Chapter 7: Under The Same Roof I

2275 Words
PRESENT… Third Person’s POV Agad pinaalis ni Rayver si Dorotea sa kanyang opisina matapos ang two rounds nilang milagro. Habang nagpapakli ng mga papeles si Rayver, napapasulyap siya sa file na ipinasa ni Dorotea hanggang sa naisip niyang buksan ulit ito. Naroon ang basic details pati ang health background dahil nga nauuna sa checklist niyang malinis ang babaeng dadala sa magiging anak niya. Dinaganan ng hintuturo niya ang inosenteng mukhang nakangiti ni Dorotea sa two by two picture nito at napaisip si Rayver kung paano niya kinuha ang parte ng kainosentihan nito. He couldn’t help but think of how smooth her skin was and how it shines a little brighter each time the sun rays touched it. He also remembered how sexy she sounded telling him to do everything he’d want as well as her demure accent. Doon niya nakita sa file na nakatungtong ng Business Administration si Dorotea. Napapikit siya nang inalala kung paanong nagrereact si Dorotea sa bawat haplos niya at kung paano itong pagpawisan habang umiindayog siya sa ibabaw nito. “s**t. Focus, Rayver. Hindi ngayon ang oras para magpantasya,” pagkakausap ni Rayver sa sarili at napailing dahil nararamdaman niya ang sariling alaga na nagrereact din sa sariling imahinasyon. Tiniklop niya ulit ang file tsaka itinabi at tuluyan na ngang nilubog ang sarili sa trabaho.     *** Kinabukasan, lahat ng papeles ni Rayver ay pinadala niya sa opisina ng bahay dahil ngayong araw niya pinasundo si Dorotea upang tumira sa kanya pansamantala hanggang sa matapos ang pagbubuntis nito. He had himself checked to be sure that he’s able to convey a baby and he’s sure as heck. Sisiguraduhin niyang mabubuntis si Dorotea sa lalong madaling panahon nang mawala na ito sa buhay niya. Itutuon niya ang buong atensyon sa oras na masilang ang anak niyang dadalhin ni Dorotea. She’ll be his surrogate and nothing else.  Maya-maya, tumunog na ang intercom ng penthouse niya hudyat na dumating na nga si Dorotea kasama ang kanyang driver at ang isa pang utusan ni Rayver bitbit ang mga kagamitan ni Dorotea. Hindi naman ganoon kadami ang mga gamit niya pero minabuti niyang sapat na ito sa siyam na buwang pamamalagi sa pamamahay ng bago niyang boss. Mayroon pang kasamang bayong at iilang plastics na hindi nakaligtaan ng mga mata ni Rayver. “Pakilagay ang mga gamit niya sa pinakadulong kwarto doon,” turo ni Rayver sa dalawang kalalakihan at tahimik siyang tinanguan ng mga ito tsaka umalis sa harapan nila dala-dala lahat ng gamit ni Dorotea. “Uh, good morning Mr.Salvador. Ang laki at ang gara po ng lugar niyo, parang hindi nababagay ang isang tulad kong manirahan dito.” Manghang tugon ni Dorotea at patuloy na inilakbay ang mga mata sa kabuuan ng lugar. Rayver wasn’t so fond of colorful stuffs but he made sure that every single thing he has screams luxury. White at gray ang kulay na pinili niya sa kabuuan ng penthouse mula sa carpets hanggang sa furnitures. Mayroon siyang pagka-OC kaya bihirang makitaan ng alikabok o kahit anong kalat sa lugar niya pwera na lang kung sasadyain talaga.  “Masasanay ka rin dahil dito ka maninirahan ng halos isang taon. Feel free to roam around but make sure to not break anything dahil ikakaltas ko iyan sa sweldo mo. I only get housekeepers weekly but I don’t have a stay-in helper which means ayoko sa makalat, naiintindihan mo?” “Yes, sir! Sanay po ako sa gawaing bahay kaya pupwede rin akong tumulong maglinis at magaling akong magluto tsaka---” “Yeah, whatever. May tatapusin pa akong trabaho.” Pagputol ni Rayver kay Dorotea at umalis na sa harapan niya. “Alis na po kami ma’am,” paalam nung driver at ng isa pang lalaki. “Sige, salamat po ulit sa paghatid. Ingat kayo!” masiglang pagbati nito sa dalawa at hinintay pang sumara ang elevator bago naisipang pumasok sa sala ng penthouse ni Rayver. Sobrang linis ng paligid na pati ang suot na sapatos ni Dorotea ay mabilis niyang tinanggal at itinabi sa bakanteng shoe rack sa may gilid at kahit nakapaa na lang siya, nahihiya pa rin itong baka madumihan niya ang mamahaling carpet. Sinuri rin ni Dorotea ang mga paintings na nakasabit sa dingding at puro abstract ito na hindi niya maintindihan kasi hindi naman siya mahilig sa arts. Niisang picture ng mukha ni Rayver o