only one who I considered my home now wants to be free and I can’t do anything about it.
Nanginginig pati mga tuhod ko pero pinili kong balikan ang puntod ng anak ko at hinaplos ang lapida niyang natutuluan ng sarili kong mga luha.
“I’m sorry if I wasn’t able to protect you, anak. Pasensya ka na kung gago ang naging tatay mo. Kung pupwede… kung pwede sana kitang palitan diyan, gagawin ko kahit anong oras pero alam kong imposible iyon. Ang tanging mahihiling ko lang ay sana… huwag mong pabayaan si mommy mo. Be her guardian angel as I don’t deserve you. Gusto ko lang malaman mong mahal na mahal kita. Mahal ka naming lahat kahit hindi ka man lang namin nasilayan. Please forgive me my son…”
Napahagulgol ako sa iyak at wala akong pakialam kung gaano ako ka miserable ngayon o kung may nanonood pa man o ano. Hindi ko alam kung magagawa ko pang tanggapin na mawawala lahat ng plano namin ni Ema para sa future ng panganay namin at pati mismo si Ema ay mawawala na rin sa’kin.
“Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko anak… pero patawarin mo sana ako…”
My eyes became blurry as I stared at my son’s tombstone.
I remembered how me and Ema laid in bed thinking of our son’s future. His first smile and his first words. Kung sinong susundo sa kanya sa skwelahan, kung ano kayang makakahiligan niya at kung saan siya mas magmamana. We even thought of having another child, preferably a younger sister but all of that is gone.
Ang binili at pinagawa kong mga gamit kahit 3 months pa lang si Rayver Jr. sa tiyan ni Ema, wala nang silbi.
The price for my reckless behavior is a burden I would carry for the rest of my damned life. Ema and my son are the blessings I took for granted and for any blessing that’s mishandled will be taken away and I should bear the pain that comes with it.
Aminado akong gago pero hindi ba’t sobra naman ito? Napatingala ako sa langit at ngumiti nang mapait. And I even have the guts to question him. Tarantado mo, Rayver.
‘Sana naisip mo iyan bago ka nakipaglandian sa ibang babae. Ipapadala ko sa iyo ang annulment papers natin as soon as possible.’ Ema’s voice echoed inside my head.
Tama. Ito ang napapala ko at dapat kong tanggapin na miserable na ako habambuhay.
That one shot of happiness given to me was wasted which is why I deserve all these.
Fuck my life.