“Kamusta na si Ema, Daryl?” Naputol ang kwento ni Daryl nang narinig ito mula sa kaibigan. Inubos niya muna ang laman sa shot glass tsaka sumandal sa sofa at naging seryoso na rin ang mukha. “Ayaw din akong kausapin eh. Nakibalita ako kay Knives at ang sabi niya, madalas daw magkulong sa kwarto pero kung aalis naman, gabing-gabi na umuuwi kasi nilululong ang sarili sa trabaho o kaya nama’y maglalasing.” “Lasing? Hindi naman ba siya nagmamanehong lasing?” may pag-aalalang tanong ni Rayver at napaprente ng upo. “Hindi kasi sa bahay niyo siya noon madalas naglalasing mag-isa at kinaumagahan sabi nung isa nilang maid na kinuntsaba ko, andaming bubog at alak na madadatnan nilang pinapalinis ni Ema.” “But she hated alcohol or even cigarettes kaya hindi ako umuuwi tuwing nakainom ako kas