kahit ang pamilya nito ay wala sa sala. Inisip na lang niyang sobrang pribadong tao talaga ng kanyang boss. Sunod ay binuksan ni Dorotea ang blinds na nakatabon sa akala niyang balkonahe lang ng penthouse pero namangha siyang nakita na mayroon pala itong hagdan pababa sa isang swimming pool at katabi nito ay maliit na garden at statue sa gitnaan pati fishpond sa ilalim nito. Halatang inaalagan ang bawat sulok at sa laki ng lugar, hindi aakalaing mag-isa lang si Rayver na nakatira dito ngunit naisip niyang dati nga pala itong may-asawa. Kalat naman kasi sa mga dyaryo at telebisyon ang isa sa pinakamagarbong kasalan nung nakaraaang taon at kung gaano ito kabilis natapos ngayong taon. ‘Kung hindi rin pala nangyari iyon, paniguradong wala ako rito.’ Isip-isip ni Dorotea sa sarili pero hindi niya ibig na swerte siya dahil paniguradong hindi rin madali ang sinapit ni Rayver pati ang ex-wife nito. “Can you swim?” tila nagulat pa si Dorotea nang marinig ang boses ni Rayver na ngayon ay nasa tabi na niya bitbit ang isang bote ng alak. “Marunong naman po, sir. May dagat doon sa probinsya namin sa Batanes at tinuruan kami ni tatay lumangoy.” “Anong pangalan ng isla?” tanong ni Rayver at uminom direkta mula sa bote habang nakatuon ang tingin sa mukha ni Dorotea kaya hindi maiwasang makaramdam ng ilang ang dalaga. “Sabtang Island po, Mr. Salvador. Doon kasi nakilala ni nanay si tatay kaya---” “Kung sa isla ka lumaki, ba’t ang puti ng kutis mo? You should be tanned by now at the age of 22 and you’re turning 23 this year, am I right?” “Tama po pero may sun allergy ako kaya nung nadiskubre ng mga magulang ko, hindi na nila ako madalas pinapababad sa araw pero nagkakaroon pa rin ako ng pagkakataong matuto lumangoy tuwing dapit-hapon at hindi na masakit sa balat.” Tumango-tango si Rayver na mukhang kumbinsido naman sa paliwanag ni Dorotea. “Do you drink alcohol?” “H-Hindi po. Nakainom ako niyan nung first year college dahil nagkaroon ng party sa school pero hindi nako umulit pa.” “Hindi ka naman siguro nagkaroon ng allergic reactions pagkainom mo ‘diba?” Umiling si Dorotea bilang sagot kaya napangiti si Rayver.   “Well then, let’s have a toast early in the morning as my way of welcoming you to my humble abode!” carefree na sambit ni Rayver at nakangiti pa nitong binuksan ang mga braso habang hawak pa rin sa isang kamay ang bote ng alak. Naiilang na ngumiti pabalik si Dorotea at sumunod kay Rayver nang igaya nito ang kanyang kamay. “Akala ko po ba may tatapusin pa kayong trabaho, sir?” curious na tanong ni Dorotea habang nakasunod kay Rayver hanggang sa may binuksan itong pintuan na konektado sa pool area. Bago pa nito ipasilip sa bisita ang lugar, nilingon niya ulit ito. “I’ve changed my mind. Bastos pala kapag basta na lang kitang pabayaan rito agad. This is my favorite place in this penthouse. My own kind of haven.” Binuksan na ni Rayver ang dalawang malalaking pintuan kagaya nung sa mga entrance ng nightclubs at hindi nga nakakadismaya pati ang loob nito. Nasa dulo ng penthouse ang lugar at mayroong malaking glass wall-mounted glass shelf na punong-puno ng klase-klaseng alak na paniguradong mamahalin at sa corner ay mayroong cylindrical bar counter kung saan nagtungo si Rayver at kumuha nang kung ano-ano tsaka nagsimulang magsalin ng mga inumin sa baso. Namangha si Dorotea lalo na nung itinapon pa ni Rayver sa ere ang dalawang bote at walang pag-aalinlangang sinalo ito pagkatapos bago nagsalin ulit sa baso. “Looking at this place, ano sa tingin mo ang paboritong negosyo ko?” Rayver asked, stating the obvious. “Alak po, sir.” Sagot pa rin ni Dorotea at hindi inaalis ang tingin kay Rayver at kung paano nagf-flex ang muscles sa braso nito habang halatang masaya sa ginagawa niya. “Tama kaya hindi pwedeng hindi mo matikman ang isa sa paborito kong inumin. I’ll make you a cocktail for a start though. This is called blood orange martini. A mix of juice, vodka, lime, and Cointreau.”   Mabilis naihanda ni Rayver ang dalawang inumin para sa kanila tsaka iminwestra si Dorotea na maupo sa kulay pulang loveseat na nakapwesto sa gitna. Sa laki ng lugar, magkakasya ang mahigit bente katao at maluwag pa para makasayaw. May pinindot si Rayver na kung ano sa remote control niyang nakapatong sa mesa at maya-maya pa’y may tumugtog nang background music kasabay ng dim na blue light sa buong paligid. 24/7 ring naka-on ang airconditioner sa buong penthouse pero mas malamig sa parteng ito. “Tikman mo ang gawa ko para sa’yo, Dory,” ayun na naman ang palayaw ni Rayver sa kanya nung una nilang ginawa ang milagro sa mismong office kahapon kaya nag-init ang mga pisngi ni Dorotea. Hindi na niya alintanang hindi naman klaro ang pagpula ng mukha niya pero minabuti niyang kunin na lang ang inuming gawa ni Rayver at mabilisan itong inubos straight-up. Agad lumukot ang mukha ni Dorotea at bahagya itong napasandal sa couch. “Manamis-namis pero mapait at mahapdi sa tiyan! Akala ko parang juice lang sir!” reklamo ni Dorotea kaya medyo natawa si Rayver sa reaksyon nito. “Talagang hindi mo ma-aappreciate kapag nilagok mo nang ganoon kabilis, Dory. Heto, subukan mong inumin ‘tong pangalawa. Take a sip first and even have a taste of the orange as you do so.” Ayaw namang idismaya ni Dorotea si Rayver kaya kinagat niya nga muna iyong orange tsaka lumagok muna ng isang beses at hinayaan ang sariling lasahan ang cocktail drink. Sa bawat galaw ni Dorotea ay nakatuon ang buong atensyon ng boss niya kaya napansin din ni Rayver ang gulat sa mukha nito pero agad ding nag-iba at kumunot ang noo.   “Hindi ko pa rin po naiintindihan ang lasa sir Rayver.” “That’s okay Dory. Not bad for someone who doesn’t drink often, or are we not sure about that?” makahulugang sambit ni Rayver at nakangising inilapit ang mukha nito kay Dorotea na halatang mas nagulat dahil sa narinig at hindi agad nakaimik. “I’ll get us another drink. ‘Yung mas malakas ang tama,” tugon ni Rayver at tumayo na kaya napahinga nang maluwag si Dorotea. Napaisip siyang napalago ni Rayver ang ganitong negosyo mag-isa kaya natural lang na expert talaga ito pagdating sa mga alak at sa paraan ng pag-inom nito pati na rin ang klase-klaseng reaksyon sa umiinom ng mga gawa niya. Hindi nakaligtas ang anumang expresyong nakita ni Rayver sa mukha ni Dorotea.     *** Wala pang tanghali pero hindi na mabilang ni Dorotea kung ilang baso na ng alak ang napainom ni Rayver sa kanya. “I-I’m… getting drunk as heck! That’s some strong s**t you got there! Hahahah!” May gulat at ngisi sa labi si Rayver nang marinig ang mga katagang ito kay Dorotea at naroon pa ang fluent accent sa bawat bigkas ng salitang ingles. Parang ibang tao na ngayon ang nasa harapan ni Rayver at nawala bigla ang mahinhing probinsyanang nagpakilala sa kanya kahapon ngayong tumatawa itong hawak-hawak ang sarili niyang baso. “Are you enjoying the drinks I’ve prepared for you, Dory?” Nabaling ang tingin ni Dorotea kay Rayver at biglaan nitong ibinagsak ang hawak na baso sa round table at buti na lang ay hindi ito nabasag. Her eyes look drowsy in a sexy manner though. Dorotea slightly tilts her head and reaches out for Rayver’s left hand, holding his wrist in front of her face, staring at it with amusement. “Ang galing naman mag-mix nitong mga kamay mo, sir. Can you mix-up what’s below my guts too?” Kung kanina ay si Rayver ang titig na titig kay Dorotea, ngayon naman ay tila naging baliktad ang sitwasyon at seryosong nakatingin si Dorotea sa mga mata ni Rayver hanggang ang sunod na ginawa nito ay nagpanganga sa kanya. Dorotea literally climbed on top of his lap, straddling him on the process. Wala na siyang pakialam na tumaas na ang suot na mahabang palda at nae-expose ang kanyang legs. Awtomatikong napahawak din si Rayver sa magkabilang beywang nito para hindi siya mahulog at mas lalong ikinangisi ni Dorotea ang ganoong gesture. Parang nakaramdam siya ng pagkuryente nang maramdaman ang marahang paghawak ni Rayver sa kanya. “Maaari po ba kitang halikan, Mr. Salvador?” masuyong tanong ni Dorotea at nanatali ang tingin sa mga labi ni Rayver. “May choice ba ako ngayong nasa kandungan na kita, Dory?” tila nabalik na rin sa ulirat si Rayver at siya mismo’y ngumiti na rin nang mapang-akit tsaka dumapo ang isang kamay sa exposed leg ni Dorotea at marahan itong dinaganan nang haplos, pataas-baba. Humigpit ang legs nito at napakagat-labi si Dorotea habang napapikit. With that sight, Rayver couldn’t help but stare at her pretty face and his junior stirred from below.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD