Chapter 6: The Wrath of an Ex-in-law

2057 Words
FLASHBACK CONTINUATION… Third Person’s POV Pribado ang libing ng anak nina Ema at Rayver kaya minabuti ng pamilya na walang ibang tao sa mismong sementeryo. May nakapaligid na bantay ni Don Rafael at nang tuluyan na ngang nakaalis ang sasakyan ni Ema na minamaneho ni Mang Efren, may panibagong sasakyan na pumarada di kalayuan kung saan nakaupo si Rayver sa tapat ng puntod ng kanyang anak. Lumabas ang tatlong kalalakihan at mabilisang lumapit kay Rayver para patayuin ito sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang braso niya. “Sino kayo? Hindi niyo ba nakikitang---” bago pa man matapos ni Rayver ang sasabihin, may kung anong tinakip sa bibig niya para mawalan ng malay at di na makalaban. Sinakay siya sa kotse at wala siyang malay sa isa’t kalahating oras na biyahe. “Sigurado ba kayong walang ibang nakakita?” bungad ni Roger sa driver ng sasakyan pagkapasok sa gate. “Sigurado po kami, sir. Minabuti rin naming nakalayo na ang sasakyan nina Senyora bago namin siya dinampot.” “Mabuti. Ipasok niyo siya sa loob at mag-uusap kami nang masinsinan,” nakangiting tugon ni Roger at agad siyang sinunod ng mga tauhan. Tuwing nasa trabaho, madalas may sariling mga bodyguards si Rayver na nakaaligid pero ngayong nasa Las Estancia siya, kumpyansa itong kilala ang angkan nila kaya walang mag-aatubiling kalabanin siya pero ibang usapan na kung ang mismong hari ng lugar ang may galit sa kanya. Nagising si Rayver nang maramdaman ang pagbuhos ng tubig sa ulo niya at nanginig sa lamig. Sinubukan niyang magpumiglas pero hindi siya makagalaw at doon niya napagtantong nakatali siya sa isang upuan sa gitna ng open space ng compound. Nilinga-linga niya ang paligid pero hindi pamilyar ang lugar hanggang sa may taong lumapit sa harapan niya. “Gising ka na pala Senyorito.” “Roger? Anong karapatan mong itali ako at dalhin dito nang walang pahintulot? This is kidnapping!” galit na bulyaw ni Rayver at sinubukang magpumiglas ulit para makawala pero nasaktan lang siya sa higpit ng tali. “May pahintulot ako ng ex-in-law mo Senyor. Alam naman nating pareho kung paano siya gumalaw kaya napag-utusan niyang ako ang magturo sa iyo ng leksyon,” nakangising dinungaw ni Roger ang mukha ni Rayver at nasisiyahan siya sa nakukuhang reaksyon mula rito. Si Roger ang isa sa mga kanang kamay na pinagkakatiwalaan ni Don Rafael. Noon pa man ay inis na siya sa kaangasan ng mga Salvador lalong-lalo na ang ama nitong si Romero na dinehado ang isa sa miyembro ng pamilya niya. Ngayon ay nasa kanya ang alas at hawak niya ang nag-iisang tagapagmana ng mga Salvador kaya lulubus-lubusin na niya ang pagkakataon. “Pag nakawala ako rito, sisiguraduhin kong malilintikan ka sa’kin.” “Kaya mo bang kalabanin si Don Rafael na ama ng asawa mong namatayan ng anak dahil sa’yo?” “Wala kang alam at wala kang karapatang makisali sa gulo ng pamilya. Baka nakakalimutan mong isa ka lang utusan,” nakangising pang-aasar ni Rayver na ikinainis ni Roger at sa isang iglap, dumapo ang kamao niya sa kanang pisngi ni Rayver. “Kahit nasa ganitong sitwasyon ka na, ang angas mo pa rin Salvador!” akmang susuntukin niya pa si Rayver pero naalala niya ang habilin ng Don na huwag sirain ang mukha nito kaya galit niyang pinatid ang inuupuan ni Rayver dahilan para patagilid itong bumagsak sa damuhan. “Ang bakla mo naman magalit. Ba’t hindi mo’ko pakawalan ngayon para patas ang labanan?” dinura ni Rayver ang kaonting dugong namuo sa bibig at sinalubong ang galit na mga mata ni Roger. Biglang nanggigil lalo sa inis si Roger sa pamamaraaan ng pagtingin sa kanya ni Rayver na para bang inuudyok pa siya at hindi man lang nasaktan sa suntok niya. Walang pag-aalinlangang sinipa niya ang tagiliran ni Rayver ng dalawang beses at hindi pa siya nakuntento, tinadyakan niya pati ang binti nito. Kahit nasasaktan na, pinipigilan ni Rayver ang mga daing niya para hindi bigyang kasiyahan si Roger. Kung makakawala lang talaga siya sa pagkakatali, sisiguraduhin niyang hihigit pang sakit ang ipaparamdam niya kay Roger.   “Tangina mo Salvador! Huwag mo’kong ginagalit dahil baka matuluyan kita!” Itutuloy pa sana ni Roger ang pambubugbog nang may panibagong tauhang dumating. Isa sa mga kalalakihan kanina at sinabihan siyang nasa telepono ngayon si Don Rafael upang kausapin siya.  “Bantayan mo ‘yan at huwag kang susunod sa kahit anong sasabihin niya,” bilin ni Roger sa tauhang lumapit sa kanya at tumango ito. Mariing tiningnan ni Roger si Rayver bago tuluyang umalis at pumasok sa loob ng mansyon. “Pwede bang pakiayos man lang ang upuan ko?” hindi komportableng pagsambit ni Rayver at kahit papaano ay tinayo nga ng lalaki ang upuan niya. “Salamat. Magkano ba ang sahod mo ngayon para maging sunud-sunuran ni Roger na isa rin lang utusan?” kaswal na pakikipag-usap ni Rayver at deretsong nakatingin sa lalaki para obserbahan ang magiging reaksyon nito ngunit hindi ito sumagot. “Hmm. If you let me go right now, I can triple your pay or maybe more? Wala akong masyadong pagagastahan ng yaman ko kasi wala na rin naman akong pamilya,” may pait sa boses na pagkakasambit ni Rayver at doon niya nakuha ang atensyon ng kaharap. “Kung pakakawalan kita, malalagot ako kay Don Rafael, Senyor.” “Hindi ba’t si Roger ang nag-hire sa’yo? Kilala ko si Papá at wala siyang pakialam sa mga tauhang hindi siya mismo ang umarkila. So why don’t you just let me go right now?” Ilang segundong napatitig ang lalaki kay Rayver at napapalingon pa ito sa mansyong pinasukan ni Roger kanina tsaka ibinaling ulit ang tingin kay Rayver. ‘Money can buy everything and everyone.’ Isip-isip ni Rayver at maya-maya lang ay mabilis siyang kinalagan ng lalaki. Sa oras na nakawala siya, sinikmuraan niya sa mukha ang lalaki at tinira sa vital points upang mawalan ito ng malay tsaka kinuha ang baril sa tagiliran nito at nagmadaling humanap ng ibang lagusan dahil paniguradong maraming bantay sa harap mismo ng mansyon. Alam niyang wala siyang masyadong panahon dahil sa oras na bumalik si Roger sa garden, malalaman nitong nakatakas siya kaya dapat makaalis na siya rito ngayon din. Makalipas ang ilang saglit, nakakita na rin siya ng isa pang gate sa likod ng bahay ngunit nakakandado ito. Walang pasabing kinasa nya ang baril at pinutok dito na paniguradong narinig na nina Roger kaya mabilisang tumakbo palabas si Rayver pero nadismaya siya nang napagtantong nasa gitna siya ng kagubatan. Walang anumang signs kung saan ba dapat ang daan palabas o ano pa pero ganun pa man ay pinili niya pa ring tumakbo kaso nakaramdam siya ng pagkahilo dulot ng drogang nasa panyo kanina. Napayukong nakahawak si Rayver sa ulo iya at nabitawan ang baril hanggang sa may tumaklob na kung ano sa ulo niya. “Tatakasan po pa ako, Salvador. Hindi iyan maaari,” bulong ni Roger at tuluyan nang nawalan ulit ng malay si Rayver.     *** Ilang oras bago nagising ulit si Rayver sa isang madilim na silid na may maliit na bintanang tinatagusan ng liwanag mula sa labas at iyon lang din ang nagsisilbing ventilation sa loob kaya punung-puno na siya ng pawis. Dahil liwanag lang ng buwan ang nagsilbing ilaw sa silid, doon niya napagtantong gabi na at nakatali ulit ang dalawang paa niya sa upuan habang ang dalawang kamay ay nakaposas habang nakapatong sa ibabaw ng mesang nasa harapan niya.     Rayver’s POV My life couldn’t get any better right now. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagapos nang ganito at paniguradong walang naghahanap sa’kin. Ang kaisa-isang taong pinagbigyan ko ng halaga maliban kay Ema ay si mommy pero sigurado akong iisipin niya lang na pumunta ako kung saan para magpalamig ng ulo at hindi narito, nagpapakidnap sa psychotic assistant ni Papá. Pag ako talaga nakawala pa rito, ako mismong bubugbog sa walanghiyang Roger na iyon and speaking of the devil himself. Bumukas ang kaisa-isang pintuan at pumasok siya kasunod ang dalawa pang tauhan. “Hello, Salvador. Kamustang tulog mo? Buti nagising ka pa.” “Ulul mo. Pag nakawala ako, ikaw ang hindi na kailanman gigising.” “Ooooh, katakot! Pero huwag kang mag-alala dahil kakalagan ko naman ang mga kamay mo para makakain ka at makainom ng tubig pero dapat kang masanay sa kwarto mong ito dahil matagal-tagal ka pang mananatili.” “Gago ka ba? Paano kong iiwanan ang kumpanya ko? Ano ba kasing gusto ni Papá? Hindi ba’t gusto lang niya ako turuan ng leksyon? Pwes pakisabi na sobrang laking leksyon na ang pagkawala ng anak ko pati asawa!” “Tama ka ngang patuturuan ka ng leksyon ni Don Rafael pero sabi niya kasi, akong bahala. Ang galing ‘di ba? Kaya wala kang karapatang magreklamo. Isa pa, pinasabi ko na sa assistant mong mag-oout of town ka kaya walang problema. Ang magaling mong ama ang papalit sa’yo pansamantala.” “Kung ganon, pakawalan mo na ako. Magkano bang kailangan mo para makaalis ako ngayon din?” inip na sambit ko at gusto ko na talagang humilata sa sarili kong kama o magpakalunod sa alak. “Akala mo talaga nabibili ang lahat ano, Salvador? Pwes ako, hindi. Walang tutumbas na kahit anong pera sa galit ko sa’yo at ako ang masusunod kung kailan kita pakakawalan, maliwanag? At sakto na rin ang silid na ‘to para makapagmuni-muni ka sa lahat ng kasalanang nagawa mo. A taste of hell kumbaga dahil paniguradong doon din naman ang bagsak mo sa tamang panahon.” “Magkikita tayo roon sa ginagawa mo ngayon, Roger.” Natawa lang siya sa sinabi ko at nilatag ng tauhan niya ang tray ng pagkain sa harapan ko pero walang kasamang utensils kundi gloves lang. Pati ang lagayan ng tubig ay plastic cup.   “Ayan. Naniniguro akong hindi mo’ko biglaang saksakin kaya magkamay ka munang kumain, Senyorito. Kailangan mong magpalakas ngayon dahil marami pa tayong gagawin bukas. Sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka at hinding-hindi mo makakalimutan ang pamamalagi mo sa’kin.”   Iyon lang ang huling sinabi niya at lumabas na ng silid. Nanatiling naka-on ang nag-iisang ilaw sa itaas ko na parang nasa interrogation room. Pagkakita ko sa pagkain, mukhang edible naman at doon ko lang naramdaman ang pagkalam ng sikmura kaya nagsimula na akong kumain kahit nakaposas. Hindi ngayon ang panahon para magreklamo dahil kailangan ko rin ng lakas para makaalis sa lugar na ‘to. Matapos kong kumain, nakaramdam ako ng pagkaihi at nakakaputangina ang sitwasyong ito ngayon. “Roger! Gusto kong mag-CR palabasin mo’ko!” sigaw ko at maya-maya’y bumukas ulit ang pintuan pero hindi na si Roger ang pumasok kundi iyong dalawang tauhan kanina. “Huwag kang magtangkang tumakas kundi masasaktan ka sa’min.” “Yeah yeah whatever. Saan nga ang CR?” walang ganang tanong ko dahil wala naman na talaga akong planong manlaban ngayon. Gusto ko na lang tanggapin ang kahit anong ibabato sa’kin pero ang hindi ko mahayaan ay ang hampaslupang si Roger ang huli kong makikita kung sakaling mamatay man ako rito. No f*****g way. Kinalagan nila ang tali ko sa paa pati ang posas nang nasa tapat na kami ng banyo at pagkalabas ko, pinosasan nila ulit ako. “Pupwede bang huwag niyo nang itali ang mga paa ko? Wala naman akong mapupuntahan sa loob.” Nagkatinginan ang dalawa pero umiling din at nabalik ako sa pwesto kong nakaupo habang di makaalis o makahiga man lang. Patagilid kong inunan ang ulo ko sa dalawang brasong nakapatong sa mesa habang nakatingin sa kaonting liwanag mula sa bintana. Ano pa bang pwedeng mangyari bukas? Ang tagal ng takbo ng oras at hindi ako inaantok dahil nakatulog ako kanina. Nakakabaliw ang sitwasyong ito at baka tuluyan akong mawala sa katinuan pag nagtagal ako rito. Gusto ko pang makita si Ema. Kailangan ko pa siyang makausap at baka sakaling maging okay pa kami. Tama tama. Iyon dapat ang iisipin ko kaya dapat akong makaalis dito at mag-uusap pa kami at hindi kailangang humantong sa annulment agad. For now, I guess I just have to bear the wrath of my ex-in-law and his crazy assistant.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD